Chapter 36

3.8K 70 4
                                    


ZINDO'S POV

Pumasok ako sa kwartong pinagdalhan kay Miah after nitong ilabas sa ER.

"Salamat." aniko sa nurse at ilang staff nang hospital na nagdala kay Miah dito sa kwarto. Nagsilabasan na sila, ako na lang ang naiwan dito.

Lumapit ako kay Miah at pinagmasdan siya, may oxygen siya, maputla at pumayat din.

Geeez, ang walang Histan na iyon. Sabi na nga bang any moment mangyayari ang bagay na ito. Damn it. Ito na ang kinakatakutan ko. Sana hindi na lang ako umalis sa bahay para mabantayan ko sila. At bakit kasi hindi niya ako pinakinggan? Arrrgg. Sobrang natakot ako nang tumawag ang kasambahay don.

Natutulog na ako non pero ilang ulit tumunog ang telepono, una hindi ko pinansin pero wala itong tigil sa pagtunog kaya sinagot ko na at ang balitang nagpabangon agad sa akin ay si Miah na nahimatay daw. Hindi ko alam kung ano ang kwento pero alam kong kasalanan ito ni Histan, walang ibang sisihin kundi si Histan. After kong marinig iyon mabilis akong nagpunta dito.

Nang makita ko si Histan kanina sobrang galit na galit ako, binalaan ko na siya nong isang araw pero hindi siya nakinig patuloy pa din ang pagkulong niya kay Miah. Binigyan ko na siya nang oras para pumunta sa unit ko para mag-usap kami at masabi sa kanya ang lahat isa na don ang sitwasyon ni Miah pero hindi siya nagpunta at ngayon mababalitaan kong nangyari na ang kinakatakutan ko.

Damn, bakit ba ako umalis pa don? Sana hindi ko na lang pinansin ang iniisip ni Histan kundi ang magiging sitwasyon ni Miah, ang kalagayan at maaring kahihinatnan niya sa kamay nang lalaking iyon. Arrrgg. Naiinid talaga ako.

Hinaplos ko ang buhok ni Miah at hinalikan siya sa noo.

"Sana dati palang sapilitan na kitang inagaw sa kanya. " bulong ko.

Tinitigan ko muna siya bago nang ilang sandali pa bago kinuha ang phone para tawagan ang pamilya niya. They need to know.

(Hello.)

"Tito, it's me Zindo."

(Oh, Zindo, bakit ka napatawag nang dis oras nang gabi.)

Humugot muna ako nang lakas ng loob bago magsalita. Paniguradong mag-aalala sila kapag nalaman nila ito.

"Tito, si Miah po." mahina ngunit sinigurado kong madidinig niya ito.

(Si Miah? Anong nangyari?) bakas sa boses ni Tito ang pagkabigla.

"She's in the hospital."

(ANO? BAKIT?)

Paniguradong magagalit ito kay Histan kapag nalaman niya.

"Nahimatay po."

(Pupunta agad ako diyan. Salamat sa pagbabalita Zindo.)

"Tito may papunta na po diyang susundo sa inyo, isang kaibigan ko, maya maya darating na po siya, magdala po kayo nang mga gamit at dalhin mo na din po sina Rim at Nina mukha pong matatagalan po kayo dito."

Kanina habang bumibyahe ako papunta dito sa hospital tinawagan ko na si Alex para magmakaawang sunduin ang pamilya ni Miah, ayaw pa sana nito kaya lang sinabi ko ang kapalit nito kaya pumayag naman.

(*sighed* sige salamat hijo. Teka saan ba si Histan? )

Napabuntong hinga muna ako kailangan ni Tito malaman.

"Si Histan po ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito. At marami pa po kayong dapat malaman, ikukwento ko na lang po pagdating niyo dito."

Dinig ko ang pagmura ni Tito bago siya nagpaalam.

He OWNS Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon