MIAH'S POV"Grabe te, nakakasakit ng paa." reklamo ni Lina, ang kaibigan at kasamahan ko dito sa factory.
Binuksan ko lang ang baon kong pananghalian at nagsimulang kumain.
"Hindi ka ba napapagod? " pagkuway tanong nito.
Napatigil ako sa pagkain at tiningnan siya.
"Mapapagod pa ba ako kung para naman ito sa mga kapatid ko? " aniko.
Ngumiti siya at siniko ako.
"Iba ka rin ano. Ang tatag mo te. " aniya. Ngumiti ako.
"Kailangan. " sagot ko.
Nagulat kami ng biglang pumasok ang director ng factory, napatayo kaming lahat na kumakain ng tanghalian. Kinabahan ako ng may nakasunod dito isang lalaking naka black coat tapos naka black eye glasses, siya ang lalaking minsan nang tumigil ang sasakyan sa harap ko na nakatingin sa akin.
Bakit andito siya?
Napahawak ako sa dibdib ko ng kumabog ito ng sobrang lakas, natatakot ako sa kanya.
Papalapit na sila sa amin kaya napayuko ako. Ayokong tingnan siya, parang sasabog ang puso ko sa takot dito.
Nanlaki mata ko ng makita ang malinis at kumikintab na sapatos ng lalaking nakapormal na suot na tumigil ito sa tapat ko.
"I want you to give me the names of all workers here. I wanted to know this girl. " bigla akong nag-angat ng mukha, nasa harap ko siya at sobrang lapit at ang hintuturo niya nakaturo sa akin.
Napanganga ako, napahawak ako lalo sa dibdib ko sobrang kabog nito at sumisikio na. Nahihirapan na akong huminga, nabitiwan ko ang hawak kong kutsara sa kabilang kamay at napahawak sa mesa.
"Miah, anong nangyayari sa'yo? " ani Lina. Hinawakan niya ako at inalalayan paupo.
"What happen? " tanong ng director namin.
"Sir, inaatake po siya ng sakit niya." ani Lina, habol habol ko ang hininga ko, lalong sumisikip itong dibdib ko. Nagawa ko pang tumingin sa lalaki na walang emosyon habang nakaharap sa akin.
"Kailangan nating dalhin siya sa hospital Sir, sorry po. " ani director sa lalaki.
Pinipilit kong labanan itong paninikip ng dibdib ko pero wala ih, talagang naninikip na.
Binuhat ako ng ilang kasamahan kong lalaki, hindi ko mamalayan na nahimatay na ako.
***---****
"Ate. " nag-aalalang mukha nina Rim at Nina ang nakita ko ng maimulat ko ang mata ko.
May oxygen ako sa ilong at may swero, nilibot ko ang tingin ko sa paligid, nasa hospital room ako. Napangiwi ako ng maramdaman ang paninikip na naman ng dibdib ko.
"Ate, ayos ka na ba? " naiiyak na tanong ni Nina.
Ginalaw ko kamay ko haplusin sila at pahiran ang luha ni Nina.
"Okay lang ako." aniko na pinilit ang ngumiti.
"Ate naman ih sabi ko sa'yo huwag magpakapagod." paninermon ni Rim.
"Ano ka ba, ayos lang ako. " ani ko pa.
Bumukas ang pinto, si Papa ang pumasok.
"Anak, mabuti naman at gising ka na." ngiting sabi ni Papa.
"Pa, bakit sa private room tayo?" tanong ko.
Lumapit si Papa sa tabi ko.
"Don't worry anak, ayos na to. Ako nanh bahala dito. ".aniya.
BINABASA MO ANG
He OWNS Me (COMPLETED)
RomanceRated SPG 18+ open minded "You're my property Miah, no one should touch you, no one will own you, no one will kiss you, no one will hug you, NO BODY COULD GET YOU BECAUSE YOU ARE MY PROPERTY MIAH RAMOS, YOU ARE ONLY MINE every string of your hair...