Chapter 17

1.8K 28 7
                                    

Aila's P.O.V

"Sino yun?" Tanong sakin ni Carl habang naglalakad kami papunta sa classroom ko. Pinilit ko syang wag na 'kong ihatid ngunit wala rin akong nagawa.

"Ang alin?" Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Yung nag text sayo kanina habang nasa kotse tayo."

"Ahh, si Justine yon. Nagaayang mag lunch mamaya. Gusto daw akong kausapin." Sinulyapan ko sya at nakita kong biglang naging seryoso ang mukha nya.

"Pumayag ka?" Seryoso nyang tanong. Nakahinto na sya sa harap ko.

"Oo." Sagot ko sa kanya. Hindi ako makatingin sa mga mata nya. Naiilang ako.

"Alam 'kong sabay dapat tayong magl-lunch mamaya pero gusto ko rin kasing makausap si Justine. Tsaka isang beses lang naman. Hindi na mauulit. Promise!" Sabi ko sa kanya habang nakataas pa ang kamay. Pero sandali, bakit nga ba ko nage-explain?

"Tara na." Cold nyang sinabi sakin. Bigla akong naguilty ngunit wala na rin akong nagawa. Last naman na talaga 'tong kita namin ni Justine dahil wala naman na talaga kaming dapat pang pag usapan. Naayos naman na namin yung issue dati. Siguro kailangan nalang talaga namin ng closure.

Tumahimik nalang kami habang patuloy na naglalakad papunta sa classroom ko.

Pagdating namin don ay nagpaalam na rin sya. Malamig parin ang titig nya sakin. Hindi ko alam kung anong iniisip nya.

Gusto nya ba talaga ko?

Hindi kasi ako makapaniwala. Parang ang bilis. Kailan lang kami nagkakilala kaya hindi ko maiwasang mag duda na baka hindi naman talaga nya ko gusto pero basta alam ko, masaya ako kapag kasama ko sya.

Nang nagsimula na ang klase ay halos wala akong naintindihan. Nakatingin lang ako sa blackboard at iniisip ang mangyayari mamaya.

Naalala ko kasi nung nag usap si dadi at Justine. Nabanggit ni dadi na pinayagan nya daw manligaw si Justine. Pero alam ko sa sarili ko na wala na, wala na kong nararamdaman para kay Justine. Ginusto ko lang ulit syang makita at makausap para malinawan ako sa mga nangyari. Yun lang. Hindi para balikan sya.

"Class dismissed." Natapos na ang klase ng hindi ko namamalayan. Agad akong lumabas ng classroom. Hinanap ng mata ko si Carl ngunit wala akong nakita maski anino nya. Bigla akong nalungkot.

Nag text sakin si Justine na nasa labas na sya ng school kaya agad na rin akong pumunta roon para makabalik din ako agad. May 2 klase pa kasi ako mamayang hapon.

Nang paglabas ko ng school ay agad ko syang nakita. Nginitian nya ko agad, ngumiti naman ako pabalik.

"Hey, thanks for accepting my offer. Tara na?"

Tipid akong ngumiti atsaka tumango. Pinagbuksan nya na ko ng pinto at pumasok sa loob.

Tahimik lang ako sa byahe. Iniisip ko si Carl. Nakakailang check na ko ng phone ngunit wala talaga syang message. Ewan ko kung bakit sya ang naiisip ko.

"Okay ka lang?" Binalingan nya ko ng tingin.

"Oo okay lang." Sabi ko habang pinilit na ngumiti.

"Napansin ko kasi kanina ka pa tahimik." Nagaalala nyang sinabi.

"Uhm, may klase pa kasi ako mamaya baka pwedeng bilisan natin? Baka kasi malate ako e." Hindi na ko mapakali. Di ko alam pero gustong gusto ko ng makita si Carl. Makausap sya. Tanungin kung bakit biglang ang cold nya kanina.

"Sure, no problem." Sabi nya sakin sabay ngiti.

Nang makarating kami sa restaurant ay agad na kong tumawag ng waiter para makaorder na. Nakatingin lang sakin si Justine na halatang may gustong sabihin.

"Aila" tawag sakin ni Justine pagkatapos namin umorder.

"Hmm?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam kung nasabi sayo 'to ni tito pero gusto sana kitang ligawan ulit." Seryoso ang mga mata nyang nakatingin sa akin.

Kahit alam ko ng pwedeng mangyari 'to ay nabigla pa rin ako. Pero alam ko na ang desisyon ko, alam ko na.

"Sorry Justine." Sabi ko ng nakatingin ng deretso sa mata nya.

"Bakit? Bakit ka nags-sorry sakin?" Naguguluhan nyang tanong sakin.

"Aaminin 'kong hiniling ko talaga dati sa Panginoon na sana, balang araw makita kita ulit. Makausap ka pero hindi para balikan ka. Ginusto 'kong makita at makausap ka para malaman ko yung mga sagot sa mga tanong ko. Para tuluyan na 'kong maging okay. Para mapanatag na yung utak ko. At ngayong nasagot na lahat ng tanong ko, okay na ko. Sapat na yon. Sorry pero alam ko sa sarili 'kong wala na talaga 'kong nararamdaman para sayo. Sorry talaga Justine, sorry." Sabi ko sa kanya ng punong puno ng sinseridad. Nakita ko ang lungkot sa mga mata nya. Bigla akong naguilty pero alam 'kong ito ang tama. Ito ang desisyon ko at wala ng makakapagpa bago pa don.

"Don't be sorry. Okay lang, naiintindihan ko. I'll respect your decision. Don't worry i'll be okay." Ngumiti sya sakin ngunit kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nya.

Mabilis kaming natapos kumain at hinatid na rin nya ko agad sa school.

"Thankyou." Sabi ko sa kanya pagkatapos nya akong pagbuksan ng pinto.

Nagulat ako ng bigla nya kong hinigit at niyakap ng mahigpit.

"I'm going to miss you." Bulong nya sa akin habang nakayakap pa rin.

Niyakap ko sya pabalik. Bumitaw rin naman sya pagkatapos ng ilang segundo.

"Thank you for forgiving me. I hope you'll find the happiness you deserve." Sabi nya sakin. Nginitian ko naman sya.

"I hope too." Sagot ko.

Nagpaalam na rin sya agad at umalis na. Nang papasok ako ng school ay nakita ko ang taong kanina pa tumatakbo sa isipan ko. Si Carl.

Nakatayo sya sa gilid ng gate ng school. Nang napalingon ako sa kanya ay agad syang nagiwas ng tingin at nagsimulang maglakad.

"Carl sandali!" Sigaw ko at mabilis na tumakbo papunta sa kanya.


— — — — — — — — — — — — — — —

A/N: Hi guys!! Another update for tonight!! Sabi sa inyo babawi ako e haha. Hope you like it!! Love lots!! :>>






You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon