Aila's P.O.V
Hinatid ako sa bahay ni Carl pagkatapos ng klase. Mamayang 6 pa daw kami magkikita kita nila Kirsten kaya umuwi na muna si Carl dahil 4 pa lang naman ng hapon.
Pag uwi ko sa bahay ay napag desisyunan 'kong matulog muna para hindi ako antukin mamaya pag umalis kami. Wala pa sila mami at dadi kaya mamaya nalang siguro ako magpapaalam sa kanila.
Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang tungkol samin ni Carl. Alam ko naman na tanggap nila si Carl, botong boto nga sila sa mokong na yun e pero syempre gusto ko pa rin na alam nila.
I decided na matulog muna kahit 1 hour lang. Nag alarm nalang ako sa phone ko para sure na magigising ako mamaya.
***
We are already heading to the restaurant that Kirsten told me sa call kanina. Hindi pa nakakauwi sila mami and dadi kanina kaya I decided to text them nalang."Are you texting tita?" Carl said while driving.
"Yap. Nasa work pa ata sila ni dadi e. Super busy siguro ulit."
"Tinext ko rin sila kanina para ipagpaalam ka. Okay daw basta I'll bring you home before ten."
And just like what he said, daddy's reply to me was about Carl's text to him kanina na pinagpaalam nga daw ako. Carl never failed to amaze me everytime. Never nya nakalimutan magpaalam sa parents ko pag aalis kami. He respect me and my parents so much.
When we arrived to the restaurant, nandun na sila Christian. Sabay sabay kaming um-order ng foods. While waiting for the foods nagkwentuhan lang muna kami.
Nang dumating na yung order namin nagsimula na kaming kumain. While eating, someone suddenly call me.
"Ate Aila!!" Jasmine said. Napatayo ako and then she hug me. Niyakap ko rin sya pabalik.
"Jasmine! Nice to see you again! Sino kasama mo?" Tanong ko sa kanya.
"Mga friends ko ate. Thank God nandito ka. Balak ko sanang ipabigay 'to kay kuya but now that you're here, eto na." Sabay abot nya sakin ng isang invitation.
"Debut ko na sa Saturday, hopefully you'll come. Sama mo rin mga friends mo ate. Mama said na imbitahin daw talaga kita. She's sad nga kasi you didn't come nung Tuesday e." Sabi nya.
"Nung Tuesday?" Naguguluhan 'kong tanong. May ano ba nung Tuesday? Wala akong maalala.
"Yes ate, nung Tuesday. Birthday ni kuya."
Tuesday.... omg. Birthday ni Justine nung Tuesday??? Yun yung huling araw na nagkita kami! Nung nag lunch kami. Shocks, birthday nya non! How come nakalimutan ko??
"Hala, pakisabi kay tita sorry. Nakalimutan ko but I promise pupunta ako sa debut mo." I said to her. Since the beginning, close na talaga kami ni Jasmine. Nanliligaw pa lang sakin si Justine super close na kami kaya di talaga ko papayag na di makakapunta sa debut nya.
"Sabi mo yan ate ha? Sige ate Ai, see you on Sat!!" Paalam nya bago pumunta sa mga friends nya.
Nang nakaalis si Jasmine ay agad na rin akong umupo.
"Pupunta ka?" Tanong ni Kirsten sakin.
"Yap, you want to come ba? Sama kayo ni Christian. And also you bahbi." Aya ko sa kanila.
"Sorry bes di kami pwede ni Christian sa Saturday e. Aalis rin kami non." Kirsten said.
"Okay, okay. How about you bahbi?" Tanong ko kay Carl.
"Sorry bahbi. Even though I really want to go with you, may pinapaasikaso kasi sakin si dad but I promise susunduin kita, just text me." Paliwanag ni Carl.
Sumang-ayon naman ako sa kanya. Baka maging awkward din kung talagang isasama ko sya but I would be really happier if he's going to come with me.
I just hope Saturday would be a good day.
— — — — — — — — — — — — — — — —
A/N: Updated!! Hope you like it! Love lots :>>