ZINDO'S POV"MIAH, OPEN THE DOOR. Mag-usap tayo please. Buksan mo ito, kung anong problema pag-usapan natin." Sigaw ko habang pinupokpok ang pinto.
"Miah please open, lets talk." Sigaw ko pa.
Kanina pa ako nagmamakaawa sa kanya na buksan ang pinto at makipag-usap pero hindi niya ako pinagbubuksan. Damn it, ano ba kasing problema niya? One week na hindi siya nakikipag-usap sa akin kahit sa telepono.
At nababaliw na ako sa kakaisip kung anong dahilan kung bakit siya nagkakaganito.
Kung iyong ginawa ni Histan ang dahilan, tanggap ko, oo alam kung sapilitan siyang pinasok ni Histan nung umalis ako nang batangas at mag-isa lang siya tapos pinagsamantalahan pa si Miah, nakakabwisit talagang sumunod si Histan doon para bastusin si Miah at guluhin at ang nakakagalit pa may nangyari sa kanila, girlfriend ko na si Miah pero nagawa pa ding pagsamantalahan ni Histan. Wala talagang hiya ang lalaking iyon.
Sinugod ko siya at pinagsabihan, nagkagulo pa kami pero pinapamukha niya sa akin na magagawa niyang kunin uli si Miah sa akin at sa tingin niya magagawa niya? Kung ganitong wala nang pagmamahal si Miah sa kanya? Sino bang niluluko niya? Damn him sarili lang niya inuuto niya.
"Miah open the door. Mag-usap tayo. Sabihin mo sa akin kung anong problema mo." Galit ko nang sigaw pero hindi siya sumasagot at hindi din niya binubuksan ang pinto.
"Kuya, please hayaan mo na muna si Ate." Anang Nina.
"No, Nina kailangan kong kausapin ang Ate mo. Please help me, get the spare key." Aniko dito.
Pero umiwas siya nang tingin at umiling.
"Si Ate ang taong hinding hindi ko kayang suwayin." Aniya.
Napabuga ako nang hangin at napaupo na lamang at napasabunot sa ulo.
Hindi ko naman pwedeng sirain ang pinto. Geeez, bakit ba siya nagkakaganito?
"Zindo Hijo." Napatingin ako sa likuran ko, nakatayo si Madam katabi ni Nina at si Rim.
"Kuya, tumayo ka." Anang Rim. Tumayo naman ako.
"Huwag mo munang piliting makipag-usap si Miah." Anang Madam.
"Pero Madam, hindi ko kayang ganito. Please help me. Ano ba kasing problema niya." Aniko tapos tumingin ako sa pinto.
"Sobrang nasasaktan siya ngayon. Kaya kung maaari huwag mo muna siyang guluhin." Napatingin ako kay Rim.
"Kuya naman ehh. Ahh Kuya Zindo, pwede po bang palipasin mo muna iyang nararamdaman niya? Lalo lang siyang magagalit kapag kinulit mo siya." Ani Nina.
"Kailangan ko siyang makausap. Please tulungan niyo ako. Madam please. I will help her kung anong problema niya, kung dahil iyon sa isyu sa kumpanyang pinagtatrabahuhan niya gagawa ako nang paaran para makausap ito. Please po." Aniko pa, pinagtaop ko pa ang mga palad ko.
"Zindo, please hayaan mo muna siya. Gulong gulo pa siya ngayon." Anang Madam tapos hinawakan ako sa braso.
"Madam, hindi ko kayang ganito kami." Sabi ko.
Hindi ko kayang ganito siya, na wala akong alam kung anong problema niya o pinagdadaanan niya.
"Hindi ka ba nakakaintindi? Hayaan mo muna siya." Mariing sabi ni Rim tapos nakatitig siya sa akin nang matalim, hindi ko maintindihan kung anong nangyari kung bakit biglang ganito ang pakikitungo ni Rim sa akin.
"Hijo, please, ayaw ko nang gulo. Hindi ko mapipigilan itong si Rim sa gagawin niya sa'yo." Anang Madam.
I heave a sighed.
BINABASA MO ANG
He OWNS Me (COMPLETED)
RomanceRated SPG 18+ open minded "You're my property Miah, no one should touch you, no one will own you, no one will kiss you, no one will hug you, NO BODY COULD GET YOU BECAUSE YOU ARE MY PROPERTY MIAH RAMOS, YOU ARE ONLY MINE every string of your hair...