Aila's P.O.V
Kakatapos lang ng klase at susunduin ako ni dadi ngayon. Pupunta kasi ako ng mall dahil may mga kailangan akong bilin para sa projects ko.
Si Christian absent parin pero nag text sya sakin kanina na papasok na daw sya bukas. Wednesday kasi bukas, may quiz kami sa Math.
"Beshywap una na ko ha? Andito na si kuya e. Sorry ulit di kita masasamahan ngayon. Ayaw ako payagan e. Puro daw ako gala." Sabi ni Kirsten with matching sad face.
"Hahaha okay lang. Go na baka hinihintay ka na ni kuya Luke."
"Sige beshywap b-bye!!!" Paalam nya at tumakbo na papalabas ng gate. Hyper talaga nun as ever.
After ilang minutes nag text na din sakin si dadi na nasa labas na sya kaya kinuha ko na ang bag ko at lumabas narin ng school.
Andito na ko sa mall. Naghiwalay kami ni dadi dahil may kailangan din daw syang bilhin. Papunta ako ngayon sa National Bookstore. Kailangan ko kasing bumili ng mga coloring materials dahil may project kami na scrap book and I like designing stuffs.
Pagkarating ko dun, agad akong naghanap ng scrapbook. May nakita akong flower yung design sa unahan parang yung flower sa Beauty and the Beast tapos may katabi pa na puro hearts naman tapos iba ibang kulay. Parehas maganda pero I decided kunin yung puro hearts.
When I get it, someone get the other scrapbook na flower yung design. I look at her and then I froze.
Ohmyghad.
"Ate Aila!!!" She said after recovering for being shock and then she hugged me so tight.
When I realized that this pretty girl is Jasmine, I hugged her tight too.
"Bunsooo!! Hala ang laki mo na. Tapos ang ganda ganda mo na." Sabi ko pagkabitiw ng yakap namin.
Ngumiti naman sya at sumagot, "Nako ate ha, bolera ka pa rin. Pero thanks. Ikaw maaan. Sobrang ganda mo na. Mae-excite si kuya na umuwi pag sinabi kong nakita kita haha. Maiinggit yun."
Natahimik ako sa sinabi ni Jasmine. Mae-excite umuwi? So ibig sabihin..
"Wala pa si Justine dito sa Pilipinas?" Tanong ko kay Jasmine. Tumango naman sya.
"Yap ate. Naiwan sya sa San Francisco with papa dahil may inaasikaso pa sila. I don't know kung kelan uwi nila pero they said na one of this days daw." Paliwanag nya.
Napatango naman ako. Uuwi na sya. Uuwi na talaga sya. At hindi imposibleng magkita kami.
Tumunog ang cellphone ni Jasmine hudyat na may nag text sa kanya. Kinuha nya naman ito mula sa bag nya at binasa ang natanggap na message.
"Ate Aila mauuna na ko. Nag text si mama e. May bisita daw sa bahay. See you when I see you again ate! Take care!" Jasmine said and she kissed me in my cheeks.
"Okay ikaw din. I-kamusta mo nalang ako kay tita. Take care!" I hugged her then after that she left na din agad.
Pinagpatuloy ko ang pamimili ko ng mga coloring materials and then nagbayad na din agad ako sa counter.
Dad text me saying na he's in the parking na daw. Dumeretso na ko agad dun then I saw my dad eating pizza.
"Hala dad meron pa?" I ask him. Bigla akong nagutom.
"Wala na e." Sabi ni dadi tapos nakasimangot pa sya na parang nang aasar.
"Hahaha joke lang. Meron pa andyan sa likod." Sabi ni dadi kaya agad akong lumingon sa back seat then I saw the box of pizza and get it.
"Bigay ni Carl yan. Nakasalubong ko sya kanina." Sabi ni dadi pagkakuha ko ng pizza.
"Ano yun, bigla ka nalang nyang binigyan ng pizza?" Nagtataka kong tanong.
"E kasi nagugutom daw sya kanina kaya naisipan nyang bumili ng pizza tapos nung nakabili na sya, nawala na gutom nya. Kaya ayun nung nakasalubong ako binigay nalang sakin. Hahaha bait na bata."
May saltik ba si Carl at nahawahan na nya si dadi? Jusko Lord patnubayan nyo po ang tatay ko.
Umiling-iling ako at pinagpatuloy ang pagkain ng pizza.
Halos naka tatlong slices ako ng pizza bago kami makarating ni dadi sa bahay. Pagkapasok ko sa loob, walang tao sa sala at kusina. Oo nga pala nasa bahay nila tita Christine si mami. Naggala ata sila ngayon dahil bitin daw ang bonding nila kahapon. Kala mong mga teenager na nagwawalwal yung dalawa e.
Pagkapasok ko sa kwarto nagbihis na agad ako ng pambahay. C-charge ko sana yung phone ko ng may matanggap akong chat from messenger. Binasa ko ito agad.
Carl Francisco
Hey kindly accept my heart request.
Ano daw?
Magr-reply na sana ko kaso nag chat ulit sya.
Carl Francisco: I mean my friend request. Sorry typo.
Ang layo ng heart sa friend ha. May saltik ata talaga to.
Aila Balondo: Okay.
I replied then confirm his friend request.
Carl Francisco: Thanks babe.
What the.. babe????
Carl Francisco: Oops sorry. Typo again. Thanks friend.
May saltik ata talaga sya.
A/N: So ayun feeling ko ang sabay ng update ko pero thankyou sa mga patuloy na nagbabasa at naghihintay ng update ko. Thankyou so much guys! I love you all. And anywaaayy, I can't reply to your messages and I don't know why. Comment nalang kayo here kung may tatanong kayo. Thankyouu again. Vote, vote, voteeee.