Chapter 29

3.4K 63 1
                                    

MIAH'S POV

Pinatay ko ang gripo at nilagay ang mga labahan sa washing machine. Maglalaba ako kahit pa ayaw ibigay ng kasambahay itong mga labahan pinilit ko.

Mababaliw ako kapag walang ginagawa lalo na palagi kong naaalala ang mga nangyari nung gabing iyon, ang mga sinabi ni Histan.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, he wanted me to get pregnant and I am willing to be, but how about my situation? Arrg. I am ready to give a child. I am willing to be a mother. But what will happen? I wanted to stay in my child's side until she or he grown up but how?

I don't know what to do. Nahihirapan ako, nasasaktan. I love him and I don't want to lose him. Natatakot ako, baka iwan niya ako kapag hindi kami nagkaanak.

"Ma'am may tawag po kayo." Napatigil ako sa pag-iisip. Inabot niya sa akin ang wireless phone.

"Hello."

(Oh, hi, my dear.) Kinabahan ako ng marinig ko ang boses na iyon. Akala ko pa naman sina Nina o si Rim ang tumatawag, o si Papa o di kaya si Histan pero iba. Napakuyom ako ng kamao ko. Anong kailangan ng babaeng ito?

"Anong kailangan mo?" Itry my best to be strong. Kailangan kong maging matapang. Hindi ako pwedeng matakot sa kanya.

(*laugh* Ehh ano pa nga ba? To get what I own.) Mariing sabi niya.

"Si Histan ba? You don't own him." Pilit kong kinukontrol ang galit ko. Pilit kong nilalabanan itong tubig na gustong kumawala sa mata ko. Naalala ko na naman ang ginawa niya sa akin nong nasa resto kami. I just let her do what she want at pahiyain ako.

(Well,  I do own him. And you? My dear, you're nothing but only his pet. Someone to sleep beside him and satisfy his needs. Kumbaga parausan. Naiintindihan mo ba?)

"Tumigil ka Sandy. He loves me and I love him, we will be get married." Sagot ko.

(Aba, edi wow. Akala mo lang iyon my dear. Kasi si Histan madaling magsawa. Lalo na sa mga babaeng walang appeal, walang pera, hampas lupa , pulubi, teka ano pa ba? Hmmm.. Ahh malandi.) Lalo kong nakuyom ang kamao ko.

"Wala ka bang magawa sa buhay mo? Huh, Sandy? Pati ang nanahimik naming buhay ni Histan ginugulo mo."

She laugh like an evil. I gritted my teeth to control my emotions,  to control my anger. Ayokong marinig niyang sobrang nagagalit ako ngayon because once na malaman niyang galit ako paniguradong lalo pa niya akong lalaitin, pagsasalitaan ng kung ano ano.

(Talaga? Paano kaya pag nalaman ni Histan ang kababalaghang ginagawa niyo ni Zindo? I'm sure magagalit iyon.) I stiffened when I heard it. She know? Paano? Sa amin ni Zindo lang ang mga iyon. Hindi maaring lumabas. Nilihim namin ito na kaming dalawa lang ang nakakaalam. No, it can't be paniguradong hinuhuli lang niya ako.

"Ano namang pinagsasabi mo? Ganyan ka na ba kadesperado para gumawa ng kwento? Sandy, he won't believe you." Tama Miah, huwag kang magpahuli.

(Tingnan na lang natin. Pero alam mo kung ako sa'yo umalis ka na diyan at magtago na, o gusto mo bayaran din kita para umalis diyan? Diba binili ka lang niya, magkano nga iyon? Nakalimutan ko ih pero ako dudoblehin ko. Ano deal?)

Bawat salitang sinasabi niya parang  kutsilyong yumayarak sa aking dignidad. Paano? Kanino niya nalaman ang mga bagay na 'to? Sinabi ba ni Histan? Nabanggit ba niya dito? Nagkikita ba sila?hindi, hindi maaari. Hindi gagawin ni Histan sa akin ang mga bagay na 'to.

Nanginig na ako sa sobrang kaba, sa emosyong pinipigilan ko, sa galit na gustong kumawala, sa luhang nagbabadya sa mga mata ko. Parang sasabog itong puso ko.

He OWNS Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon