Chapter 13

5.8K 85 6
                                    


MIAH'S POV

"Miah, honey wake up. " bukod sa pagtawag niya sa akin para gisingin,  may mumunting halik pa siyang ginagawa sa pisngi, labi, leeg at tainga ko na nagpapakiliti sa akin.

Napamulat ako at napangiti.

May pagkakulit din pala siya. Lihim akong napapangiti dahil sa kakulitan niya. Another side of him na maaaring hindi pa nakikita ng mga tao.

"Hey, ilang ulit na kitang ginigising." aniya tapos biglang dinaganan ako.

"Histan." bulalas ko dahil sa gulat. Napangisi siya.

"Para kang mantika kung matulog." aniya na tinitigan ako. Nakatiya ako at nasa ibabaw ko siya, may kumot na nakatakip sa hubad kong katawan at siya nakapants na but half naked.

"Gising na nga po. " aniko naman.

"Tanghali na, kanina pa ako gutom. " pagrereklamo niya.

"Tsk. Bakit kasi hindi ka nalang naunang kumain. " aniko naman.

"Gusto ko sabay tayo. Bumangon kana. Nagpahanda na ako ng pananghalian natin. "

"Nakapatong ka pano naman ako babangon?" singhal ko.

Natawa siya at bigla akong hinalikan sa labi.

The frighten I feel from before has melted, now. Parang hindi na ako natatakot sa kanya,  everything has changed in a shorten time.

Kung hindi ba siya sumama sa business trip nila magiging ganito kaya siya? Kung hindi ko siya sinusunod at pinairal ko ang pag-aayaw at pagkamuhi magiging ganito ba siya sa akin ngayon? At ano kaya ang mangyayari sa amin, sa akin?

What if I try to run away while he's in a business trip,  what will happen?

Tinitigan niya ako ng mabuti ng humiwalay ang mga labi namin.

"To be continued. " aniya na seryoso. Napakunot naman ang noo ko.

"What you mean? " tanong ko.

Natawa siya na ikinakunot ng noo ko lalo.

"Mamayang gabi ko na lang itutuloy ang balak kong pagurin ka. " turan niya tapos bumangon na tapos lalo pa siyang tumawa.

Nagets ko na kung ano ang sinasabi niya. Biglang nag-init ang mukha ko. Geeez, kahit ilang beses nang may nangyayari sa amin hindi ko pa rin maiwasang kabahan.

"Sige na bumangon ka na. Gutom na po ako. " aniya na nakapout.

Napailing na lamang ako at bumangon. Hubad akong bumangon, wala naman na akong dapat ikahiya sa kanya ih. Kita na niya lahat.

Napasimangot ako ng sumipol siya at nagsabi ng "gorgeous".

Bigla niya akong hinila at niyakap.

"You're body are mine. Everything of you are mine." bulong niya.

I feel guilt. Kanina muntik ko nang ibigay ang sarili ko kay Zindo mabuti na lamang at umuwi na siya kaya napigil ang kagagahan kong nagawa.

Niyakap ko din siya ng mahigpit.

'I'm sorry Histan. Hindi ko na uulitin iyon. ' anang utak ko.

Humiwalay na kami sa isa't-isa.

"Sige na, baka ikaw pa kainin ko at iba pa ang mabusog hindi iyong tiyan ko. " seryosong sabi niya tapos bigla tumawa kaya napapalo ako sa braso niya ng mahina.

"Sira ka din ano. " aniko at natawa na lang din.

Pumasok na ako sa banyo at naligo. Paglabas ko andoon pa rin siya pero naka white t-shirt na siya at inantay talaga ako.

He OWNS Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon