Aila's P.O.V
After the dinner hinatid na rin agad ako ni Carl. Saktong nasa terrace sila mami and dadi kaya nag bless sa kanila si Carl.
"Tita, tito good evening po." Bait ni Carl sa kanila.
"Good evening din iho. Nadadalas ata ang alis nyo ni Aila ha?" Sabi ni dadi.
"Ah tungkol nga po dun tito, kasi po" Tumingin sakin si Carl na parang nagtatanong kung sasabihin ba nya kila mami yung tungkol samin. Tumango naman ako bilang pang sang-ayon.
"Kami na po ni Aila. Pangako po iingatan ko po yung anak nyo. Hindi ko po maipapangako na hindi ko sya masasaktan pero gagawin ko po ang lahat para maiwasang masaktan sya." Nakatingin ako sa magiging reaction nila mami at dadi. Nakita kong napangiti si mami samantalang si dadi naman ay tumango lang.
"Aasahan namin ang pangako mong yan iho." Sagot ni mami sa kanya.
Inaya pa syang mag dinner nila dadi but he already told them na busog na sya. Dadi told him na bibisita kami sa kanila next week dahil miss na rin daw nila ni mami sila tita Christine.
Nang makaalis na si Carl ay agad akong kinausap nila mami at dadi.
"I know how good and kind Carl is, I hope you two will really end up together." Mami said and then hugged me.
"Suportado ko ang relasyon nyong dalawa. Sana lang ay alam nyo ang mga limitasyon nyo." Pangaral ni dadi.
"Opo, thank you mami and dadi! I love you!!" Sabay yakap ko sa kanilang dalawa.
"We love you more anak."
Kinabukasan, nagpasama ako kay Kirsten sa mall para bumili ng dress. Pink kasi ang theme ng debut ni Jasmine e wala akong pink na dress. And also Saturday na bukas.l
"Sure kang pupunta ka talaga? Hindi ba awkward yun na aattend ka ng debut ng kapatid ng ex mo?" Kirsten ask me.
"Hindi naman siguro tsaka okay naman yung last na usap namin ni Justine and also tita Jane really wants me to go. Nakakahiya kung tatanggihan ko." Explain ko kay Kirsten. Tumango naman sya.
Agad naman akong nakapili ng dress na susuotin ko para bukas. Nilibre ko na rin si Kirsten ng lunch dahil sinamahan nya ko.
"Saan nga pala kayo pupunta ni Christian bukas?" Tanong ko kay Kirsten ng maalala ko na aalis sila bukas ni Christian kaya hindi sila makakasama sa debut ni Jasmine.
"Sa Batangas. Papakilala ako ni Christian sa pamilya nya. Kinakabahan nga ako bes e. Baka di nila ko magustuhan." Sabi nya saka sumimangot.
"Magugustuhan ka non for sure! Tsaka sure din akong mabait yung family ni Christian. Don't worry." I told her.
"Thankyou bes!!" She said and hug me.
Carl text me na hahatid daw nya ko bukas kila Christian but he can't really stay there with me. I told him again na okay lang.
Sinabi ko na rin kila mami at dadi na pupunta ako sa debut ni Jasmine. Pumayag naman sila basta uuwi rin daw ako agad bago mag hating gabi.
Sinundo kami ni Christian sa mall. Hinatid nila kong dalawa ni Kirsten sa bahay. Carl is busy today dahil madami talagang pinapaasikaso sa kanya sila tita Christine. Hay. I miss my bahbi.
When Saturday came, I started preparing myself for the debut ng 4:30pm.
5:30 ng mag text ako kay Carl na sunduin na nya. He said kasi yesterday night while magka call kami na hahatid at susunduin nya daw ako kila Jasmine today.
"Bahbi!!" Agad nya kong niyakap ng makita ko.
Nasa sala sila mami at dadi. Kasama ni Carl while waiting for me.
"I miss you bahbi!" I said after the tight hug.
"I miss you more. Hmm, tara na?"
I nodded at him. Mag 6pm na rin kasi.
"Ma, dy alis na po kami."
"Hahatid ko rin po si Aila pauwi mamaya."
"Oh sige, mag iingat kayo." Sabi ni mami.
"Aila magt-text ka pag pauwi kana. Carl mag ingat sa pag drive." Bilin ni dadi.
"Opo, sige po una na po kami."
Hopefully this day would turn out good because I really have this gut feeling inside me.
— — — — — — — — — — — — — — — —
A/N: Hi guuuys. Sorry for the late update but I hope you enjoy this one and all the other chapters I will update soon. Enjoy reading!! Love lots :>>