Chapter 13

6.4K 97 19
                                    

Aila's P.O.V

"H-ha?"

"Joke lang hahahaha" sagot ni Carl sabay tawa.

"E kung upakan kaya kita dyan?"

"Hahahaha gulat na gulat e." Sabi nya at nakangiti pa rin hanggang ngayon.

"Tss ewan ko sayo."

Umalis rin agad si Carl sa tabi ko dahil tinawag sya ni tito. Pinagpatuloy ko naman ang pagbabasa ko hanggang sa nakaramdam na ko ng antok.

— — —

Ngayon ang araw na dadaan kami at deretso na rin sa pag uwi.

Nang nasa sasakyan na kami ay may tumawag kay dadi.

"Ganon ba? O sige pauwi na rin naman kami. Dederetso ako agad dyan pagka hatid ko sa kanila. Antayin nyo na lang ako." sabi ni dadi sa kausap nya sa phone.

"Sino yon?" Tanong ni mami.

"Si Allan. Dumating daw si Mr. Feliciano kailangan nila ko. Lorkan? Christine? Okay lang ba na di na tayo lumibot sa Vigan? Importante kasi e."

"Okay lang naiintindihan namin." Sagot ni tito Lorkan.

Naging mabilis ang byahe. Hinatid lang namin sila Carl tapos binaba lang kami ni dadi sa bahay at dumeretso na sya sa trabaho. Kami naman ni mami ang nag ayos ng mga gamit namin na dinala sa Ilocos.

Nanghihinayang ako dahil gusto ko talagang pumunta ng Vigan pero for sure naman may next time pa para don.

Kinabukasan ay antok na antok pa ko ng pumasok ako. Agad akong sinalubong ni Kirsten at nanghingi agad ng pasalubong.

"Kamusta naman ang Ilocos?" Tanong ni Kirsten.

"Okay naman ang Ilocos, lugar pa rin." Sagot ko.

Tinignan naman nya ko ng masama at patuloy na nagtanong tungkol sa pag stay namin sa Ilocos.

Natapos ang klase ng halos walang pumasok sa utak ko dahil antok na antok pa talaga ko. Hindi ako nagpasundo ngayon kay dadi dahil bukod sa alam kong busy sya ay may bibilhin rin ako sa Mall.

"Aila!! Aila!!" Tawag sakin ni Kirsten.

"Ano? Kung maka tawag ka naman kala mo nawawala ka." Sabi ko sabay lapit sa kanya.

"E kasi si Justine ayun sa labas inaantay ka ata!"

"Ano?!"

Nataranta ako bigla at agad tinignan ang direksyong tinutukoy ni Kirsten.

Nandun nga si Justine. Nakasandal sa may kotse nya at mukhang may inaantay. Tumunog ang cellphone ko at agad kong binasa ang mensaheng galing sa kanya.

"From Justine:

Aila, andito ako sa labas ng school nyo ngayon. Aayain sana kitang kumain sa labas."

"Oh anong balak mo girl? Tutunganga ka lang dyan?" Sabi ni Kirsten sakin.

Tumunog ulit ang cellphone ko at may mensahe naman galing kay Carl.

"From Carl:

Hey. I'm on my way papunta sa school mo. Di ka daw nagpasundo kay tito sabi ni tita kaya ako ng susundo sayo. Hassle mag commute. *insert wink emoticon*"

"Shit" bulong ko.

"Lagot." Bulong rin ni Kirsten.

What to do???

— — — — — — — — — — — — — — — —
A/N: Hi guys!! Super duper ultra mega sorry sa napaka tagal na update. Thankyou thankyou sa mga matyagang naghihintay ng ud nitong story. Promise tatapusin ko to. Just patiently wait hehe. Thankyou guys for your support!! Luv u ❤️

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon