TWENTY THREE

7.9K 98 0
                                    

Back to school na si Camry after what happened to her. Pilit na ginawang normal ng dalaga ang mga araw na lumipas. Inisantabi na muna niya ang lahat at pinagtuunan nya na mabuti ang pagaaral at ginampanan ang pagiging student council officer. Si Lexus ang umasikaso at nagpursige na mapausad ang kasong isinampa laban kay Chrysler, may tulong na rin ni Audi. Gagawin ni Lexus ang lahat na mapatawan ng kaparusahan ang lalaki para kay Camry. Para mabawasan ang guilt na nararamdaman niya dahil sa ginawa niya sa dalaga, at para mapatunayan na rin niya na totoo siya sa hangarin niya at nararamdaman niya para kay Camry. Mahal na mahal niya ang dalaga.

Maagang naghanda si Camry pagpasok sa university. Paglabas ng kwarto niya ay natagpuan niya sa sala ang kambal na naglalaro, humalik lang siya sa mga bata at bumati ng good morning ay nagtuloy na siya sa dining room upang mag almusal.
"good morning po manang" bati ni Camry

"aga mo anak, mabuti at maagap ako nakaluto, hala maupo ka na at ipaghahain kita"

"salamat po" tugon ng dalaga.

Nag uumpisa nang kumain si Camry ay nagulat siya nang may bumungad na bulaklak sa harapan niya, pag lingos niya sa kanan ay si Lexus pala, iniaabot sa kanya ang tatlong pulang rosas.

"good morning baby" sabay halik sa pisngi ni Camry.

"morning" tipid na balik bati naman ng dalaga.

"how's your sleep? Ang agap yata ng pasok mo ngayon."

Sumubo muna ng pagkain si Camry at pagkalunok ay saka lang sumagot kay Lexus na nag-iintay sa pag sagot niya.

"hmmmm... Ikaw nga diyan, ang agap mo rin eh, hindi ka na ba natutulog? Anong oras ka na nakaalis dito kagabi."

"well... It's because i want to see you and to be witb you always with the kids"

"ganon? Nakairap naman na sagot ni Camry. "may activity kasi ang course namin kaya maagap ako today" dagdag pa niya at saka nagpa tuloy sa pag kain.

"uh, kumain ka na rin, sabayan mo na ako"

"thanks, akala ko hindi mo na ako aalukin"

"heh! Kahit naman hindi na kita ayain eh, parang dito ka na rin nakatira. Kulang na nga lang eh dito ka na matulog" saway niya sa binata.

"ayaw mo pa kasi pumayag na dito ako matulog"

"huh? Pwede naman diba? Sa 'yo naman itong penthouse... Dami pa extra kwarto kaya." nangingiting saad ni Camry.

"baby, talaga? Pwede na ako dito tumira? Nanlalaki ang mata na wika ni Lexus. "pero... gusto ko katabi ka lagi pag tutulog" sabay naglungkot lungkutan ang mukha.

"eh, ganun ba gusto mo? Sige... Dun ka na lang sa mansyon." Napatingin sa relo niya ang dalaga. "naku! Male-late na ako!" sabay tayo at dalidali na naglakad palabas papuntang slevator.

"wait! Baby, ihahatid na kita" habol naman ni Lexus na nakasunod naman sa dalaga.

Nasa kotse na sila, itinuloy ng binata ang naputol nilang usapan.

"really baby, payag ka na tumira ako kasama ninyo ng kambal? Utas niya habang nagmamaneho.

"sinabi ko na nga, di ba." Pumayag na rin naman ang dalaga dahil naaawa na rin siya kay Lexus, late na sa gabi umaalis at sobrang agap naman kinabukasan sa unaga nagpupunta sa penthouse. Tapos may trabaho pa. Alam naman niya na hindi basta basta ang trabaho na hinahawakan ng binata. Isa pa ay nagtatanong na rin ang kambal kung bakit hindi nila lagi kasama ang papa nila. Hirap sa pagsagot si Camry kaya naman napagdesisyunan na niya ang duon na rin sa penthouse mamalagi si Lexus. Hindi naman sila magsasama sa isang kwarto.

"yesss!" Sabay suntok sa hangin ng binata sa sobrang galak.

"yang pag drive mo ayusin mo"

"yes boss... Ipapadala ko na mamaya ang mga gamit ko sa penthouse" malaki ang ngiting sambit nito.

"wag mo ipapalagay sa kwarto ko mga gamit mo ha... dun ka sa isang kwarto"

"ok, sabi mo eh, dun na lang sa kalapit ng kwarto mo, yun na lang naman ang bakante di ba?"

Tumango lang si Camry bilang tugon.

"we're here" sabay halik sa pisngi ng dalaga. Inirapan naman siya nito.

"bye" pagkalabas ni Camry sa kotse.

"susunduin kita mamaya" pahabol pa ni Lexus. Tumango lang naman ang dalaga bilang tugon.

Dumaan muna si Camry sa opisina ng SC para mag attendance.

"good morning vice" bati sa kanya ng mga kamiyembro sa SC.

"morning" balik bati naman niya ng nakangiti.

"check ko lang if may pameeting si pres., and kelan para hindi na ko makapag-commit sa iba"

"wala pa naman binibigay na sched si pres, yaan mo vice pag meron agad ka namin na sasabihan"

"thanks, yun lang naman sadya ko, sige aalis na 'ko, may activity pa kasi kami, bye guys"






Natapos ang activity nila Camry sakto naman nang tawag ni Lexus.

Baby, tapos na kayo? I'm on my way na para sunduin ka.

"kakatapos lang ngayon, hintayin na lang kita sa gate"

Ok, see you there.

Naglalakad na si Camry papunta sa gate nang makasalubong niya ang kaniyang mga kaibigan.

"besh, kumusta ang activity nyo?" tanong ni Jam

"okay naman, successful. Lahat naman ay nag participate kaya wala sa aming babagsak" nangingiti naman sagot ni Camry.

"bess kumusta na si papa Audi" nagpapacute na tanong naman ni Yssa.

"eh, kakakita mo lang sa kanya last week ah" tugon ni Jam

"yaan mo, pag nagkita kami ikukumusta kita" sagot naman ng dalaga.

"pauwi ka na ba? Si Jam

"oo eh, susunduin ako ni JL, kakatawag lang nga on the way na daw siya. Sa gate na lang ako maghihintay sa kanya"

"aww, sweet naman nila... Sana forever na kayo bess" si Yssa.

"oh! Di mo na kelangan pumunta sa gate ayun na si Lexus eh" si Jam.

"hi papa Lexus" kaway ni Yssa sa papalapit sa kanila na si Lexus.

"ang bilis mo naman, hindi ba traffic?" tanong naman ni Camry dito.

"hi girls. Hello baby, for you" sabay abot ng tatlong pulang rosas at halik sa pisngi ni Camry.

Namula naman ang dalaga sa iniakto ni Lexus.

"uuyyyy, so sweet" sabay na sambit ng mga kaibigan ni Camry.

"salamat" tanging nasambit na lang ng dalaga na nanginginit ang pakiramdam ng mukha.

"traffic pa rin, malapit na ako sa school nang tumawag sa 'yo kanina" sagot ng binata sa tanong ni Camry.

"shall we go?" si Lexus

"yeah. Mga bess mauna na kami sa inyo" baling ng dalaga sa mga kaibigan.

"sige bess, ingat kayo. Kami naman ay may klase pa" tugon ni Jam.

"bye bess, bye papa Lexus" si Yssa.

The Rape of CamryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon