After 3 years..
Aila's P.O.V
Naalala ko nanaman ang nangyari noon. Sa tuwing naaalala ko yon ay hindi ko maiwasang malungkot. Minsan pa nga ay napapaiyak ako dahil sa sakit na dulot ng nangyari sa nakaraan. Sa iba ay simple lamang ang pinagdaanan ko ngunit para sa akin ay hindi. Masakit dahil minahal ko talaga sya, masakit dahil pilit kaming pinaglalayo ng tadhana, at ang pinaka masakit ay ang hindi nya pagbalik.
Sa tatlong taon na nakalipas ay wala akong Justine na nakita man lang. Pati si tita Dhelle ay hindi ko narin nakikita. Wala akong balita sa kanila. Matapos ang nangyari noon ay naging okay na ulit kami ng pamilya ko at may nanligaw sa akin ngunit hindi ko sinagot dahil bukod sa hindi pa pwede ay wala talaga akong nararamdaman para sa kanya. Sya pa rin talaga.
3rd week of June na ngayon. Ang daming reports na pinapagawa. Grade 12 na ko. Uwian na pero hindi pa kami pinapalabas ng teacher namin dahil may announcement daw syang sasabihin.
Habang wala pa si ma'am Crizel kay nagkwentuhan muna kami ni Kirsten.
"Nako ha, pag yang announcement ni ma'am hindi importante nako talaga." Sabi nya sakin. May lakad kasi sila ng pamilya nya ngayon e ayan mal-late sya ng uwi kasi nga wala pa si ma'am.
"Baka importante talaga. Kung hindi naman ganun kaimportante ay pwede namang bukas na nya sabihin." Sabi ko sa kanya.
Tumango sya, "Sabagay."
Maya maya lang ay dumating na si ma'am Crizel. Nagsipag balikan na kami sa aming pwesto at tumahimik para makinig sa iaanounce nya.
"Okay class, tomorrow the son of the owner of our school will be transferring here and he will be your new classmate. Please be nice to him. And also he will be with his father tomorrow so definitely it's Mr. Corpuz. So behave tomorrow and complete uniform. That's all you can go home now." Paliwanag ni ma'am Crizel samin.
Sa pagkakaalam ko ay sa America na nagsimulang mag aral ang anak ni Mr. Corpuz since elementary. Mabait si Mr. Corpuz so sana mabait din yung anak nya which is magiging kaklase namin simula bukas.
Nagpaalam na agad sakin si Kirsten at nauna ng lumabas ng room. Maya maya lang din ay lumabas na ko at bumaba na sa first floor. Nasa third floor kasi yung room namin.
Nag stay lang muna ko sa canteen with my close friends habang wala pa yung sundo. 3:10pm kasi ang uwian namin tapos mga 3:30pm pa ko sinusundo kasi madalas nago-overtime kami kaya ganon nalang ginawa ko.
While waiting I saw Sean and Miley eating together here in canteen 2 tables away from me. Mag best friends sila and they both Grade 7. I remember someone. He's one of the few things good to remember. I smile.
After minutes passed away, tinawag na ko nung guard and sinabing nandyan na yung sundo ko. Nagpaalam na ko sa mga kaibigan ko at lumabas na.
- - - - - -
The usual I'm doing my morning routine. My dad's waiting me outside. Sya ang naghahatid sakin papunta sa school while pag uwi ay yung driver na namin. He wants daw kasi na sya ang naghahatid sakin. Bonding na din daw kasi namin yun.After kong mag ayos ay bumaba na rin ako para makakain ng breakfast. I saw mom in the kitchen. I kiss her on the cheeks and umupo na.
Nagsimula na kong kumain. Sila mami and dadi kasi mamaya pa yun kakain kaya madalas mag isa lang akong nag uumagahan. Nasanay na din kasi akong kumain bago pumasok.
After kong kumain ay nagpapaalam na ko kay mami at dumeretso na sa labas. Pagkakita ko sa kotse namin ay agad na kong sumakay dahil nandun na din naman si dadi sa loob.
