Aila's P.O.V
Sa dami ng lugar bakit sa simbahan pa? Bakit sa lugar pa kung saan nya ko pinangakuan na ipaglalaban?
Halos hindi ako nakapunta sa simbahan na yun sa loob ng anim na buwan. Pag nagsisimba kami dun nila mami at dadi ay parati ko lang naaalala yung huli naming pagkikita. Masakit pa din.
Nasa school na ko ngayon at kinwento ko kay Kirsten na makikipag kita ko kay Justine mamaya. Oo, pumayag ako.
"Ready ka na ba?" Tanong nya habang kumakain ng sandwich. Di na daw kasi nya nagawang mag breakfast dahil mal-late sya kaya ayan. Bumili na lang ng sandwich.
"Oo. Gusto ko ng malaman yung mga sagot sa tanong na tatlong taon kong dinala."
"Sabagay okay na din yan para maging totally okay kana at magkaroon na ng pagasa si Carl sayo hihi." Sabi nya sabay kuha ng tubig sa bag ko.
"Carl ka dyan. At tsaka kelan ka matututong magdala ng sarili mong tubig ha?" Tanong ko sa kanya. Aba everyday nalang nakikiinom sa inuminan ko. Pag sinabi ko namang bumili sya ng tubig sa canteen sasabihin nya nag iipon sya.
"Sabi ko naman sayo matuto kang magdala ng dalawang bote ng tubig."
Bestfriend ko ba talaga to? Pahirap e.
Dumating na ang teacher namin at nagsimula ng magklase.
— — — — —
Uwian na namin at halos hindi ako mapakali. Panay ang tingin ko sa relo ko. 3pm na kasi."Hoy bes nagpasundo ka ba?" Tanong sakin ni Kirsten habang naglalakad kami papalabas ng room. Nauna na si Christian dahil pinatawag sa Office. Dumating ata si Mr. Corpuz.
"Hindi. Mamamasaheros lang ako." Ang sabi ko kila dadi ay may group study kami kaya mal-late ako ng uwi at kay Kirsten na ko sasabay kaya di na ko magpa pasundo.
"Oh sige una na ko. Goodluck babuuuush." Paalam sakin ni Kirsten at umalis na.
Pumara na rin ako ng tricycle para makapunta na ng simbahan. Malapit lang naman ang simbahan dito pero baka ma-traffic ng kaunti dahil labasan ng mga estudyante.
"Manong sa simbahan lang." sabi ko kay manong at tumango naman agad sya.
Habang nasa loob ako ng tricycle ay hindi pa rin ako mapakali. Iniisip ko kung ano bang mangyayari mamaya.
Pagdating ko sa tapat ng simbahan ay agad akong nagbayad kay manong. Pagkababa ko ay iginala ko muna ang mata ko para tignan kung nandito na ba si Justine pero wala akong nakita kaya dumeretso na ko sa loob.
Pagkarating ko sa loob ay kakaunti lang ang tao. Wala naman kasing misa kaya ganun. 3:30pm na at ang usapan namin ni Carl ay 4pm.
May nakita kong 2 batang babae na nasa edad 12 ata at kasama nila ang nanay nila. Nakaluhod yung nanay nila sa luhuran at nagdadasal habang yung isang batang babae ay tahimik lang at yung isa ay nakatutok sa hawak nyang cellphone. Mukhan--
"Aila."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi nanaman ako mapakali. Nilingon ko ang nagsalita at doon ko nakita si Justine. Naka simpleng white t-shirt lang sya at pantalon. Just like the old times.
"J-Justine." I tried my best para hindi mautal but I failed.
Umupo sya sa tabi ko.
"Kamusta ka na?" Humarap sya sakin para makausap ako ng maayos.
"O-okay lang. I-ikaw?" Hindi ko napigilang mautal ng sinubukan 'kong tignan sya sa mata. Mga matang matagal kong inasam na matignan ulit.
"Okay lang din." Tumango ako sa sagot nya. Nanatili kaming tahimik habang nakatingin sa harap ng altar.
"Sorry." Basag nya sa katahimikan.
"P-para saan?" Tanong ko. Nauutal pa rin.
"Sa lahat. Sa pagiwan ko sayo ng walang paalam at sa hindi pagbalik agad. Sorry Aila, sorry." Sabi nya at unti-unting hinawakan ang kamay ko at tumingin sa mga mata ko.
Nagulat ako ng makitang nangingilid ang luha nya.
"Sorry kasi hindi kita pinaglaban noon. Sorry." Sabi nya at tuluyan ng bumagsak ang luha nya kasabay ng pagpatak ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
Binitawan nya ang kamay ko at niyakap ako. Namiss ko to. Yung yakap nya. Yung comfort na nararamdaman ko everytime na nandyan sya sa tabi ko.
"Bakit? Bakit bigla ka nalang nawala noon?" Tanong ko sa kanya.
Kumalas sya sa pagkakayakap sakin at tinignan ako ng mabuti habang hawak ang dalawang kamay ko.
"Pagkatapos umalis ng sasakyan nyo, tumawag sakin si mama, umiiyak. Hinimatay daw si Jasmine at dinala sa ospital. Hindi ako nag dalawang isip na puntahan sya dahil sobrang nagaalala ko. Pagpunta ko dun umiiyak pa rin si mama. Hinintay namin yung doktor at sinabing may brain tumor sya at kailangang ipagamot sa lalong madaling panahon. Ang tanging solusyon na naisip namin ni mama ay dalhin sya sa ibang bansa dahil matutulungan kami ng mga tita namin don. Hindi ko na nagawang magpaalam sayo dahil madalian ang naging pagalis namin. Sa awa ng Diyos at naging successful ang operation nya and she's now fine." Paliwanag nya.
Kaya pala. Ngayon alam ko na. Nawala ang bigat na nararamdaman ko at pakiramdam ko ay may nawalang tinik sa puso ko.
"Kaya sorry Aila, sobrang sorry sa mga araw na wala ako sa tabi mo. Babawi ako promise. Ngayong nandito na ko babawi ako. Hayaan mo 'kong bumawi sayo."
Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot. Kung papayag ba ko o hindi.
Inalis ko ang pagkakahawak nya ng kamay sakin. Nakita ko ang disappointment sa mukha nya.
Tinignan ko sya sa mata at nagsalita.
"Sige. Hahayaan kong bumawi ka sakin pero pakiusap, wag mo na ulit akong iiwan hin--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil niyakap nanaman nya ko.
"Pangako hindi na kita iiwan ulit, pangako."
— — — — — — — — — — — — — — — —
A/N: Guuuys, yes naman nag update ulit ako HAHA. Thankyouuu sa patuloy na pagbabasa ng story ko. And p-plug ko muna yung isang one shot story ko which is 'The Art of Healing' 5 minutes lang guys matatapos nyo na yun kasi one shot lang naman. Thankyouuuu. xoxo
