Aila's P.O.V
Sinundan ko si Carl sa labas pagkatapos ng ilang segundo.
"Carl wait!" Tawag ko sa kanya. Huminto naman sya pero hindi sya lumingon.
"Bakit ka naman nagseselos? Kanino?" Tanong ko ng nakalapit na ko sa kanya.
"Pinayagan mo yung ex mong nang iwan sayo na manligaw? Akala ko ba maguusap lang kayo? Makikipag ayos lang sayo? Pero bakit manliligaw?" Naguguluhan nyang tanong.
"Carl hindi ko alam na manliligaw sya. Ang sabi nya lang makikipag ayos sya at kakausapin lang nya si dadi. Swear I really don't know." Paliwanag ko sa kanya. Pero bakit ko nga ba kailangang ipaliwanag sa kanya to?
Hindi sya sumagot pero nanatili syang nakatingin sa akin.
"Pero bakit ka naman magseselos?" Tanong ko.
"Manhid."
May binulong sya pero hindi ko narinig.
"Ha?" Tanong ko ulit.
"Wala." Sagot nya.
"Aila, Carl halina kayo. Aalis na tayo." Tawag samin ni tita Christine at agad na kaming sumunod.
Nakabihis naman na ko kanina pa at ganun din si Carl kaya n ko na lang yung dala kong body bag at pumasok na sa sasakyan.
Maya maya lang ay kumpleto na kami at nagsimula na mag drive si dadi.
Namasyal lang kami at kumuha ng mga litrato.
"Aila ngiti ka." Tawag sakin ni Carl habang hawak ang canon na camera nya.
Agad naman akong ngumiti at kinuhanan nya ng litrato.
"So pretty love." Sabi nya ng tinignan ang picture ko.
"Ewan ko sayo." Sagot ko at pinuntahan na sila mami na kumukuha din litrato sa mga cellphone nila.
"Hindi pa ba kayo nagugutom? Alas dose na kumain na muna tayo." Sabi ni dadi. Sumangayon naman ang lahat.
Nang nakarating kami sa isang restaurant malapit sa pinagpasyalan namin ay agad na kaming umorder at kumain.
Pagkatapos naming kumain ay pumasyal pa muna kami at ng nag alas singko na ay napagpasyahan na naming umuwi. Igagayak pa kasi namin ang gamit namin para bukas dahil dadaan lang kami sa vigan tapos ay deretso uwi na rin dahil may pasok pa sa Tuesday.
Nagbabasa ako ng libro sa may sala pagkatapos kong magayos ng gamit.
"Sad Girls?" Sabi ni Carl sabay tabi sakin sa sofa.
"Oo. Sad Girls by Lang Leav. Pano mo nalaman?" Tanong ko sa kanya.
"Nakita ko kasi na ni-share mo yan sa Facebook account mo."
Tumango naman ako at nagpa tuloy sa pagbabasa.
Nagulat ako ng kunin ni Carl ang kamay ko at pinagsaklop ang kamay naming dalawa.
Lumingon ako sa kanya at sakto namang nakatingin sya sakin.
"Hindi ba pwedeng akin ka na lang? Ako na lang? Wag na sya."
- - - - - - - - - - - - - - - -
A/N: Guuuys!! Alam kong bitin nanaman update ko huhu super sorry!!! Super busy lang talaga dahil may concert. Hope you all understand. Thankyou for supporting!! Luv luvvv.