Pagkarating ko sa school ay tahimik. Maayos at mas malinis kesa sa normal na araw. Oo nga pala, dadating ang owner ng school na si Mr. Corpuz kasama ng anak nya. Dumeretso na ko agad sa room. Halos lahat ng classmate ko ay nandito na. 7:00 na rin naman kasi. 7:15 kasi ang simula ng klase.
Ng mag 7:15 na ay dumating na ang teacher namin sa first class which is Science. Isa ang Science sa ayaw ko na subject dahil nahihirapan akong intindihin ito. Gusto ko pa namang maging Doctor kaso hindi ko yata kakayanin.
Natapos ang first class at maya maya lang ay dumating na din ang teacher namin for our second class which is T.L.E naman. Well I'm fine with T.L.E.
After 30 minutes may kumatok sa pintuan ng classroom namin. Nakasara ang pintuan namin pati narin ang bintana kasi naka on yung aircon.
"Come in." Saad ng teacher namin.
Pagkasabi ni ma'am non ay bumukas na ang pintuan at tumambad samin si Mrs. Buencamino, our school principal with Mr. Corpuz, the owner of the school, and a teenager boy which I think is his son.
Sabay sabay kaming tumayong magkakaklase at binati sila, "Good morning Mrs. Buencamino, good morning visitors."
Pagkaupo namin ay agad narin silang pumasok sa loob ng classroom namin.
"Good morning everyone. I am Mr. Corpuz, the owner of this school and this is my son, Christian Paul Corpuz. He'll going to be your classmate for this school year. Treat him as your normal classmate and not a special one. I'm just being fair for all of you." He said.
Ngumiti naman kami at agad ding umalis sila Mr. Corpuz and Mrs. Buencamino. Naiwan si Christian sa harapan. Hinahanap sya ng pwesto ni ma'am at napili na itabi sakin. Absent kasi yung katabi ko dahil nilalagnat daw 'kuno' tss nanuod lang yun ng movie e. Showing kasi ngayon nung movie ng favorite nyang love team kaya sumugod sa SM Cinema para manuod. Ayan tuloy may pumalit sa pwesto nya. Napalitan sya agad. Ok ang drama ko.
Maya maya lang ay umupo na sya tabi ko. Napatingin sya sakin at agad ko naman syang nginitian. Sinuklian din naman nya ko ng ngiti. Mukha naman syang mabait.
Natapos ang pang umaga na klase at lunch na. Wala akong kasabay kasi si Kirsten absent din putek. Fave love team din kasi nya yung may new movie ngayon tapos yung mga close friend ko naman hindi na bababa sa canteen kasi may baon sila dahil nagtitipid daw sila kaya ayan loner mode tuloy ako.
Bumaba na ko sa canteen at umorder ng pagkain. Pagka order ko ay agad na kong naupo at nagsimulang kumain.
"Hey, pwedeng makiupo?" Sabi ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Si Christian.
"Ah oo naman sige." Mabilisang tugon ko.
Agad naman syang naupo at nagsimula na ring kumain.
Halos sabay kaming natapos at sabay na ring naglakad papunta sa room.
"Salamat sa pagpayag na makiupo kanina sa table mo. Wala kasi akong kakilala dito and since classmate kita and seat mate na rin ikaw yung naisipan ko buti nalang pumayag ka haha." Sabi ni Christian sakin habang naglalakad kami sa hagdan patungong second floor.
"Nako okay lang yun Christian. Parang yun lang. Okay nga e kasi wala din akong kasabay kanina dahil absent yung bff ko tapos nakiupo ka kaya hindi ako mukhang loner kanina." Agad naman syang natawa sa sinabi ko.
"Hahaha. Parehas pala tayo. Ayoko ding nagmumukhang loner e. And btw, Chris nalang itawag mo sakin dahil friends naman na tayo. Oops, pwede nga ba? Uhm friends?" Huminto sya sa paglalakad at humarap sakin sabay lahad ng isa nyang kamay.
Inabot ko naman ito ng isa kong kamay at sinabing, "Friends."
