Chapter 25

3.8K 64 4
                                    


MIAH'S POV

Natigilan ako ng makita si Sandy, katabi niya si Zindo. She look at me from head to toe napaparoll eyes pa siya.

"Honey, let's go." Ani Histan.

Sumunod ako sa kanya papalapit sa mesa.

Tumayo si Sandy at sinalubong si Histan pero umiwas si Histan at hinawakan ang kamay ko papunta sa magiging upuan namin.

Inis namang naupo uli si Sandy.

Hindi ko alam na andito din siya, sadya bang inimbitahan siya ni Histan pero para ano? Para pasakitan ako? Alam naman niya na minsan na kaming nag-away pero bakit niya inimbitahan? At isa pa galit na galit ang babaeng 'to sa akin.

Hindi ko na lang pinansin ang tingin ni Sandy na parang hinuhubaran ako, napasulyap ako sa ilang nandoon, sila na ata ang sinasabing mga kaibigan nila Histan.

Apat sila, maliban kina Zindo at Sandy, nakangiting sinundan ako ng tingin ng dalawang lalaki habang ang dalawang babae parang kinakaliskisan ako. Kinakabahan ako at nahihiya pero like they said be proud and confident kaya inignora ko ang mga tingin nila at itong hiya.

Pinaghila ako ni Histan ng upuan sa tabi ni Zindo na sa kabila lang nito si Sandy.

"Bro, nice to see you again." Anang isang lalaki at nakipagkamay pa kay Histan.

"Histan, can you introduce to us your fiancé?" Anang isang babae na hindi man lang ngumiti sa akin at talagang tinitigan ako ng makahulugan.

"Yeah, Histan introduce to us your FIANCÉ." Anang Sandy emphasizing the word fiancé.

Napasulyap ako sa mga kaibigan ni Histan. Everyone is waited to Histans word.

"Guys, this is Miah Ramos my fiancé. " anang Histan lang, napatingin ako sa kanya mukhang hindi maipinta ang kanyang mukha parang naiinis siya.

"Is that all? What about her work? Degree? Family background?" Anang isang babae.

Napakuyom ako ng kamao ko na nasa kandungan ko. This is what I am afraid of, ang usisain ang pagkatao ko.

May kamay na humawak sa kamay ko, it's Zindos hand. Hindi ito mapapansin nino man dahil masyadong mahaba ang table cloth at tago ang kamay ko. Napahawak na lang din ako ng mahigpit. I need it, I need to get strength. I need friend.

"We're here to have dinner and to met her. Kung ano man siya I accept it. Family background, degree or anything is not important for me having her in my life is much important than anything else. Don't make me angry." Mariing sabi ni Histan, napatingin ako sa mga nasa mesa nagkatinginan sila.

"So, she don't have anything even degree? Or tama nga ang sabi ko na binayaran mo lang siya para ikama." Ani Sandy.

Napayuko ako, I feel like I am so low, I feel like I don't have anything to be proud of. Ramdam ko na sobrang baba ko ngayon sa harap nila. Gusto kong magwalk out pero ayokong mapahiya si Histan.

Lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Zindo.

"Shut your mouth Sandy. You don't have the right to tell her like that. " singhal ni Histan. Napaangat ako ng ulo at sinulyapan ang bawat isa. Histan face was in serious and anger. Si Sandy nahagip ko ang matalim niyang tingin sa akin bago inowas ito.

"Okay, guys please calm. Ahh, ipaserve ko na ang pagkain para makapaghapunan na tayo so that lumamig naman ang mga ulo. Waiter." Anang isang babae na tinawagang waiter.

"Yeah, tama. Joyce ipaserve mo na din ang favorite wine ni Histan." Anang isang lalaki.

Wala na ding umimik pero ang atmosphere ay sobrang bigat lalo pa ang hagod at makahulugang tingin nila sa akin.

He OWNS Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon