Chapter 15

5.1K 77 21
                                    

Aila's P.O.V

Dumating si Carl na may dala dalang pizza. Saktong dumating rin sila mami at dadi kaya sabay sabay na kaming kumain.

Habang nasa hapag kainan ay may biglang tinanong si dadi na dahilan kung bakit muntik pa kong mabulunan.

"Nililigawan mo ba ang anak ko?" Tanong ni dadi kay Carl.

"Balak ko pa lang po tito." Sagot naman ni Carl na kinagulat ko. The fluck?

"Hindi pa namin pinapayagang magpaligaw si Aila ngunit kung ikaw ang manliligaw wala kaming problema don." Sagot ni dadi na tinanguan naman ni mami sabay ngiti.

Hindi ako makapaniwala sa nangyaring usapan. Tahimik lang ako hanggang sa natapos kaming kumain.

"Tito, tita mauna na po ako. Nag text na po sila mama e hinahanap na po ako sa bahay. Salamat po ulit." Paalam ni Carl kila mami and dadi.

"Osige, mag iingat ka at salamat rin sa dala mong pagkain." Sagot ni dadi.

"Ikamusta mo nalang kami kay Christine at Lorkan." Habol ni mami.

Pagkatapos non ay inutusan ako ni mami na ihatid si Carl sa labas.

Habang naglalakad kami ay bigla syang nagtanong.

"Ayaw mo ba?" Tanong nya habang deretsong naglalakad patungo sa sasakyan nya.

"Ayaw ko na?" Lito kong tanong.

"Ayaw mo na ligawan kita?" Huminto sya sa paglalakad at humarap sakin.

"U-uh hindi k-ko alam." Sagot ko. Nagulat kasi talaga ako na may balak pala talaga syang ligawan ako. Akala ko naman puro biro lang yung mga ginagawa nya nung mga nakaraang linggo.

"Sige, una na ko." Paalam nya at sumakay na sa kotse nya at umalis.

Lutang ako habang naglalakad pabalik sa loob ng bahay. Nakasalubong ko si mami sa may sala.

"Alam mo, bigyan mo ng chance si Carl na patunayan nya yung sarili nya sayo. Mukha namang seryoso sya." Sabi ni mami sakin habang nakangiti. Nginitian ko lang din sya st dumeretso na sya sa kwarto nila ni dadi.

Bago pa ko makapanik sa kwarto ko ay tumunog na ang cellphone ko. Nakita ko na may text galing kay Carl.

From Carl:

Papayag ka man o hindi, may pag asa man ako o wala, manliligaw pa rin ako at papatunayan ko sayo na seryoso ako.

Nanatili akong nasa sala ng ilang minuto at tulala. Hindi ko alam kung anong ir-reply ko sa kanya. Basta ang alam ko lang ay mabilis ang pintig ng puso ko at hindi ko alam ang gagawin ko.






— — — — — — — — — — — — — —
A/N: hi guys!! sorry sobrang late ng update ko huhu lagi naman haha pero sobrang naa-appreciate ko talaga yung mga naghihintay ng update ko kahit sobrang tagal, sobrang busy lang talaga. Anyway I will try my best na mag update ng mas madalas. Thank you guys!! Love lots!! :*

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon