MIAH'S POV
"Ako na maghuhugas ng mga plato. " aniko.
"Ate ako na." ani Rim naman. Umiling lang ako. Kinuha ko ang mga pinggan sa mesa at dinala na ito papunta sa kusina.
Habang naghahapunan kami kanina, hindi ako umiimik except kung tinatanong ako nina Rim at Nina. Ewan hindi ko maiwasang masaktan kapag nakikita ko si Papa.
Ang sakit lang, ipinambayad niya ako sa utang. Hindi ko namamalayan na may luha na palang tumutulo sa pisngi ko, I just feel the wet thing running into my face.
"Ate, ako na. " nagulat ako ng sumulpot si Rim sa tabi ko, dali dali akong tumalikod sa kanya at kunwari may kinukuha ako pero nagpapahid na ako ng luha ko.
I heard him sigh.
"I know there's a reason in everything. Ate I notice na hindi kayo nagkakausap ni Papa, I know may ugat ito. Is this about nalipat ka sa maynila? Or there's other reason? "
Napatingin ako sa kanya.
"Ano ka ba walang problema sa amin ni Papa, siguro nahihiya lang din si Papa magkwento dahil andiyan si Zindo like me. " pangatwiran ko.
"Is that it? " binalikan ko ang mga plato at sinimulang hugasan.
"Yeah, bakit mo naman iniisip na may problema sa amin ni Papa? Ano naman ang reason diba? "
"Tsk. Basta, I feel strange. "
"Ayan ka naman sa feel strange mo. " aniko.
"Teka, ate umiiyak ka ba? " nagulat ako at napatingin sa kanya.
"Umiiyak? Bakit naman? Tsk ikaw talaga Rim." aniko.
"May nakita kasi akong dumadaloy sa pisngi mo. "
"Sus naman tubig lang iyon, naghuhugas ako ano ka ba." turan ko.
"Rim. " hindi na ako lumingon sa tumawag sa kapatid ko.
"Mag-uusap kami ng Ate mo. Pwede bang iwan mo muna kami? "
I heave a sigh. Gusto kong pigilan ang kapatid ko sa pag-alis kaya lang magtataka talaga siya kapag ginawa ko iyon.
Sige lang ako sa paghuhugas ng mga plato.
"Miah. " rinig kong tawag niya pero hindi ko siya pinansin. Sobrang sakit kasi, everytime he's around, everytime I saw him naalala ko ang pagbayad niya sa akin sa mga utang namin.
Is it wrong? That I have this sulk feeling for him? Hindi ko maiwasan na makaramdam non.
"Sorry, alam kong hanggang ngayon galit ka pa rin sa akin. Patawad anak. " his voice is sincere. Gusto kong maiyak but I keep my self strong, hindi ako pwedeng maiyak. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko.
"Miah, patawarin mo ako. Alam kong mali pero intindihin mo naman, gipit na gipit na ako at may pagbabanta sa buhay natin if hindi ko naibigay ang gusto niya. " ani pa niya.
"Hindi pa ako handa. Sana maintindihan mo. " mahinang sabi ko.
"Miah, hindi ka mapapahamak sa kanya kung susundin mo lang ang mga gusto niya. "
Napatigil ako sa sinabi niya.
"I am doing it. Mahirap pero kinakaya ko. Huwag ka pong mag-alala mabuti naman ang lagay ko sa piling nila. " aniko.
Tinapos ko na ang pagbabanlaw ng mga plato at nilagpasan na siya.
Okay pa ako ngayon pero hindi ko alam sa susunod na mga araw. Hindi pa lumalabas ang totoong ugali ni Histan as known as cold hearted, kinakatakutan at nilalayuan.
BINABASA MO ANG
He OWNS Me (COMPLETED)
RomanceRated SPG 18+ open minded "You're my property Miah, no one should touch you, no one will own you, no one will kiss you, no one will hug you, NO BODY COULD GET YOU BECAUSE YOU ARE MY PROPERTY MIAH RAMOS, YOU ARE ONLY MINE every string of your hair...