Chapter 15

5.6K 79 2
                                    

Dedicated to: veteres21 and DabengDabengerz

SPG CHAP.

😊😊

HISTAN'S POV

"Talaga bang nagmamahalan kayo? " nagulat ako sa tanong ni Rim. Napatingin ako kay Miah, napasulyap ito kay Tito, napahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko parang tinatanong kong anong sasagot niya.

"So ano na? " nakataas ang kilay pa nitong si Rim. I never expected that this would be hard. Hindi ko din kasi alam na ganito pala ka intregero ng kapatid ni Miah.

Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Miah.

Tumingin ako kay Rim at ngumiti.

"Ofcourse we love each other. Bakit naman kami magpapakasal diba. " aniko. Alam kong gulat si Miah pero I made the right answer dahil kapag sinabi kong hindi baka mag-uusisa pa ito.

"Tsk. I can't believe it. " anito tapos umalis sa harap namin.

"Naku, pagpasensiyahan mo na si Rim. " napatingin ako kay Mr. Ramos.

"Masyado kasing nadadala sa school. Minsan inaapply ang mga natutunan. " ani pa nito.

"Opo Kuya, nagpapakainvestigator. " sabat ni Nina.

Binalingan ko Miah na naguguluhan pa rin.

Nilapit ko mukha ko sa kanya at binigyan siya ng quick kiss sa pisngi at bumulong.

"Don't think it. " aniko. Napatingin siya sa akin and I give her a sweet smile.

Oo, alam kong ang laki ng pingbago ko pero masaya din naman ih. Nakakagaan kasama si Miah at hindi ko namamalayan napapangiti at napapatawa na pala ako.

She's really different girl. Kaya she deserve a rewards. I wouldn't give her a pain.

"Maiwan muna kita. Maghahanda lang ako ng miryenda natin. " paalam nito. Si Nina naman sumunod sa kanya, si Mr. Ramos na lamang ang kaharap ko.

"Masaya ako na hindi nahihirapan ang anak ko sa poder mo. " seryosong sabi nito.

"Everything has changed. She's different. Don't worry she won't suffer in my hand." sagot ko.

"I hope you could learn to love her. Hindi mahirap mahalin ang anak ko. "

I smile.

"Yeah, I know, mabait at munawain at higit sa lahat masunurin at hindi maarte. You grow her up perfectly. " I said.

"Isa lang ang hihingin ko. Huwag mo sana siyang saktan. Pinapaubaya ko na sa'yo ang anak ko. "

"Don't worry. I'll take care of her. And hindi ko din kayo pababayaan. Papaaralin ko sina Nina at Rim at Tito I decided to give you a resort to manage. "

"Hindi mo na kailangang gawin iyon. Ako na bahala sa dalawang anak ko. Just be a good man to Miah. She's a gem to take care. Wala kang magiging problema sa kanya. "

"No, let me help you. And yeah I'll be lucky to be with her. "

"Honey, Pa, may dala akong sandwich. Nina made this. " nilapag ni Miah and miryenda sa tapat naming maliit na mesa.

"Honey, tell them to open their gifts. Sana magkasya at magustuhan nila." aniko.

"Magugustuhan naman nila iyon kahit ano pa iyon kahit mumurahin. " sagot ni Miah na nakangiti.

"Oo Hijo, wala kang dapat ikabahala. Nakokontento sila sa kung anong binibigay sa kanila. " sagot naman ni Mr. Ramos.

Yeah I know. Like Miah, hindi naghahanap o nag-aambisyong magsuot ng kung ano anong mamahalin like other girls who really wanted to have everything expensive, mapadamit man o alahas o di kaya bag o sapatos.

He OWNS Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon