Chapter 45

3.4K 45 1
                                    

MIAH'S POV

Nanginginig ang kamay kong kinuha ang phone sa bulsa ko. Nagriring ito.

(Ate. Where are you?) Si Nina.

"S-sa... Pa-parking...area." Pilit kong inaayos ang pananalita ko, but damn it hindi ko magawa. Patuloy lang na dumadaloy ang luha ko pigil ang paglabas nang hikbi sa bibig ko.

(Ate? Bat ganyan boses mo? Umiiyak ka ba?)

"No-no.. Ayos lang.. Ako."

Pinakalma ko ang sarili ko. I need to be calm. Hindi maaaring malaman nila na nagkita kami ni Histan, hindi pwedeng malaman nila na nagkausap kami.

(Ate, sigurado ka bang okay ka lang? Gusto mong maunang umuwi? May bibilhin pa kasi ako, magpapasundo na lang ko sa driver ni Lola.)

Humawak ako sa pinto nang kotse at humugot nang lakas. Parang babagsak na kasi ang katawan ko, hindi ko alam kung bakit. Basta feeling ko naubos na ito sa kakatakbo palayo kay Histan. At ang mga luhang hindi ko mapigil ang pagdaloy nito.

Ano ba kasing nangyayari sa akin? Bakit ganon? Bakit samot saring emosyon ang bumangon sa pagkatao ko dahil sa halik niya?

"O-oo. Sige mauuna na ako." Agad kong binaba phone ko at sumandal sa kotse at pumikit para kumuha nang lakas.

Damn it, why I am acting like this? Bakit ganon ang pakiramdam ko? Bakit umiiyak ako?

Diba tapos na kami, diba wala na, I forgot him, I forgot the love for him simula nang mabago ang puso ko. Bakit ngayon ganito reaksyon ko sa ginawa niya?

Pinilit ko ang sarili kong maglakad papunta sa pinto nang driver seat.

Bubuksan ko na dapat ang pinto nito nang may kamay na pumigil dito. Damn it, alam ko na kung sino ito.

Hindi ako gumalaw, nakatitig lang ako sa mga kamay niya. Lalong bumuhos ang luha ko. Damn it, damn it. Bakit ganito? Hindi ko maintindihan.

Napatakip ako nang kamay sa bunganga ko at humagolgol.

Why does I feel longing for him? Bakit? Dapat diba galit ako sa kanya, dapat lang na mabwisit ako sa kanya.

"Miah." His sweet voice and breath embrace my nape, it gives me shiver.

"Stay away from me." Mariing bulong ko sa pagitan nang hagolgol ko.

Damn, I really hate this. Akala ko wala na, wala na siya sa akin pero why it turns like this. Dahil lang nagkasama kami sa isang lugar na kami lang, dahil sa halik niyang iyon biglang nagbago lahat, biglang bumalik ang lahat? Damn No, ayoko. Bago ang puso ko at hindi maaaring tumibok ito sa kanya dahil ngayon lang din kami nagkita with this new heart.

"Sorry. Hindi ko dapat iyon ginawa. Kaya kita sinundan dahil naiwan mo ito." He handed the paper bag, ito iyong binili ko kanina.

So it means sinundan lang niya ako para dito? Wala nang ibang reason?

Damn, nag-aassume ba akong sinundan niya ako dahil gusto niya talaga? Nag-over react ba ako?

Pinigil ko na ang pag-iyak at pinahid ang mga luha.

Kinuha ko ang paper bag na hindi tumitingin sa kanya, at agad na binuksan ang kotse at pumasok without glancing on him, ni hindi ko siya sinulyapan. I start the engine and drove it away.

Damn it, napahiya ata ako. Bakit nag-assume akong sumunod siya para kulitin ako? Bakit nag-aassume ako?

Arrrgggh. Why I am thinking all of it. Damn.

Walang nangyari, wala. Hindi kami nagkita, wala. Please forgot it dahil hinding hindi na kami magkikita pa. At impossibleng magkikita pa kami.

*---****---*

He OWNS Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon