Chapter 67

4.9K 55 0
                                    

MIAH'S POV

Pagmulat ko una kong nakita ang swerong nasa uluhan ko, medyo blurred pero nakikita ko. Natigilan pa ako sandali. Nakakakita na ako? Ngingiti na sana ako pero naalala ko ang nangyari kung bakit ako andito, dahil sumakit nang sobrang sakit ang tiyan ko, ramdam ko ang agos nang dugo sa kaselanan ko kanina, hindi ko mapigilan maiyak, ang baby ko. Ginalaw ko kamay ko at hinaplos ang tiyan ko while still staring sa swerong nakasabit, andito pa ba siya? Buhay pa kaya siya?

May nakakapa pa akong umbok pero bakit hindi ko maramdaman na meron pang laman ito? Damn it, sana walang nangyaring masama sa kanya.

Ang baby ko. Ang anak ko, sana ayos lang siya.

Ang walang hiyang Sandy, sumugod sa resort na kinaroroonan namin, tapos may mga binaril siya, isa na don si Zindo at si Nina, ang kapatid ko, kamusta na kaya ang kapatid ko? Damn it, humanda ang Sandy na iyon, papatayin ko siya. Napahikbi ako, hindi ko napigilan ang sarili kong maiyak sa galit sa mga ginawa nang Sandy na iyon sa mga taong malapit sa akin at  sa anak ko.

Muli ko na namang hinaplos ang tiyan ko. Sana andito pa din siya at ayos lang siya, hindi ko kakayaning malamang nawala siya, hindi ko na kakayanin pa. I've loss two baby and it was painful and lossing it again will so much painful. Hindi ko na kakayanin.

Pinahid ko ang mga luha ko at nilibot ang paningin sa paligid. Napatitig ako sa taong nakasubsob ang mukha sa kamang kinahihigaan ko. Napatingin ako sa balikat niya may gauze ito at kita ang pulang nasa gitna, it's a blood. Naalala ko, he was being shoot. Nakuyom ko kamao ko, hindi lang pala sina Zindo at Nina ang binaril nang walang hiyang iyon pati din pala ang taong ito.

Napaluha na naman ako habang nakatitig sa kanya, nagpakita nga siya pero ito naman ang nangyari.

I wiped my tears away then hinaplos ko kamay niya. I missed this man. I really miss him.

Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya, nagising siya at nabigla pa nang makita ako.

"Honey." He said then hugged me tight. Dinama ko ang init nang katawan niya, ang higpit nang pagkakayakap niya, pero hindi ko na naman napigilang maiyak. Humiwalay siya at pinagmasdan ako.

"Honey, I am glad you're awake." May luhang pumatak sa mga mata niya, ngumiti ako at pinahid ang mga luha niya.

"Nakakakita ka na?" Gulat pa niyang tanong, tumango ako at pinagmasdan siya. Long month na hindi ko siya napagmasdan nang ganito, long month na hindi ko siya nakita, long month na hanggang hawak lang ako but now, I saw him again, I can stared at him kahit kailan ko gusto.

"Honey." I whisper while staring at him.

Ngumiti siya tapos hinawakan niya kamay ko at hinalikan ito.

"Thanks God nakakakita ka na." He said then kissed me at my lips. Ngumiti ako nang maghiwalay mga labi namin pero napalis din iyon nang may maalala ako.

"Si Nina? Kamusta siya? Sina Zindo at ang iba?" Nag-alalang usisa ko, ang mga taong binaril ni Sandy, ang mga taong nasaktan dahil sa akin, ang mga nadamay.

Ngumiti siya at hinaplos ang buhok ko.

"Honey, ano kamusta sila? Kamusta sina Nina, si Rim? Honey tell me." Hindi niya ako sinagot ngumingiti lang siya.

"Bakit ba ngiti ang sinusukli mo? Honey, I wanted to know their situation." Mariing sabi ko.

Hindi ko kayang magsaya na hindi ako siguradong ayos lang sila.

"Histan. Ano ba. Sabihin mo naman." Bulyaw ko na hindi ko na naman napigilang mapaiyak.

"Honey, ssshhh. They're fine. You don't need to worry. You need to rest at umiwas sa stress." Aniya habang pinapahid ang mga luha ko. Lumuwag naman ang dibdib ko sa narinig.

He OWNS Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon