Chapter 51

2.9K 44 4
                                    

MIAH'S POV

"Mama, I miss you. Sorry kung minsan lang kita nadadalaw. Alam mo bang sobrang miss na miss ka na namin. Lalo na ni Nina, lagi kang napapanaginipan. Pero Ma, don't worry about us, nasa maayos na kami. Sana lang dati pa hinarap ni Papa ang katutuhanan edi sana napagamot ka namin sana masaya tayong magkakasama."

Napaupo ako sa damo at tahimik na umiyak at nakatitig sa puntod ni Mama. After nang nalaman ko kanina itong place na 'to ang una kong naisip na puntahan at ang ikwento kay Mama ang lahat nang nangyari.

"Marami na palang nangyari sa buhay namin Ma, simula nang mawala ka. At ngayon habang binabalikan ko iyon sobrang sakit Ma, sobrang sakit. Hindi ko mararanasan ang mga pasakit na ito kung hinarao ni Papa ang katutuhanan, hindi ko maranasan ang mga bagay na ito kung naging palaban lang siya. Ma, sorry pero I can't remove this pain and anger I have for Papa, I know it is wrong pero sobrang sakit ma. Sorry, sorry. Hindi ko maiwasan."

Sinubsob ko na ang mukha ko sa mga tuhod ko at hinayaan ang sarili na umiyak.

I can't imagine na magagawa ni Zindo iyon, killing my child I beared. F*ck, sobrang sakit that they intended to kill my children.

Dalawang beses, at hindi ko lubos matanggap iyon. Hindi ko maiwasang magalit sa kanya, tinago niya ito sa akin.

Napatingin ako sa likod nang maramdaman ko ang paghawak sa balikat ko.

Lalong dumaloy ang mga luha ko.

"Anak, sorry." Hindi ko maiwasang mas masaktan.

Tumayo ako at hindi siya binalingan nang tingin.

Walang imik akong humakbang palayo pero napatigil ako nang madinig ko ang sinabi niya.

I wipe my tears away.

"Until now, nasasaktan pa din ako kapag nakikita kita. It is wrong? Tell me mali bang masaktan sa nangyayari? Kung sana nilunok mo ang pride mo edi sana buhay pa si Mama, edi sana hindi ko naranasan ang masaktan. Sana hindi ko maranasang mawalan nang anak." Hindi ko na maiwasang isigaw iyon.

Hindi ko alam kung anong reaksyon niya, hindi ko alam kung anong emosyon ang gumuhit sa mukha niya, hindi ko siya nilingon at wala akong balak lumingon.

Nagagawa pa niyang tanungin ako kung bakit ganito ako sa kanya? Kung bakit nagagalit ako? Hindi pa ba maliwanag sa kanya?

"Anak, hindi ko gustong nangyari ang mga ito, alam kong kasalanan ko ang lahat at hindi ako magsasawang paulit-ulit na humingi nang tawad sa'yo pero let me do my duty as your father, you can tell me everything, iyang nararamdaman mong sakit please tell me."

Nakuyom ko ang kamao ko.

"No, I won't. I hate you for everything, I hate you for using me to pay your debt, I hate you for being coward to face the truth. I hate you for letting me hurt. I hate you for everything." Matigas kong sabi.

"I won't forgive you right now. Just stay away from me nasasaktan lang ako kapag nakikita kita." Aniko tapos muling naglakad palayo.

Napahagolgol na ako pagpasok ko pa lang nang kotse, hinayaan ko ang sarili kong mapagod sa kakaiyak.

Sobrang bigat nitong damdamin ko. Sobrang sakit, hindi ko na alam kung anong gagawin ko just to get this heavy feeling I felt right now.

Hindi ko naman gustong bastusin si Papa pero hindi ko maiwasan, I wanted to show him the effect of his being coward.

*---***---*

Napabuntong hinga ako, wala akong mood magdesign nang damit, kanina pa ako paulit-ulit na naglulukot nang papel na inisketch ko pero nagmumukhang ewan lang ang nabubuo ko.

He OWNS Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon