Tatlong taon na ang nakalipas ng nangyari ang pinaka kinatatakutan ko. Ang mahuli kami.
*Throwback*
Magkasama kami ni Justine noon, Linggo ng hapon. Nagpaalam ako kila dadi na magsisimba lang ako kasama ng kaibigan ko ngunit ang totoo ay si Justine ang kasama ko. Ang boyfriend ko. Hindi kami legal dahil 13 pa lang ako at 14 sya. Ang bata hindi ba? Bata pero ang nararamdaman namin sa isa't isa ay walang halong biro dahil totoong mahal namin ang isa't isa.Ang usapan namin ay sa simbahan na kami magkikita. 5:pm ang start ng mass na pinili namin. 4:50pm ng dumating ako sa simbahan. Pagkapasok ko ay agad akong naghanap ng mauupuan. Wala pa si Justine. Maya maya lang ay nakahanap na rin ako ng upuan sa bandang unahan sa kanang bahagi ng simbahan. Agad na akong naupo roon. Tinignan ko ang mga taong nakaupo narin at naghihintay na mag umpisa ang misa. Mabuti nalang at mukhang walang nakakakilala sakin at dahil baka makita kami ni Justine ang isumbong pa kila dadi at mami.
Ng mag ala singko na ay dumating na rin si Justine. Sakto at mag uumpisa na ang misa. Magkatabi kami. Sya ang nasa kaliwa ko at isang batang babae naman ang nasa kanan ko. Nag umpisa na ang misa at tahimik naman kaming nakinig.
Matapos ang isang oras ay natapos na rin ang misa. Nagpahuli na kaming lumabas ni Justine dahil mahirap makipagsiksikan sa dami ng taong nag sisilabasan.
"Magkapatid ba kayo, iha, iho?" tanong sa amin ni father ng maabutan nya kami ng naglalakad na rin palabas.
Nagkatinginan kami ni Justine at parehas nalang tumango. Sorry Lord.
"Mabuti naman at nagsisimba kayong dalawa. Nakakatuwang makakita ng dalawang kabataan na nagsisimba. Ang iba kasi ngayon ay puro gala ang nasa isip. Nakakalimutan ng mag simba at magpasalamat sa Panginoon." Sabi sa amin ni father.
"Nakasanayan na din po kasi namin ang magsimba. Maganda din po kasi itong bonding para sa aming magkapatid." Tugon ni Justine kay father. "Kapatid" hays.
"Mabuti yan. Mag ingat kayo pauwi. Mauna na ko." Paalam ni father sa amin.
"Sige po ingat din po kayo." Parehas naming tugon ni Justine.
Pagkaalis ni father ay tuluyan na kaming lumabas ng simbahan. Magaabang na kami ng trycicle. Dalawang trycicle ang sasakyan namin. Isa sa kanya at isa sa akin. Hindi kami pwedeng magsabay dahil baka may makakita o makakilala samin.
Habang naghihintay ay nakatanggap ako ng text mula kay mami.
Mami
Anak malapit na kami dyan sa simbahan. May binili kasi kami sa bayan kaya naisip namin na daanan ka na rin. Hintayin mo kami sa labas.Sh*t. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Agad kong hinawakan ang braso ni Justine. Napatingin naman sya agad sakin.
"Bakit baby?" Nagaalala nyang tanong sakin.
"N-nandito sila mami, s-sunduin daw nila a-ako." Nanginginig na sabi ko. Natatakot ako. Natatakot na ko.
"Ha? Sige. Haharapin na natin sila. Sasabihin na natin ang totoo." Sagot nya sa akin at niyakap ako. Agad akong nakampante ngunit may takot parin sa puso ko. Natatakot ako sa pwede nilang gawin. Hindi sakin kundi kay Justine.
Maya maya ay may humintong sasakyan sa tapat naming dalawa. At yun na ang sasakyan namin.
Unti unting bumukas ang bintana ng sasakyan at kita ko ang magkahalong gulat at galit sa mukha ni dadi samantalang si mami ay hindi makapaniwala sa nakikita nya.
Agad akong bumitaw sa pagkakayakap ko kay Justine at umayos ng tayo. Nangingilid na agad ang luha ko.
Galit na tumingin sakin si dadi at nagsalita, "Aila sumakay ka na."
Nilingon ko si Justine at agad syang tumango.
"Susunod ako. Pupunta ko sa inyo. Sumakay ka na." Magkahalong pakikiusap at sinseridad ang boses ni Justine. Agad akong tumango at sumakay na sa sasakyan namin.
Mabilis itong pinaandar ni dadi. Nanginginig ako hanggang sa makarating kami sa bahay. Pagkapasok namin sa loob ay agad akong sinampal ni dadi.
"Anong kalokohan yon Aila?!! Pinagaaral kita sa magandang eskwelahan, pinapakain kita ng masasarap na pagkain, binibigay ko sayo lahat ng gusto mo tapos ito?! Ito ang maabutan ko sa simbahan?! Anong pumasok sa kokote mo?! Nawawala kana ba sa katinuan mo?! Ang bata bata mo pa lumaland* ka na!!" Pangaral sakin ni dadi. Wala akong nagawa kundi humagulgol ng iyak habang sinasabi sa akin ni dadi ang mga salitang binitawan nya. Masakit pero totoo.
"Reylan tama na!" Sabi ni mami kay dadi at agad akong hinila ni mami sa kwarto ko. Nilock nya ang pinto at agad akong niyakap. Agad nanaman akong napahagulgol sa iyak.
Maya maya ay bumitiw si mami sa yakap nya sa akin.
"Anak, alam kong nasasaktan ka pero tama ang dadi ko. Bata ka pa. Huwag mo munang pagtuunan ng pansin ang mga ganyang bagay. Madami ka pang taong makikilala na mas better at mas deserving. Sa ngayon pagaaral mo muna ang atupagin mo okay? Lalabas muna ko at kakausapin ko muna ang dadi mo. Mamahinga ka muna dyan." Hinalikan ni mami ang noo ko bago lumabas ng kwarto.
Lumipas ang maghapon, ang isang linggo, isang buwan at isang taon ngunit walang Justine na sumunod. Walang Justine na nagpakita. Walang Justine na naisipang ipaglaban ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/110154230-288-k440342.jpg)