TWENTY NINE

6.8K 85 1
                                    

Kinaumagahan pag-gising ni Camry ay wala na sa tabi niya si Lexus.

"aga naman nun bumangon" bulong niya sa sarili. Ala seis y media pa lang ng umaga ang oras nang tingnan niya ang malaking orasan na nakasabit sa ding-ding sa itaas ng pintuan.

Lumabas siya ng kwarto at dumeretso sa banyo para mag-hilamos at sepilyo.  Nadaanan pa niya si nanay Lucy na abala sa pagluluto ng almusal.

Nang lumabas si Camry ng banyo ay agad na tinanong niya ang kaniyang nanay kung nasaan si Lexus.

"good morning nanay" halik niya dito. "nasaan nga po pala si JL, pag-gising ko po ay wala na sa higaan" tanong ng dalaga.

"naku anak, hindi pala nag-paalam sa iyo, aba ay sumama sa tatay mo pag-punta sa koprahan kasama ang kambal" tugon naman ng nanay niya.

"pooo!??, naku naman ang lalaking yun, lagot siya sa akin pag-balik niya, eh ang liit-liit pa nung kambal, baka mabagsakan yun ng buko"

"hindi mangyayari yun anak, alam ng tatay mo kung ano ang dapat gawin, may pahingahan naman dun"

"ano kaya naisipan nung lokong yun at sumama sa kaingin" bubulong-bulong ni Camry.

"gusto daw niya ng buko saka ang kambal gusto rin, kaya nang marinig na sasama ang ama ay nagpilit din sumama at gusto rin makapasyal sa kabundukan ng nobyo mo, gusto daw niya makita kung ano ang itsura ng kaingin." mahabang paliwanag ni nanay Lucy.

"nag-aalala po kasi ako sa kambal nanay eh, lalo na kay Eu baka magalusan ng mga damong ligaw... Kainis talaga yang JL na yan."

"hayaan mo na anak, minsan lang naman ay. Ganyan talaga pag laking lungsod, gusto ay alamin lahat kung ano ba ang klase ng pamumuhay sa probinsiya. Doon mo makikita na seryoso talaga sa iyo si Lexus" Paliwanag pang muli ni nanay Lucy.

Napa-titig si Camry sa kaniyang nanay. "bakit nyo naman po nasabi nanay na seryoso sa akin si JL?" tanong niya dito.

"Kasi nga anak, inaalam niya iyong naging buhay mo dito sa probinsiya, iyong klase ng ating pamumuhay. Nakikita ko na kahit laking mayaman si Lexus ay mukhang may mababang loob, mukhang hindi matapobre. Hindi nag-iinarte sa hihigaan, sa kakainin, sa ginagamit na kubyertos. "

"Bakit naman niya po iyon gagawin?"  tanong ng dalaga na hindi makapaniwala. Pero tama naman ang nanay niya hindi matapobre ang mga magulang ni Lexus, kaya ganun din sila Audi at JL malambot ang puso sa mga mahihirap. Pero ang hindi talaga pumasok sa kukote niya ay iyong alamin ni Lexus ang naging pamumuhay niya/nila dito sa probinsiya.

"Ganun anak ang isang lalaking nagmamahal sa isang babae, iyon bang tunay at wagas na pagmamahal... iyong lalaking gagawin ang lahat mapatunayan lang nila sa babae na malinis at totoo ang hangarin nila. Na handang isugal ang karangyaan maipakita lang  nila na puro ang iniaalay nilang pagmamahal. Iyan ang nakikita ko ngayon kay Lexus, inuumpisahan na niya ang panliligaw sa iyo at pati na rin sa amin ng tatay mo. Hindi man niya sabihin ng berbal  o ipinapahiwatig naman niya sa gawa. Pansin ko pati na hindi direktang  panliligaw ang ikinikilos niya pero dun pa rin ang punta."

"Nanay naman eh, imposibleng manligaw pa iyon eh naanakan na niya ako, saka malamang di siya marunong manligaw dahil mayaman sanay siya na babae ang lumiligaw sa kaniya, ang nagbibigay ng motibo."

"Oo, lumaking mayaman, sunod sa luho, nakukuha lahat ng gusto - mapa-bagay o babae. At... hindi niya rin alam ang tradisyon ng kulturang pilipino kung paano manligaw ang isang lalake sa babae, pero ginagawa na niya ngayon ng hindi intensiyonal. Anak hindi mo ba napapansin literal na naninilbihan sa atin ang ama ng mga anak mo. Iyong simpleng pag-alalay sa tatay mo sa mga gawain umpisa na iyon. Kahapon, hindi naman talaga natulog sa kwarto mo si Lexus, nagpalit lang ng damit at umagapay na sa ama mo. Hindi mo aakalain na magagawa niya iyon, hindi takot na masira ang balat at porma. Nandito ka lang kasi sa kusina buong hapon kaya hindi mo alam."

The Rape of CamryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon