TWENTY EIGHT

6.3K 79 1
                                    


Madilim na nang lumabas si Lexus mula sa kwarto ni Camry. Magkatulong na naghahanda naman ng pagkain para sa hapunan sila nanay Lucy at Camry, si tatay Abe naman ay nakikipaglaro pa rin sa kambal sa sala, kitang kita ang kasabikan na makasama ang kaniyang mga apo.

"Magandang gabi po tatay, kids baka pagod na ang tatay ha" bati at mano ni Lexus sa tatay ni Camry.

"We're not papa" sagot naman ni Euxine sa ama.

"Oo nga naman Lexus, hindi naman mabigat makipaglaro dito sa kambal. Isa pa lulubus-lubusin ko na na nadito kayo, baka kung kailan pa maulit na makasama ko ang mga batang ito" litaniya ni tatay Abe.

"Tama po kayo. Pero huwag po kayo mag-alala, dadalas po ang dalaw namin dito" ani Lexus.

"Kids where's mama?" tanong ni Lexus sa kambal kung nasaan si Camry.

"Nasa kusina naghahanda ng hapunan natin" si tatay Abe na ang sumagot, may pinagkaka-abalahang kung anong bagay ang kambal.

"Salamat po tatay, punta na po ako kusina" paalam ni Lexus. Tumango na lang naman ang tatay ni Camry bilang sagot dahil nakaharap na siya sa kambal at nakikutkot na sa pinagkaka-abalahan ng alawang bata.

"Hey!" bati ni Lexus kay Camry na abala sa paghahana ng hapag kainan.

"Uy! gising ka na pala, tamang-tama kakain na tayo, maupo ka na dito matatapos na ako. " sagot naman ng dalaga. "Ay! makikitawag muna sila tatay at kambal" pahabol ni Camry.

"Ok. pero pa-kiss muna" sagot ng binata na mabilis na nakahalik sa labi ni Camry. Napatigil naman ang dalaga sa ginagawa sa pagkabigla, at napailing na lang nang mabalik sa huwisyo.

"Kids, time to eat, wash your hands first before you sit in front of the table. Tatay kakain na po, ready na po ang mesa" Aya ni Lexus.

"Tayo na mga bata, siguradong masarap ang inihanda ni Nanay" inaakay na ni tatay Abe ang kambal habang tumatayo mula sa pagkaka-upo sa lapag.

Lahat ay nakaupo na sa harap ng hapag kainan at katatapos lang ng panalangin ang biglang magtanong si Euxine.

"Mama, what is this, why is this color black. Is it delicious?" nanlalaki ang mata na nakatingin sa tinutukoy na ulam.

"Yes, that's delicious, that is squid. Adobong pusit sa gata ng niyog" paliwanag ni Camry.

"Ewwww, i can't eat that, my teeth might stain black" maarteng utas ni Eu

"Me too" gayang sagot naman ni Axine.

"Kids, don't be a picky eater." si Lexus.

Napatungo naman ang kambal. Minsan ay may pagka-istrikto sa bata si Lexus, pag napapansin na niya na lumilihis na sa tama ang inaakto ng kambal nagse-seryoso na ito.

"Masarap naman ito eh, kahit yung laman ang kainin niyo, huwag na ang sabaw" si Camry

"Meron naman iba pang ulam..." si nanay Lucy.

Masunurin naman ang kambal, kahit labag sa loob nila ay kumuha ng tig isang pirasong pusit at unti-unti ay kumagat at nakapikit na ninamnam ang lasa, ang mga kaharap naman ng kambal ay mga nakatingin nag-aabang sa kung ano ang magiging reaksiyon sa pagkaing tinikman. Si Euxine ay nakangiti samantalang si Axine ay seryoso pa rin.

"it's... delicious, sorry i thought it's bad because of the color. I'm gonna eat this and one of my fave na" si Eu, nakangiti habang sumasandok na ng pusit para iulam niya.

Si Ax ay seryoso pa rin na sinambit ang "it's nice, i like it but it never be my favorite."

Nagkatinginan na lang ang mga magkakaharap at ipinag-patuloy na lang nila ang pag-kain.

Pagkatapos nilang kumain ng hapunan ay nagharap-harap lang sila ng ilang minuto sa sala at tumungo na rin sa pag-tulog. At dahil nga ang mga gamit ng kambal ay nasa kwarto na ng mga magulang ni Camry ay ang nanay Lucy na ang nag-asikaso sa paglilinis ng katawan ng kambal at pagpapatulog sa mga ito.

"so... baby, let's go to bed?" ani Lexus na nakalapit ang bibig sa kaliwang tenga ni Camry. Sila na lang ang naiwan sa sala.

Nagulat naman ang dalaga sa inakto ng ama ng kambal.

"JL ano ba, layo ka nga" piksi niya.

"baby naman.... Let's go to sleep"

"heh! Antok ka na agad? Eh di ba kakagising mo lang?"

"nope, matagal na akong gising hindi lang ako lumabas agad, ang sarap kasi pagmasdan ang mga picture mo sa iyong kwarto" nangingiti na saad ni Lexus.

"ANO!! nabibiglang bulalas ni Camry. "pinakialaman mo yun?"

"hindi baby, nakapatong sa mesita ang photo album mo, bukod pa yung mga nakasabit sa ding-ding."

Napamata na lang si Camry na nakabilog ang mga labi. Naisip niya ang nanay niya ang may pakana nun. Dahil ang pagkakatanda niya nung huling uwi niya ay isa lang ang nakasabit na picture niya sa ding-ding, iyon ay nung magtapos siya sa highschool. Bakit parang dumami yata, at ang photo album niya ay nakatabi sa drawer bakit nasa mesita na. Hindi pa nga pala siya nakakapasok s kwarto niya mula nang dating nila kanina. 'naku nanay, alam ko ikaw ang may gawa nun, haaay na lang, wala na magagawa nanay ko yun eh, love ko yun.' sa isip ni Camry.

"baby?" si Lexus "hindi ka pa ba inaantok? I know you're tired already"

"ok po daddy, matutulog na po" nakairap na sagot ni Camry at tumayo na mula sa pagkaka-upo sa sofa na kawayan.

Agad naman ay sumunod si Lexus sa dalaga.

Nag-half bath lang ang dalaga at humiga na sa kama. Si Lexus naman ay naka-upo sa gilid ng kama at matiim na nakatingin kay Camry, na napansin naman ng dalaga.

"ano pa po iniintay mo, higa ka na"

"baby... is it really okay to you that i sleep here... beside you?" nag-aalangang tanong ng binata.

"oo naman, kaya lika na, higa na" sabay tapik ng dalaga sa bakanteng pwesto sa tabi niya.

"thank you baby" nakangiting sambit ni Lexus at humiga na sa tabi ni Camry. "good night baby" sabay halik sa noo ng dalaga.

"good night JL" nakapikit na nangi-ngiting sagot ni Camry.

-------------------------------------------------------------
Thank you for reading.
Thank you for voting.
Thank you for following.

Without you The Rape of Camry will never be on it's rank.

Thank you so much for supporting Camry.

The Rape of CamryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon