Aila's P.O.V
Alas dose na ng gabi ng saktong dumating sila tito Lorkan, tita Christine at Carl. Nakakapag taka nga dahil hindi man lang nya ko binati. Nagkatinginan kami ng isang beses pero umiwas din sya agad.
Nasa sasakyan na kami ngayon at bumabyahe na. Nakatanggap ako ng text galing kay Justine na ingat daw kami. Nag reply naman ako sa kanya at nagpasalamat.
Si dadi ang syang nagmamaneho sa harapan at nasa tabi naman nya si mami. Ako at si Carl naman ang magkatabi at nasa likod si tita at tito para daw maluwag kami. Ang mga gamit namin ay nasa itaas ng sasakyan. May lalagyanan si dadi na nilagay para doon.
Tahimik lang kami ni Carl sa byahe habang sila dadi ay nagk-kwentuhan.
Naidlip ako habang nasa byahe. Ginising ako ni mami ng 6:30am para makapag almusal. Nandito kami ngayon sa Gerry's Grill para mag breakfast.
"Carl hijo okay ka lang? Kanina ka pa tahimik." Puna ni mami kay Carl habang kumakain kami.
"Okay lang po tita medyo antok pa po." Sabi nya at nginitian si mami. Sinulyapan nya ko ng isang beses pero bumaling din agad sa pagkain nya.
Pinagpatuloy ko ang pagkain ng biglang may tinanong si tita.
"Dalaga na si Aila wala bang nanliligaw?" Tanong ni tita Christine.
"Pumunta sa bahay kanina yung nanliligaw sa kanya noon, nag usap kami at pinayagan ko naman manligaw." Sagot ni dadi na ikinabigla ko.
Manliligaw sakin si Justine? Ang alam ko ay babawi lang sya sakin pero hindi manliligaw. Wala pa kong sinabi sa kanyang okay ako dun. Binigyan ko lang sya ng chance na bumawi, yun lang yon.
"Cr lang ho ako." Paalam ni Carl at tumungo na sya sa cr.
"Ah ganon ba, sayang naman gusto ko sana manligaw si Carl kay Aila para balang araw e magbalae na tayo hahahaha." Biro ng mama ni Carl.
Ng bumalik si Carl ay inubos lang nya ang pagkain nya at umalis na rin kami. Mga 3 hours pa raw ang byahe kaya umidlip na lang din muna ako.
"Anak gising na, andito na tayo." Gising sakin ni mami. Naghikab at nag unat muna ko bago tumingin sa labas.
Nandito kami ngayon sa isang apartment na pag-stay an namin for tonight.
May 2 kwarto lang then sa bawat kwarto may queen size bed kaya kasya kami nila mami & dadi. Ganun din naman kila tita Christine.
Inayos na muna namin ang gamit namin. Mamamasyal daw kami mamayang 10:30am. Nagpasya kong manuod muna ng tv sa sala.
Habang nanunuod ng tv narinig kong bumukas yung pinto sa isang kwarto malapit sa sala. Nilingon ko ito at nakita ko si Carl.
Nagkatinginan kami pero agad din syang umiwas.
"U-uhm Carl." Tawag ko sa kanya. Lumingon naman sya at tinignan ako na parang nagtatanong.
"Okay ka lang? Kanina ka pa kasi tahimik e." Tanong ko sa kanya.
"Normal lang naman siguro sa isang taong nagseselos na tumahimik diba?" Sabi nya habang papalapit sakin gamit ang malamig na mata nyang nakatingin sakin.
"H-ha?"
"Pag nagseselos normal lang naman na tumahimik diba?" Ulit nyang tanong. Nakalapit na sya sakin at kinulong ako ng dalawang braso nya. Nakahilig na sya sakin ngayon habang naka sandal ako sa sofa.
"A-ano bang s-sinasabi mo? At bakit a-ang lapit mo?" Tanong ko habang nauutal sa sobrang lapit ng mukha nya sakin.
"Nagseselos ako. Nagseselos ako Aila." Sabi nya habang nakatingin ng deretso sa mata ko.
Umalis na sya agad pagka sabi nya non. Natulala ako habang inaalala ang sinabi nya.
Nagseselos sya? Kanino naman? Kay Justine???
— — — — — — — — — — — — — — — —
A/N: Hi guys!! Happy new year!! Sorry sa sobrang late na update hehe. Tapos maiksi pa sorry talagaaa. Bawi ako sa mga susunod na chapter. Luv luvvvv
