Aila's P.O.V
Nag alarm ako ng 6am pero 5:30am talaga usually alarm ko. Halos hindi kasi ako nakatulog kagabi kakaisip na baka nandito na nga sya. Na baka one of these days makasalubong ko sya.
Bumangon na ko at gumayak. Hindi na ko kumain sa bahay dahil mal-late na ko. Pag dating ko sa school dumiretso na ko agad sa room. After 5 minutes dumating na din ang teacher namin.
Nakatingin lang ako sa teacher namin habang nagd-discuss. Wala akong naiintindihan sa dini-discuss nya dahil lutang ang isip ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko na baka nga nandito na sya. Iniisip ko kung anong gagawin ko pag nagkita kami. Magh-hi ba ko? O kaya ngingitian ko? Or hindi ko nalang sya papansin? Kunwari hindi ko sya nakita. Pero hindi naman ako sure kung nandito na sya. Baka naman hindi sya kasama.
"Bes tapos na klase. Ano balak mo? Tutula ka lang dyan?" Sabi sakin ni Kirsten pagkalapit nya.
"Tara na kain na tayo."
"May hindi ka sinasabi sakin."
Hindi ko na pinansin ang sinabi nya at dumeretso na kami sa canteen para mag lunch. Balak ko namang sabihin sa kanya after naming kumain. We've been best friends since grade 7 at alam nya ang istorya namin ni Justine. Isa si Kirsten sa mga taong pinagkakatiwalaan ko ng sobra.
"So ano na nga ang chika natin dyan beshyyy. Kanina ka pa tahimik." Sabi ni Kirsten habang kumakain kami.
"E kasi nag status si Jasmine. Welcome back to Philippines daw."
"Omg so andito na din si Justine??"
"Yun nga ang iniisip ko e. Kung kasama ba sya or naiwan. Wala naman kasing picture." I said to her after kong uminom.
"Siguro nga andito na sila. 3 years din silang nawala no."
Nanatili akong tahimik at walang kibo.
"Pano yun bes, anong gagawin mo pag nakita mo sya?" Tanong nya habang naka tingin sakin.
"Magtatanong. Baka puro tanong ang masabi ko sa kanya pag nagkita kami. Bakit nya ko iniwan, bakit hindi nya ko pinaglaban, bakit nawala na lang sya bigla, bakit hindi sya nagpaalam. Mga tanong na halos tatlong taon na nasa isipan ko at hanggang ngayon hinahanap ko pa rin ang mga sagot." Tinignan ako ni Kirsten ng may halong lungkot sa mata nya.
"Naka move on kana ba?" Tanong nya.
"Pano ko makaka move on kung may mga tanong sa utak ko na hinahanap pa rin ang mga sagot?"
After non hindi na nagsalita si Kirsten. Niligpit na namin ang pinagkainan namin at dumeretso na sa room.
Nung mga sumunod na klase nawala na sa isip ko si Justine. Puro activity kasi ang pinagawa samin kaya dun muna ko nag focus. Wala nga pala si Christian. Absent dahil may lakad daw sila ng pamilya nya. Kakauwi lang kasi ng pinsan nya. Hindi ko na tinanong kung sino dahil hindi rin naman ako interesado.
Nagpaalam na ko sa mga kaibigan ko at umuwi na.
Pagkarating ko sa bahay ay may nakita kong kulay pula na kotse na nakaparada sa harap ng bahay namin. Siguro may bisita si mami or dadi o kaya naman about family business.
Dumiretso na ko sa loob at nadatnan ko si mami and dadi na nakaupo sa sala kasama ang isang babaeng maputi at may katangkaran na siguro ay nasa 30 edad na at lalaki na matipuno na siguro ay asawa nya.
"Anak, halika dito at papakilala kita sa kaibigan namin ng dadi mo." Tawag sakin ni mama.
Agad akong lumapit sa kanila at ngumiti. Mukha naman silang mabait.
"Aila, si Christine at Lorkan nga pala. Kaibigan namin ng dadi mo since high school kami. Kakauwi lang nila galing France."
"Hello po." Bati ko sa kanila at nag mano.
"Hello hija. Ang ganda mo naman. Mukha pang matalino." Sabi sakin ni tita Christine.
"Ay thank you po hehe."
After non nagpaalam na ko sa kanila at umakyat sa kwarto ko dahil naka uniform pa rin ako. Ng makapag palit ako ng damit ay bumaba na ulit ako dahil kumakalam ang sikmura ko. Hindi pa kasi ako nagmemeryenda.
Bago ako makalagpas sa sala ay tinawag naman ako ni dadi. Andun pa din sila tita Christine at tito Lorkan pero may kasama na sling lalaking matangkad, maputi, matipuno, makapal ang kilay at matangos ang ilong. Okay enough for describing him, self.
"Bakit po?"
"Si Carl, anak ng tita Christine at tito Lorkan mo. Nag iisang anak lang din sya pero mas matanda sya sayo ng dalawang taon."
Tinignan ko si Carl at nginitian. Ngumiti naman sya at nilahad ang kamay nya sa harap ko. Kinuha ko naman agad ito ay nakipag shake hands sa kanya. Ang lambot.
"Carl Francisco." Sabi nya sakin pagkabitaw ng kamay namin.
"Aila Balondo." Pagpapakilala ko.
Tumango sya at ngumiti.
"Mukhang magkakasundo ang anak natin Reylan." Sabi ni tita Christine kay dadi at ngumiti naman si dadi sa narinig.
"Hindi naman ako tututol kung magiging mag kaibigan sila o higit pa don." Sabi ni dadi at tumawa silang apat.
Napatingin ako kay Carl at nahuli ko syang nakangiti habang tinitignan ako. What the.. my heart beats fast and I don't know why.
A/N: Hi guys!! Thank you sa mga nagbabasa and naghihintay ng update ko. Love you all!! :*