Aila's P.O.V
Natigilan ako sa paglalakad ng mabasa ko ang bagong message na dumating. Ang message na nagsasabihing gustong makipag kita at makipag usap sakin ni Justine.
"Aila? What's wrong?" Tanong ni Carl sakin.
"W-wala. Tara n-na." Sagot ko at nauna na sa kanya.
Habang nasa sasakyan kami ay naka tahimik lang ako. Paulit ulit na nagr-replay sa utak ko yung message nya.
"Sure kang okay ka lang?" Tanong ulit sakin ni Carl.
"Oo."
"Gutom ka siguro noh? Kain muna tayong ice cream." Sabi ni Carl. Tumango na lang ako dahil hindi pa rin ako nagmemeryenda.
Nagulat ako dahil sa isang park kami huminto. At nung bumaba kami ay dumiretso si Carl kay manong na nagtitinda ng ice cream.
"Aila okay lang sayo cheese?" Tanong sakin ni Carl pagka lapit ko sa kanya.
"Oo okay lang." sagot ko.
Kumakain pala sya ng dirty ice cream? Naks di halata. Kala ko maarte 'tong mokong na to e.
"Akalain mo yun. Kumakain ka pala ng dirty ice cream?" Sabi ko sa kanya pagkaupo namin sa duyan na pang dalawahan.
"Oo naman. Hindi ba pwedeng kumain ang mga gwapo ng dirty ice cream?" Sabi nya habang naka taas ang kilay.
"Kapal ng mukha" bulong ko.
"Ha? Ano? I love you?" Tanong nya habang nakangisi.
"Sabi ko ang kapag ng mukha mo!" Sigaw ko sa kanya.
"Ahh I love you too." Sagot nya at may pahabol pang kindat. Sarap sapakin e.
Inubos muna namin ang ice cream namin bago bumalik sa sasakyan nya. Habang naglalakad kami pabalik, nagtanong sya sakin.
"Sinong nag text sayo kanina? After mo kasi mabasa yung message, natulala ka nalang. May nag send siguro sayo ng nude picture ko noh? Kaya ka natulala." Sabi nya habang timataas taas pa ang kilay nya.
"E kung sapakin kaya kita dyan?" Sabi ko habang nakaambang ang kamao ko sa mukha nya.
"Oh chill! Chill ka langgg." Sabi nya habang inilalayo ang kamay ko sa mukha nya.
"Pero sino yung nag text?" Tanong ulit sakin ni Carl ng nakasakay na kami sa sasakyan nya.
"Ex ko." Maikli kong sagot.
"Ahh. Ex. Ano sabi?"
"Gusto makipag kita." Sagot ko. Nilingon naman nya ko.
"Makipag kita? Bakit daw?" Tanong nya.
"Galing kasi sya sa ibang bansa. Bago sya umalis hindi sya nakapag paalam sakin ng maayos. Gusto daw nya makipag usap para siguro maayos na din yung saming dalawa." Paliwanag ko sa kanya.
"Makikipag balikan ka?" Bigla nyang tanong.
"Hindi ah! I mean aayusin namin friendship namin. Ganun."
"Ahh. Good." Sagot nya.
"Ano sabi mo?" May binulong sya e.
"Wala." Sagot nya at ngumiti sakin.
Nang maihatid na nya ko ay agad akong naghilamos at nagpalit ng damit. Ewan ko pero parang pagod na pagod ako kahit wala naman kaming masyadong madaming ginawa ngayong araw.
Pagkatapos kong magbihis ay sumalampak agad ako sa kama ko. Habang nagiisip ay biglang tumunog ang phone ko. Phone call.
'Justine Calling'
Wth. Di ko alam kung sasagutin ko ba o hahayaan ko na lang mag ring. Bakit ba naman kasi sya tumatawag?
Ng maisipan ko ng sagutin ang tawag nya ay natapos bigla ang tawag. May bagong dating na message kaya agad ko binasa. Akala ko galing kay Justine pero hindi.
From: Carl
Hey. Busy?To: Carl
Nope. Why?'Carl Calling'
Si Carl naman ngayon. Nasapo ko na lang ang noo ko at sinagot ang tawag nya.
"Hey."
"Hey." Sagot ko.
"Makikipag kita ka?" Tanong nya.
"Ha? Kanino?"
"Ex." Sagot nya.
"Ah hindi ko pa alam. Bakit?"
"Wala lang." sagot nya.
Hindi ako kumibo pagkatapos nyang sumagot. Narinig ko ang buntong hininga nya sa kabilang linya.
"Aila."
"Hmm?"
"Wala, wala. G-goodnight." Sabi nya at hindi na hinintay ang sagot ko. Binaba na nya agad yung tawag. Anyare don?
Inayos ko na ang higaan ko dahil balak kong umidlip muna saglit. Pero bago pa ko tuluyang makahiga ay tumunog muli ang phone ko hudyat na may bagong message na dumating. Pagkakuha ko ay agad kong nabasa ang message na galing kay Justine.
From: Justine
Aila please, let's meet. Tomorrow, at the church. 4pm.— — — — — — — — — — — — — — — —
A/N: Sorry guys for the super late update. Promise magu-update ulit ako one of this days kahit di pa 100 reads to hehe. Thankyou ulit! Luv luvv. :*
