Aila's P.O.V
Pagpasok ko sa bakuran nila Jasmine, medyo madami na ring tao. Karamihan ay puro mga dalaga't binata na kasing edad ni Jasmine. Mga kaklase at kaibigan nya siguro. Nakita ko rin ang mga pinsan nila na naging ka close ko dati dahil kay Justine.
Nagulat sila ng makita ko. Kinawayan nila ko at ngumiti. May isang bakanteng upuan sa tabi nila kaya dun na ako pumwesto.
"Aila!! Gosh we miss you!" Bati sakin ni Rielle na syang pinaka close ko sa magpi-pinsan. Bukod kasi sa kasing edad ko sya, nagkakasundo rin kami sa ibang bagay katulad ng pagpipinta.
"Tagal ka naming hindi nakita. Kamusta kana?" Tanong ni kuya Jay sakin. Kapatid ni Rielle.
"Okay naman kuya. Medyo busy lang dahil senior high na. Kayo kamusta?"
"Okay lang din naman. Magtatapos na ng kolehiyo." Sagot ni kuya Jay.
Nagpatuloy ang kwentuhan namin hanggang sa tinawag na si Jasmine upang simulan ang debut.
"And now, I present to all of you our beautiful debutante for tonight, Miss Jasmine Mendoza!"
Nagsimulang maglakad si Jasmine sa gitna. She looks like Cinderella. She's wearing a blue ball gown dress. And her make up makes her more beautiful than she is.
After that umupo na muna kami ng tinawag ng mcee si tita Jane.
"Good evening everyone. First of all thank you so much sa lahat ng nandito ngayong araw na ito upang samahan kaming icelebrate ang 18th birthday ng aking anak. Sana ay mag enjoy kayong lahat." Marami pang sinabi si tita Jane bago tuluyang mag start ang party.
Pagkatapos ng mga 18th ceremonies nagsimula ng kumain ang lahat. Lumapit si Jasmine sa table namin.
"Ate Ai!! I'm so happy you're here! Did you see kuya na ba?" Jasmine ask me.
"No pa e." Sagot ko sa kanya.
Simula kanina ay hindi ko pa nakikita si Justine. Naisip ko nga kanina na baka wala talaga sya.
"Nako baka nagtatago yon. Nahihiya dahil sa ginawa nyang pag iwan kay Aila noon. Duwag kasi." Sabi ni Erwin at tumawa ng bahagya.
"Ewan ko ba dun kay kuya. Biglang nag ayang pumunta ng ibang bansa at doon mag aral. Buti nalang nag stay sila tita Marem don at may tinirhan kami." Sabi ni Jasmine.
I was confused on what Jasmine said. Biglang nag ayang pumunta ng ibang bansa? Diba pumunta sila ng ibang bansa dahil may brain tumor si Jasmine at kailangang operahan? Kanina pa ko nagtataka dahil wala ring nagbabanggit tungkol sa sakit ni Jasmine noon. Tatanungin ko na sana sya about that ng bigla syang tawagin ni tita Jane dahil nagsidating yung mga tita nya.
"Excuse lang mga ate and kuya. Balik ako dyan mamaya. Enjoy kayo!!"
After namin kumain ay kumuha si Rielle ng ilang bote ng Smirnoff. Binigyan nya kami ng tig-isa. Tumanggi ako ngunit pinilit nya ko. Kahit isang bote lang daw. Tumango nalang ako dahil kukulitin talaga ko ng babaeng 'to.
Nang makalahati ko na yung bote, nag excuse muna ko sa kanila para mag cr. I also ask them where is the comfort room and they said na nasa loob daw ng bahay. Tumango naman ako.
Pagpasok ko sa loob ng bahay nila Jasmine ay medyo marami 'ring tao. Halos lahat ay hindi pamilyar sakin. Siguro ay mga relatives nilang galing ibang bansa.
After ko mag cr, lalabas na sana ko ng bahay ng makita ko si Justine sa may dining area nila. Mag isa sya habang umiinom.
"Bakit nandito ka? Nasa labas sila Erwin, di mo kakausapin?" Tanong ko sa kanya sabay upo sa tabing upuan nya.
"Aila." Gulat nyang banggit sa pangalan ko. "Nandito ka pala. Lalabas ako, mamaya." Sabi nya.
"I was listening kanina sa mga birthday greetings ng mga kaibigan ni Jasmine sa kanya. Walang nagbanggit tungkol sa sakit nya noon, maski mga relatives nyo wala. And also Jasmine said na umalis daw kayo dahil bigla kang nag aya. Can you please tell me the truth Justine? Bakit kayo umalis noon? Bakit bigla ka nalang nawala? What's the truth?" Tanong ko sa kanya. Gulong gulo na ko. Hindi ko na alam kung anong papaniwalaan ko.
"Aila kasi ano.." Sabi nya sabay baba ng bote. Namumutla sya habang nagsasalita.
"Sorry."
"Sorry saan?" Inis 'kong tanong.
"Sorry nagsinungaling ako. Hindi totoong may sakit si Jasmine kaya kami umalis. Umalis kami dahil sinabi ko. Naduwag kasi ako Aila. Hindi ko kayang harapin ang dadi mo nung araw na nahuli tayo. Natakot ako na baka idamay pa nya sila mama dahil sa galit nya sakin."
"Anong akala mo sa tatay ko? Sasaktan ang pamilya mo dahil sa galit sya sayo? Oo galit si dadi non pero hindi naman sya mang dadamay ng taong walang kasalanan!" Tumulo ang luha ko dahil sa galit na nararamdaman ko.
"Sorry Aila, sorry." Sabi nya habang nangingilid na rin ang luha nya.
"Wag kang manghingi ng tawad dahil sa isang bagay na sinadya mong gawin." Sabi ko sabay pawis ng luha sa pisngi ko. Agad akong umalis roon at nag text kay Carl na sunduin na nya ko. What a freaking day.
— — — — — — — — — — — — — — — —
A/N: Updated!! Hope you like it. Love lots!! :>>