Chapter 4

8.2K 167 1
                                    

MIAH'S POV

Bumaba na ako ng makapagbihis na ako ng panglakad ko. Napag-isipan kong tuloy ang trabaho ko kahit pa sinasabi ng Sir Histan na iyon na magpapakasal kami.

Kagabi hindi ako masyadong nakatulog sa mga iniisip ko, hindi ko lubos maisip, bakit naman niya ako papakasalan? Hindi ako naniniwala. Sobrang babaw ng rason niya or maaaring niluluko niya lang ako, pinaglalaruan.

"Good morning Maam." bati ng mga nakakasalubong kong mga katulong, ngumiti ako at bumati din.

"Miah, c'mon have a sit.".ngiting anang Sir Zindo ng makalapit ako sa hapag kainan. Nakaupo na sila ni Sir Histan at humihigop na ito ng kape, kumikirot ang puso ko kapag naaalala ko ang sinabi niya kagabi pero agad ko namang inaalis ito sa isipan ko.

Alinlangan pa akong maupo dahil sa pinaghila ako ng upuan ng katulong sa kabilang side ni Sir Histan at kaharap ko pa si Sir Zindo.

"Sit down, lalamig ang pagkain. " mariing sabi ni Sir Histan kaya napaupo na lang din ako.

Nagulat ako ng lagyan ni Sir Zindo ang plato ko ng bacon, hotdog at slice bread.

"Kumain ka kasi aalis tayo." ani Sir Zindo.

"Po? Ka-kasi po papasok po sana ako sa trabaho ko." sabi ko naman.

Napansin kong napatigil sa pagkain si Sir Histan, hindi ko kasi siya direktang tinitingnan ayaw ko, mararamdaman ko na naman kasi ang kirot nitong puso ko. Ginagamit ko lang ang side eye view ko para obserbahan siya.

Iniisip ko kung anong ugali meron ang taong nagsasabing magpapakasal kami, kung ano ang magiging buhay ko sa piling niya.

"No, you will not work starting this day. " mariing sabi ni si Sir Histan. Nakakunot noo pa siya.

"Pero nakakahiya po kasi na--"

"Miah, hindi mo kailangang magtrabaho. Sige na kumain ka na, marami tayong pupuntahan dahil wala pang oras si Histan na samahan ka, ako na muna ang sasama sa'yo." anang Sir Zindo na pinutol pa ang sasabihin ko.

"I told you last night, you will be the queen. Wala kang proproblemahin. " mariing anang Sir Histan pa.

Hindi na ako sumagot pa kasi gusto din naman nila ang masusunod kahit pa umayaw ako o ano man.

"May nabili akong damit nasa kwarto mo na magpalit ka after mong kumain. " anang Sir Histan, napatango na lang din ako kahit pa natatakot ako sa kanya. Bawat pagsasalita niya puno ng kapangyarihan. Hindi ko talaga maiwasan na makaramdam ng takot dito.

After kong kumain bumalik ako sa kwarto ko para magpalit nga ng damit.

Napabuntong hinga ako ng makita ang mga damit na binili ng Senyorito.

Lahat puro diretsong damit lang at maikli pa. Damit ng mayayaman.

Pinili ko ang pinakasimple at medyo mahaba tsaka nagpalit na.

Nagulat ako ng lumabas ako ng banyo sa kwartong inaakupa ko nakatayo si Sir Histan paharap sa bintana.

Nakaramdam ako ng kaba.

"Si-sir? "

Napaharap naman siya na nakakunot noo.

"How many times should I told you that you don't need to call me sir or even "po" and "opo"." singhal niya, napayuko nalang ako para maiwasan ko ang tingin niya.

Narinig ko ang yabag niya, geesz, huwag lang siyang lumapit sa akin pero wala ih, nakahawak na siya sa magkabilang braso ko at nakatayo na sa harap ko, lalo tuloy ako natakot.

He OWNS Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon