Aila's P.O.V
Hindi na ko nagreply sa chat nya after ko syang i-accept. Baka kung ano nanaman sabihin non.
Kinabukasan P.E namin. Pagkatapos ng 3rd class ay nagpalit na ko agad ng P.E uniform dahil maglalaro kami ng volleyball ngayon. Pagdating ko sa gym ay naguumpisa na silang maglaro kaya nakisali na ko. Sa grupo ako ni Kirsten sumali. Hindi ako magaling mag volleyball pero naturuan ako ni Kirsten. Athlete kasi sya and volleyball player kaya sanay talaga.
After ng game, nagpalit na kami ni Kirsten. Damit lang ang pinalitan ko. Tinatamad ako magsuot ng pantalon e.
Bumalik na agad kami sa room dahil 10mins na lang start na ulit ng klase. Habang hinihintay namin yung teacher namin, biglang tumunog yung phone ko. Agad kong kinuha ito sa bag ko at tinignan yung message.
From: 0926+++++++
Hey. Si Carl to. Dinner tayo mamaya? Napaalam na kita kay tito and tita don't worry. ;)The heck. Dinner? Para namang close kami. At nagpaalam na talaga sya kay mami and dadi ha?
To: 0926+++++++
Busy ako.Tinago ko na agad yung phone ko kasi dumating na yung teacher namin. Binigay nya lang yung pointers sa exam para sa Monday at umalis na. May meeting pa daw kasi yung mga teachers kaya nagsilabasan na kami after ng class nya. Yaaay uwian naaa!!
Paglabas namin ni Kirsten at dumeretso na kami sa parking lot dahil may date sila ng boyfriend nya. Yes may boyfriend sya and legal sila. Both families at eto na nga inaaya nya ko sumama sa kanila. Aba't gagawin pa kong third wheel. Iinggitin pa ko sa lovelife nya.
"Bes sige naaaa sumama kana samiiiin. Hahatid ka naman namin pauwi e. Sabi ko kasi kila mama kasama ka kaya sumama kana daliiii. Papaalam kita kay tito!!" Pagpupumilit pa nya sakin.
"Libre ko!" Pahabol nya.
"Madali naman akong kausap bes sige sama ko." Sino ko para tumanggi sa grasya? Pag libreng pagkain aba'y gora na!!
Ng dumating kami sa restaurant ay agad kaming naghanap ng table. Wala ng available na table for three kaya table for four nalang yung napunta samin. Tumawag na agad kami ng waiter para maka order.
Nag vibrate yung phone ko and I check it agad.
From: Carl
Where are you?To: Carl
Nasa Luz. Kasama ko bestfriend ko.Kala nya ha. Di na ko magd-dinner mamaya kaya di na talaga ko makakasama sa kanya.
Habang naghihintay kami ng pagkain, naglalampungan naman yung dalawa. Ew ha. Masyadong PDA. Magb-break din naman.
"Hoy bes yung mga ganyang tingin mo pang bitter ha." Sita sakin ni Kirsten.
"E pano kulang na lang langgamin kayo dyan. Kakahiya naman lipat na kaya ako table?" Biro ko sa kanya.
"Tangek wag. Mas magmukukha kang loner non." At nagtawanan naman silang mag jowa. Tss. Mag break na sana kayo sa 23!
Nagulat ako ng may biglang umupo dun sa isang upuang bakante sa tabi ko. What the.. bat andito tong si Carl?!
"Hey. I'm Carl. Aila's friend. Nabanggit kasi nya na nandito daw kayo kaya sumunod na ko. Mag dinner sana kami mamaya e." Paliwanag nya after maupo. Amp. Antanga ko. Bat ko na kasi sinabing nasa Luz kami? Pwede namang restaurant nalang. Haaay tanga.
"Ayooon naman pala. May date din naman pala si beshywap kooo. Hello! I'm Kirsten. Bestfriend ng 'friend' mo. And si Kian, boyfriend ko." Aba't pinagdiinan pa ng loka yung word na friend ha? Sapakin ko to mamaya e.
"Umorder kana?" Tanong sakin ni Carl.
Ano ba yan ang awkward di naman kasi kami close.
"Yap. Order kana" sagot ko.
Tumawag na sya ng waiter and umorder na rin.
After ilang minutes ng pagk-kwentuhan namin, dumating na din yung foods. Haaay sa wakas. Gutom na gutom na ko e.
Nagsimula na kaming kumain at para kaming magkaka galit kasi wala talagang kumikibo. Mga busy kumain haha.
After naming kumain ay nagbayad na si Kian ng bill. Binayaran na din nya yung inorder ni Carl. Libre na daw nya yon. Yas payamaaan. Galing talaga pipili ng bestfriend ko e.
"Aila sabay kana sakin. Hatid na kita." Aya sakin ni Carl.
"Ay sasabay ako kila Kirsten e. Diba?" Agad kong tinignan si Kirsten at ngumiti naman ng nakakaloko ang bruha.
"Ay bes sorry di ka pala namin mahahatid. May dadaanan pa kami e. Sorry." Anak ng. Halata namang wala silang dadaanan. Gusto nya lang talagang kay Carl ako sumabay. Bwisit.
"Pano yan, sakin kana sasabay?" Nakangising tanong ni Carl.
Argh may choice ba ko? Ayoko naman mag commute, hassle.
"Okay fine." Sagot ko.
Ilang sandali lang ay tumayo na rin kami. Anong oras na din kasi kaya napagpasyahan na naming umuwi. Papalabas na sana kami ng restaurant ng may makasalubong kami. Si Jasmine and si tita Jane. Omg.
"Tita Jane!!" Bati ko kay tita. Nagulat naman sya at biglang yumakap sakin.
"Aila! Hala ang laki mo na. Miss na miss na kita." Sabi ni tita sakin. Mama sya ni Jasmine and ni Justine. Close kami ni tita since nung nanliligaw pa lang sakin si Justine.
"Ako din po. Miss na miss ko na po kayo." Napangiti naman sya. May sasabihin pa sana sya kaso biglang may dumating.
"Mama nakahanap na kayo ng table?"
Hindi ako nakakilos sa sobrang pagkabigla. Hindi ko alam kung paano ko makakapag react ngayong nasa harapan ko na sya. Napalingon sya sa gawi ko at nagulat ng magtama ang mga mata namin.
"A-aila?"
"Justine."
----------------------------------
A/N: Hey guys!! Sorry kung ang late na ng update ko pero thankyou thankyou sa mga nagbabasa and naghihintay ng update. Loveyou all!!