Chapter 7

7.8K 152 2
                                    

Aila's P.O.V

"Ano namang trip mo at ihahatid mo pa ko sa school? Baka malate ka nyan" sabi ko kay Carl habang nagd-drive sya. Remember magkaiba kami ng school kaya di ko alam kung anong trip nya at ihahatid pa ko.

"Gusto lang kitang makita and ihatid. Ayaw mo ba?" Sabi nya sabay baling ng tingin sakin.

Tss. Gusto kong makita? Anong trip nito sa buhay?

"Tss." Sagot ko at tumawa
naman sya.

"Ang sungit mo noh?"

"Ganun talaga." Sagot ko. Ngumiti lang sya at nagpatuloy sa pagd-drive.

Ng nakarating na kami sa school ay bumaba sya agad at pinagbuksan ako ng pinto. Wow pa gentleman si koya mo.

"Thanks." Pagpapasalamat ko. Bait ko diba.

"Welcome babe." Sagot nya habang nakangisi. Gusto ko biglang manapak.

"Balakajan alis na ko." Paalam ko sa kanya at nagsimula ng maglakad papunta sa room. Bago tuluyang makalayo ay sumigaw sya,

"Sunduin kita mamaya!! Love you!" Sigaw ng g*go. Aba't talaga naman!!

Pagpasok ko sa room ay sinalubong ako ng nakakalokong ngiti nila Kirsten at Christian.

"May pa love you pa si Carl sayo haaa. So anong meaning non?" Tanong sakin ni Kirsten habang nakangiti parin ng nakakaloko. Putnam.

"Wala!" Depensa kong sagot.

"Weh e bat may pahatid hatid pang nalalaman?" Tanong naman ni Carl.

"Ewan ko sa trip non! At tsaka pano nyo nalaman yan? Nakita nyo kami kanina?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Oo! Nagulat nga kaming dalawa kasi hinatid ka pa ni Carl. Yes namaaan!! Dalaga kana bes!" Pangaasar sakin ni Kirsten. Hmm, nakita nila kaming dalawa so sabay din silang pumasok?

"So sabay kayong pumasok ni Christian?" Tanong ko sa dalawa.

"Oo! Dapat nga susunduin ako ni boyfieee kaso nalate sya ng gising e sakto namang magka text kami nitong si Christian dahil nagtanong ako about sa assignment and nabanggit ko nga yun and sabi nya sya nalang daw susundo sakin. Bait nitong si friendship e!!" Sabi nya sabay akbay kay Christian. Tinignan ko si Christian at umiwas sya agad ng tingin. Hmm.

"Ahh okaaaay" sabi ko habang nakatingin kay Christian na hindi man lang ako matignan ng deretso. May tinatago to sakin e. Tsk, tsk.

Nagsiupo na kami dahil dumating na din ang teacher namin.

Bago mag dismiss ay may sinabi pa muna samin ang huling teacher namin for today.

"Group yourselves in to three. Bibigyan ko bawat grupo ng topic bukas. Magkakaron kayo ng reporting. That's all. Class dismissed." She said and left. Agad naman kaming nagka tinginan nila Christian and Kirsten. Obviously kaming tatlo ang magkaka grupo.

Bago ako tuluyang lumabas ng room ay may nareceived akong text message. Agad kong kinuha sa bulsa ko ang phone ko and binasa ang text.

From: 09269******
Can we talk?

Sino naman kaya to? Hindi naman to si Carl kasi sinave ko na yung number nya. Hmm. Mamaya ko nalang reply-an.

Nagpaalam na si Kirsten samin dahil nasa labas na daw ang boyfriend nya. Sabay naman kaming naglakad ni Christian palabas.

"Hoy ikaw may hindi ka sinasabi sakin ha!" Sabi ko kay Christian.

"Huh wala no!" Sagot nya sakin.

"Weh? E bat sinundo mo si Kirsten kanina? Ang tamad mo kaya tas biglang may pa sundo sundo ka pa." Sabi ko at nakita ko syang namula. Aha!

"T-trip ko l-lang! Sinisipag ako k-kanina e!" Sagot nya habang namumula pa rin at hindi makatingin ng deretso sakin.

"Suuus. Gusto mo si Kirsten no? Nako! Mali yan! Maling mali! Inlove na inlove yun dun sa jowabels nya e."

"Hindi ko sya gusto!" Sabi ni Christian na parang naiinis na. Tinawanan ko naman sya.

"Okaaay. Sabi mo e." Saktong pagka sabi ko non ay ang pagdating ni Carl. Seryoso ang mukha nya habang papalapit samin.

"Tara na." Aya sakin ni Carl pagkalapit nya.

"Ay oo nga pala Carl si Christian kaibigan ko and anak sya ng owner ng school na to." Sabi ko.

"Nice to meet you bro." Sabi ni Christian. Tipid namang ngumiti si Carl at tumango sa kanya. Tss sungit.

"Christian alis na kami. Bukas nalang. Bye!" Paalam ko kay Christian. Sakto namang dumating na din ang sundo nya kaya nagpaalam na rin sya.

Bumaling ako kay Carl at taka ko syang tinignan. Nakakunot kasi ang noo nya. Problema nito?

"Problema mo?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad papunta sa sasakyan nya.

"May gusto ba sayo yon?" Tanong nya sakin.

"Sino? Si Christian? Wala no. Si Kirsten ang gusto non." Sabi ko at bahagyang natawa.

"May boyfriend na yun diba?" Tanong nya pagka pasok namin sa sasakyan.

Tumango naman ako bilang sagot.

Tumunog ang cellphone ko at kinuha yun sa bag ko. May isang text message na nagmula sa number na nag text kanina.

From: 09269******
Aila can we talk? Let's meet. Justine to.

Wth.


— — — — — — — — — — — — — — — —
A/N: Hi guys!! Sorry sa mabagal na update hehe. Busy e. And happy 5k reads sa atin!! Thankyou sa pag support ng story na to. And again guys nagu-update ako kapag naka 100 reads na yung huling update ko. So ayun lang. Luv luvv.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon