Aila's P. O. V
Puyat ako kinabukasan ng magising at medyo namamaga pa ang mga mata ko. Halos wala akong tulog dahil sa kakaisip ng message ni Carl sakin kagabi kasabay ng message nya ngayong umaga sakin na susunduin daw nya ko ulit. Mabilis akong naligo at nagbihis. Pagbaba ko ng kusina ay agad napansin ni mami ang namamaga kong mata.
"Oh anak bakit namamaga 'yang mata mo?"
"Puyat lang mi, dami naming assignment e." Dahilan ko. Hindi ko pwedeng sabihing napuyat ako dahil sa text ni Carl sakin na liligawan nya ko kahit gusto ko man o hindi. Argh.
"O sige kumain kana at nag text sa dadi mo si Carl sya daw ang susundo sayo." Sabi ni mami. What the?? Tinext nya talaga si dadi ha?
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at naggayak na sa pagdating ni Carl. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung anong una kong sasabihin sa kanya. Mag g-goodmorning ba ko? Ngingitian ko ba sya? Ano ba yan nakakawindang naman!
"Ay palaka!" Gulat kong sinabi.
"Goodmorning!! Gulat na gulat naman ang prinsesa ko." Sabi ni Carl ng humarap na sya sakin.
"E bat kasi nanggugulat ka" inis kong sinabi.
Nadatnan kaming ganon ni mami, "Umagang umaga inaaway mo si Carl." Sita sakin ni mami. Aba't ako pa talaga??
"Kaya nga po tita e. Nilalambing ko lang naman po tas nagagalit." Pagsusumbong ni Carl kay mami. What the?! Nilalambing?!!
"Osya kumain kana ba Carl? Gusto mo bang kumain na muna?"
"Kumain na po ako tita. Alis na rin po kami ni Aila." Paalam ni Carl. Nagpaalam din sya kay dadi na nagaayos ng gamit. Kasama nyang aalis si mami ngayon at may aasikasuhin daw sila.
Agad na kaming lumabas ni Carl at pumunta sa sasakyan nya. Pinagbuksan nya ako ng pinto at pumasok naman ako. Bago nya isarado ang pinto ay napansin kong nakatitig sya sakin.
"B-bakit?" Nauutal kong tanong.
N
"Umiyak ka ba? Bakit parang namamaga mata mo?" Kunot noong tanong nya sakin. Agad akong umiwas ng tingin."H-Hindi. Napuyat lang ako dahil sa mga aasignments ko." Nakumbinsi ko naman sya at sinarado naman nya ang pinto ng sasakyan at pumasok na rin.
"Hihintayin kita mamaya, sabay tayong magl-lunch. Mamayang uwian naman ako maghahatid sayo pauwi." Bilin nya habang diretsong nakatingin sa dinaraanan namin.
Ilang minuto pa bago ko naproseso sa utak ko ang mga sinabi nya.
"Seryoso ka ba talaga sa sinabi mo kagabi?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya. Bumaling sya sakin at seryoso akong tinignan.
"Oo. At katulad ng sinabi ko sayo, pumayag ka man o hindi manliligaw pa rin ako"
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Iniisip ko rin kasi si Justine. Hindi naman sa may nararamdaman pa rin ako sa kanya pero syempre--
Nag ring ang cellphone ko at nakita kong may mensahe galing kay Justine.
Justine
Goodmorning Aila!! I just want to invite you later for lunch, kahit saglit lang. Just wanna talk to you about something. Sana pumayag ka. See you!"
Bigla akong nakatingin kay Carl na titig na titig sakin ngayon. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
— — — — — — — — — — — — — — — — — — —
A/N: Again, I just want to say sorry for super duper late upload lagi. And sobrang iksing update, I swear guys I'm trying my best. But still!! Thankyou so much for walang tigil na support. Super love ko kayo!! Love looooveeee. :>>>>