Chapter 38

3.6K 64 4
                                    

HISTAN'S POV

Nagising ako sa ingay nang paligid.

Nilingon ko ang pinagmumulan nito. Napairap sa akin si Rim, si Zindo naman nakatitig sa akin ng masama.

Tsk. Andito pa din pala sila. Inalis ko na lang ang tingin ko at binalik ito kay Miah.

Hinawakan ko ang kamay ni Miah at hinalikan. Hindi pa din siya nagigising. Tiningnan ko ang relo ko. It's 8 in the morning.

"Honey, wake up now. Please." bulong ko.

Pinagmasdan ko siya nang mabuti. Hindi pa din ganon kastable ang paghinga niya pero mabuti na lang may oxygen. It's a big help.

I heave a deep sighed.

Sorry. Kasalanan ko.

Sana kung alam ko lang na mangyayari ang bagay na 'to sana inalagaan kita hindi iyong kinulong kita. Patawad.

"Histan, umuwi ka na muna." nilingon ko si Zindo at sinamaan nang tingin.

"Para ano? Para ikaw ang una niyang makita kapag nagising siya? Para ano? Para sabihin mong wala ako at iniwan siya?" mariing sabi ko.

Kilala kita Zindo, alam kong andon pa din ang pagnanais mong makuha siya. And I won't let it happen.

"Huwag mong bigyan nang meaning ang mga bagay bagay. Huwag mong paliitin ang pag-unawa mo." sagot niya.

Tumayo ako at tinitigan siya nang mabuti.

"I am just advance thinking. Mahirap na dahil baka bigla ka na lang gumawa nang kung anu ano." singhal ko.

"Kuya, ta-tama na please. Hindi.. *sob* niyo ba *sob* alam na *sob* nadidinig... *sob* kayo n-ni... *sob* ate?" napatigil ako sa sinabi ni Nina.

Napasulyap ako dito at kay Miah.

Maaaring hindi siya nagigising pero she can heard sounds.

Damn it.

Napaupo ako at tiningnan nang masama si Zindo.

Geez, bakit hindi ko naisip ang bagay na iyon? Na hindi man niya nakikita ih maaaring nadidinig naman niya.

Nagsimulang umiyak si Nina. I heave a sighed again.

Bumukas ang pinto pero hindi ko na pinansin iyon.

"Hi Zindo, Histan?" napatingin naman ako.

Sina Alex kasama si Hannah, Joyce at Pejay.

Tumayo ako at nakipagbesobeso sa mga babae at nakipagshake hand kay Pejay, sinamaan ko lang nang tingin si Alex.

"Oh my, Miah." anang Hannah tapos lumapit kay Miah at yumakap.

"Hindi pa ba siya nagigising?" tanong naman ni Joyce na inabot kay Zindo ang mga dala nila.

"Hi-" I cut off Zindo. I have the one who should answered question about Miah not him.

"Hindi pa." aniko tapos sinamaan nang tingin si Zindo.

Tsk. Anong akala niya, siya ang mas may karapatan? Damn him. Hindi ako papayag na agawin niya ang dapat ako ang gumagawa.

"Oh poor Miah. Zindo you're right she's beautiful kaya hindi nakakapagtaka." ani Hannah tapos nilingon kami ni Zindo at iiling iling. Tsk. Alam ko ang ibig niyang sabihin dahil alam nila ang mga bagay bagay dahil sila lang naman ni Alex ang pinagkwentuhan ng g*gong Zindo na 'to at nung time na kinunan ito nang video ni Sandy.

"Sandali Histan, anong nangyari diyan?" tanong ni Joyce na nakatingin sa kamay kong may sugat. Tinago ko ito.

"Nothing. " aniko lang. Tsk. They don't need to know.

He OWNS Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon