Chapter 10

7.5K 114 6
                                    

Aila's P.O.V

Pagkatapos naming mag usapan ni Justine ay umuwi na rin kami. Namasaheros lang ako. Inaya nya kong ihatid pero tinanggihan ko.

Pupunta daw sya sa bahay ngayon at hihingi ng tawad kila mami at dadi. Sumangayon naman ako sa gusto nya para maayos na rin yung nangyari noon.

Ang sabi nya ay umaga sya pupunta. 9am na ngayon at kakatapos ko lang maligo. Bumaba na ko sa kusina para mag umagahan.

"Ma'am may tao po sa labas. Justine daw po." Sabi ni manang Fe. Lumingon sakin si mami at dadi.

"Bakit nandito si Justine?" Tanong ni dadi sa seryosong tono.

"Gusto nya daw po kayong kausapin." Sabi ko ng may halong pakikiusap.

Tinanguan ni dadi si manang Fe senyales na papasukin na nya si Justine.

Maya maya ay nakita ko na si Justine. Nagmano sya kay mami at dadi. Nginitian sya ni mami samantalang si dadi naman ay nakatingin sa kanya ng seryoso.

"Magandang umaga po. Gusto ko po sana kayong makausap tungkol sa nangyari 3 years ago." Sabi ni Justine.

"Sumunod ka sakin. Sa sala tayo mag usap."

Naglakad na si dadi papuntang sala at agad naman syang sinundan ni Justine. Bago tuluyang makapunta sa sala ay nginitian muna ko ni Justine. Nginitian ko naman sya pabalik.

"Wag kang mag alala anak magiging okay din yan. Matagal naman na yun, alam kong okay na ang dadi mo sa inyo." Sabi sakin ni mami at nginitian ako.

"Sana nga po mi."

Habang naguusap sila sa sala ay napagdesisyunan kong kumain na muna. 9:30am ng matapos ako at saktong tapos na din mag usap sila dadi at Justine.

Ngumiti sakin si Justine at tumango. Senyales na okay na.

"Uhm tito, pwede ko po bang mahiram si Aila ngayon? Aayain ko lang po sana syang lumabas." Sabi ni Justine.

"Hindi muna pwede ngayon, aalis kami mamaya. Sa susunod na araw na lang." sagot ni dadi.

Mukhang okay na nga sila. Aalis kami mamaya? Walang nabanggit sakin si mami and dadi.

"Ah ganon po ba. Sige po tito. Una na po ako, salamat po." Sabi ni Justine. Tumango naman si dadi.

"Aila una na ko." Paalam nya sakin habang nakangiti.

"Ah sige ingat ka." Sabi ko at nginitian din sya.

Hinatid sya ni manang Fe sa labas.

"Dadi saan po tayo pupunta?" Tanong ko kay dadi.

"Pupunta tayong Ilocos. Nagaya ang tita Christine at tito Lorkan mo para daw makapag bonding ulit tayo."

"Ilang araw po tayo don?" Tanong ko.

"Isang araw lang. Uuwi rin tayo sa Lunes dahil may pasok pa kayo." Sagot ni dadi at nagsimula ng mag agahan.

Kung sila tita Christine ang kasama namin it means kasama din si Carl.

5pm na ng nagising ako. Nakatulog ako kanina habang nanunuod ng movie. Inutusan na ko ni mami na mag impake ng gamit. 12am ang alis namin mamaya kaya kailangan ay maayos ko na ang gamit ko ngayon.

Konting damit lang ang dinala ko dahil isang araw lang naman kami. Lunes ng tanghali kami uuwi at papasok na rin ako agad kinabukasan dahil malapit na ang exam. Hindi pwedeng may mga lesson akong malagpasan.

Pagkatapos kong mag ayos ng gamit ay pumunta akong kusina para makainom at makakain. Hinanap ko ang pinaka bili kong Stick- O kay mami. Mahilig kasi ako dun. Nakita ko naman ito agad at binuksan.

"Takaw naman ng babe ko."

"Ay letseng palaka!"

"Gwapo ko namang letseng palaka." Sagot ni Carl habang tinataas baba pa ang kilay nya.

"E bat ka ba naman kasi nanggugulat? Tsaka bat ka nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Sungit. Dumaan lang ako masama?"

Inirapan ko sya bilang sagot.

"Oh hijo andito ka pala." Sabi ni mami pagkababa nya. Mukhang kakatapos lang din nyang mag ayos ng gamit.

"Opo tita dumaan lang po ako." Sabi ni Carl at nagmano kay mami.

"Ganon ba. Kumain kana ba? May cake sa ref. Kumuha ka lang kung gusto mo." Alok ni mami kay Carl.

"Kakakain ko lang po tita e pero salamat po." Sabi ni Carl.

Nagkwentuhan pa sila saglit bago umakyat ulit si mami sa taas. Si dadi baka natutulog sya magd-drive mamaya e. Isang sasakyan lang daw kami. Si dadi papunta, si tito Lorkan pauwi.

"Ang bait naman ni tita at tito kaya kanino ka nagmana?"

Buset talaga tong lalaking to e.

Bago pa ko makasagot ay tumunog na ang cellphone ko hudyat na may tumatawag.

Dinungaw ni Carl ang phone ko.

"Justine?? Yan ba yung ex mo?Bakit tumatawag?" Tanong nya.

"W-wala." Sagot ko.

"Uwi na ko." Paalam nya gamit ang malamig na tono at tuluyan ng lumabas ng bahay.

Anyare don?



— — — — — — — — — — — — — — — —
A/N: alam kong ang iksi nanaman ng update ko pero promise babawi ako sa next update ko hehe. Thankyou guys sa patuloy na pagbabasa at pag suporta sa story ko!! Luv u all! :*

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon