Chapter 6

8.5K 164 7
                                    

Aila's P.O.V

Ilang segundo kaming natahimik at walang kumikibo. Gulat pa rin na nakatingin sakin si Justine. Maya maya ay biglang kumibo si Kirsten.

"A-ah tita Jane uhm mauna na po kami. Hiniram ko lang po si Aila kila tito Reylan e. Pasensya na po." Paalam ni Kirsten.

"Ay ganun ba. O sige. Ah oo nga pala. Birthday na ni Justine next week. Wag kayong mawawala ah? Sa bahay lang naman gaganapin at kokonti lang din ang bisita. Aasahan ko kayo." Pang imbita samin ni tita Jane.

"S-sige po tita. M-mauna na po kami. Bye po." Paalam ko at agad na kaming lumabas.

Tulala lang ako habang papunta kami sa parking lot. Naw-weirduhan na siguro si Carl samin dahil bigla kaming natahimik kanina.

"Okay ka lang?" Tanong ni Carl sakin.

"Oo." Maikling sagot ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakita ko na ulit si Justine.

Ganun pa rin naman ang itsura nya pero mas tumangkad at mas pumuti na sya kaysa noon.

Pagkarating namin sa parking lot ay agad na rin kaming nagpaalam sa isa't isa. Habang nasa byahe ay tahimik lang ako. Hindi naman na ko kinulit ni Carl at nahalata siguro nya na wala ako sa mood. Binuksan na lang nya ang radio ay nakinig sa music.

'Kung inaakala mo ang pag-ibig ko'y magbabago itaga mo sa bato dumaan man ang maraming pasko'

Buko. Pag magkausap kami sa phone tuwing gabi, bago ako matulog kinakantahan muna ko ni Justine ng buko. Yun daw kasi yung theme song naming dalawa.

'Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ko marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko'

Ako pa rin kaya ang buhay nya? O may bago na?

"Aila nandito na tayo."

Lumingon ako sa tapat ng bintana ng kotse ni Carl at nakita kong nasa tapat na nga kami ng bahay namin.

Agad akong pinagbuksan ng pinto ni Carl. "Salamat sa paghatid." Sabi ko sa kanya.

"Wala yon. Sure ka bang okay ka lang? Kanina ka pa tulala. Ang pangit mo pag nakasimangot." Sabi nya.

"E kung sapakin kaya kita?"

Natawa naman sya "Haha joke lang babe." Sabi nya sabay ngisi. Uupakan ko na talaga to.

"Bye na nga papasok na ko sa loob. Ingat ka pauwi." Paalam ko sa kanya.

"Yap magiingat ako. Papakasalan pa kita e." Sabi nya sabay kindat.

Sasapakin ko na sana sya kaso agad syang umiwas at tumawa.

"Joke lang naman ulit babe. Pikon ka naman agad."

"Babe mo mukha mo!" Sabi ko. Sumakay na sya sa kotse nya.

Bago sya tuluyang umalis ay binuksan pa nya muna yung bintana ng kotse nya.

"Goodnight Aila." He said with a smile on his face. Damn. Bat ang gwapo? Wth. Makapasok na nga lang sa loob.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay dumiresto muna ko sa kwarto nila mami and dadi para i-inform na andito na ko at dumiretso din ako agad sa kwarto ko.

Ilang oras na ang nakakalipas pero gising pa rin ako. Nakatulala lang ako sa kisame ng kwarto ko. Inaalala yung nangyari kanina. Aaminin ko namiss ko sya. Gusto ko syang yakapin kanina pero mas gusto kong mag tanong. Kung bakit hindi nya ko binalikan nung araw na yon, kung bakit bigla nalang syang nawala, kung bakit bigla nalang syang hindi nagparamdam at madami pang iba.

Pinagiisipan ko pa kung pupunta ba ko sa birthday nya at kung papayagan ba ko nila dadi.

— — — — — — — — — — — — — — —

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ko kagabi. Nagising na lang ako kinabukasan dahil sa alarm ko sa phone ko. Agad naman akong nagbihis para pumasok.

Pagbaba ko sa sala ay nakita ko si Carl na kausap ni dadi. Agad naman nila kong napansin.

"Oh anak ayan ka na pala. Sabay na daw kayo ni Carl pumasok. Tutal e aalisin din kami ng mami mo at may aasikasuhin kami sa Pampanga." Sabi ni dadi sakin pagkalapit ko sa kanila. Tumango naman ako bilang pag sang-ayon.

"Puntahan ko lang ang mami mo sa kusina. Sumunod na rin kayo ron para makapag umagahan na tayo." Sabi ni dadi at umalis na rin.

"Goodmorning babe." Bati sakin ni Carl habang nakangisi.

"E kung sapakin na talaga kita ng tuluyan?" Sabi ko sa kanya. Babe nya mukha nya.

"Ayon hindi na bad mood. Maganda kana ulit." Pangaasar nya sakin.

"Ewan ko sayo." Iniwan ko sya dun at nagsimula na kong maglakad papunta sa kusina, gutom na rin kasi ako.

Pagkarating ko don ay handa na ang pagkain. Sumunod pala sakin si Carl kaya kumain na kami.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na rin kami agad at umalis. Baka kasi malate pa kami. Friday na tas mal-late pa kami. Kahiya naman diba.

"Babe."

Sabi ni Carl sabay tingin sakin. Agad ko naman syang pinandilatan ng mata.

"Sabi ko nga Aila e." Sabi nya.

"Oh bakit?" Sabi ko habang nakataas ang kilay.

"Nainlove kana ba?" Seryoso nyang tanong.

"Bakit mo naman naitanong?" Curious kong tanong sa kanya.

"Sagutin mo nalang. Please." Aba. Hmp sige na nga.

"Oo. " sagot ko.

"Pano mo masasabi pag inlove kana?" Tanong nya ulit.

"Hindi ko alam e basta ang alam ko lang pag kasama mo yung taong yun ayaw mo ng mahiwalay pa sa kanya. Ayaw mo ng matapos yung araw na yon kung saan nasa tabi mo sya. Yung mapapawi lahat ng pagod at sakit na nararamdaman mo pag nakita mo sya. Yung hindi mo ba kailangan ng gamot kasi sya lang sapat na. " Sagot ko sa kanya. Napangiti naman sya agad.

"Alam na alam mo ah? Inlove ka no? Inlove ka sakin?" Sabay tingin nya sakin.

"Abno!" Sabi ko sa kanya at humagalpak naman sya ng tawa.

"Ang sarap siguro magmahal no?" Sabi pa nya.

Oo, sobrang sarap magmahal lalo na siguro pag hindi ka iiwan ng taong mahal mo.


- - - - - - - - - - -
A/N: Hello!! Thankyou po sa mga nagbabasa at naghihintay ng update ng story na to. I felt so appreciated because of you guys. And nagu-update po ako pag umabot na ng 100 reads yung last update ko. So yun. Thankyou ulit!! Luv luvvv.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon