Chapter 2

11.6K 191 14
                                    

Aila's P.O.V

Dumaan ang isang linggo at normal lang naman ang lahat. Nakilala na din ni Kirsten si Christian at halos everyday na kaming magkakasabay kumain sa canteen.

Linggo ngayon at balak kong mag simba. Inaya ko sila Kirsten at Christian kaso si Christian lang ang pwede dahil may family gathering daw sila Kirsten. Nag text sakin si Chris (short for Christian) na susunduin nalang daw nya ko mamaya. Um-oo na lang ako.

"Aila sinong kasama mong magsisimba mamaya?" Tanong ni mama sakin pagbaba ko sa hagdan. Kakain na kasi kami ng tanghalian.

"Si Christian lang po ma. May family gathering daw po sila Kirsten e." Sagot ko habang papaupo.

"Sasama na kami ng mama mo sa inyo. Ng makapag simba na rin." Sambit ni dadi.

Kilala na nila si Christian dahil naikwento ko to sa kanila. Pumayag silang makipag kaibigan ako dito dahil matino daw si Chris. If they only knew, charot hahahaha.

After naming kumain pumanik na ko sa taas at dumeretso sa kwarto ko. 12:40pm pa lang. Manunuod muna ako ng KDrama. Episode 8 na ko sa Weightlifting Fairy Kim Bok Joo hihi. Ang gwapo ni Nam Joo Hyuk hihi harot hahaha.

------------
Nakatulog ako kanina habang nanunuod ng kdrama. Ginising lang ako ni mami ng mag 4pm na para gumayak dahil 5pm kami magsisimba. Simpleng white tshirt lang ang suot ko and pants. Then shoes na color white din. If I didn't mention it already, I love color white.

"Aila andito na si Christian bumaba kana aalis na tayo." sabi ni mami sakin and bumaba narin ako agad.

Nakita ko si Christian wearing blue tshirt and also pants. Nginitian ko sya and kumindat naman sya sakin. Tss feeling gwapo panget naman. Charot. Gwapo talaga si Christian kaso ayoko kasi sa maputi. Gusto ko yung moreno parang si... okay stop.

"Tara na baka mahuli tayo sa misa." Tawag samin ni dadi kaya agad na kaming lumabas at sumakay sa car.

Nasa backseat kami ni Christian. Nagkwentuhan lang kami about One Direction. Fan nila kami and parehas kaming nalulungkot kasi hiwa-hiwalay na sila ngayon.

Nang nakarating kami sa simbahan ay agad na kaming pumasok para maka hanap ng upuan. Madami kasing nagsisimba tuwing linggo kaya mahirap humanap ng upuan.

Sakto naman at may upuan sa gitna kaya dun na kami umupo. This is our seating arrangement.

Dadi - Mami - ako - Christian

"Para tayong magkapatid na nagsisimba kasama magulang nila." Bulong ni Christian sakin. 'Kapatid' I remember him again.

"Ang ganda ko naman masyado para maging kapatid mo." Biro ko sa kanya. Tumawa sya at umayos narin ng upo dahil magsisimula na ang misa.

- - - - -

"Ang ganda nung sermon ng pari no? Hindi mo dapat bigla nalang huhusgahan ang isang tao lalo na kung hindi mo naman sya lubos na kilala." Sabi ni Christian habang naglalakad kami papalabas kasabay sila mami and dadi.

"May pinang huhugutan men?" Sabay tingin ko sa kanya.

Ngumiti sya at, "Oo. Nung una mo kong nakita hinusgahan mo na ko e. Nafeel ko yun e." Biro nya at natawa naman ako.

"Haha. Panget mo kasi." Sabi ko sabay akbay nya sakin.

"Christian hijo uuwi kana ba? Hahatid ka na namin." Sabi ni dadi kay Christian pagkarating namin sa parking lot.

"Ay hindi na po. Pupuntahan ko pa po yung pinsan ko e. Kakauwi lang po kasi galing Chicago."

"Ah ganun ba. O sige mag ingat ka ha? Mauuna na kami." Paalam ni dadi sa kanya.

"Una na kami. Ingat ka. Text mo nalang ako kapag nakauwi kana." Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman sya ng nakakaloko.

"Ayieee concern sakiiin." Sabi pa nya at tinusok tusok yung tagiliran ko habang nakangiti.

Hinampas ko sya. "Baliw! Baka kasi pag nawala ka magalit sakin si tita Carla. Mawawalan sya ng anak na panget." Pangaasar ko. Si tita Carla ay yung mami nya. Which is kaklase ni dadi nung high school.

"Sus kunwari ka pa. Sige na pumasok kana sa loob mauna na rin ako." Sabi nya kaya naman pumasok na ko sa loob ng van. Kumaway sya bago kami tuluyang umalis.

Habang nasa sasasakyan ako naisipan kong buksan yung Facebook account ko. Pagbukas ko, status ni Jasmine ang bumungad sakin.

Jasmine Austria

Just got arrived. Welcome back, Philippines!!

Natigilan ako at muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko. Nasa Pilipinas na sila. Umuwi na sila. Nandito na sila.

Si Jasmine. Si Jasmine ang nakababatang kapatid ni Justine. Nandito na sya. Nandito na ulit sya.



- - - -
A/N: Hi guys! Thank you so much sa mga nagbabasa ng story na to and mostly sa mga naghihintay ng update. Sorry sobrang tagal kong mag update. Busy kasi school alam nyo naman. Acads first haha. Love you all!!

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon