Regrets and Heartbreaks
Sa ospital, naging maayos ang kalagayan ni Ella. Pumunta si Robert doon at binisita siya. Nagkausap sila at nagkamustahan. Tinanong ni Robert kung tama na ba yung panahon para sa kanilang dalawa.
Pero walang imik si Ella. Ang tanging ginawa lang ni Ella ay kinuha ang mga bulaklak na bigay sa kanya ni Robert at nagpasalamat.
Sa bahay ni Robert, habang siya ay nagaayos ng mga damit niya pang trabaho, biglang pumasok sa isip niya si Ella.
Pinagsisisihan niya kung bakit ganun ang mga binitawan niyang salita kay Ella noon. Mahal pa rin talaga niya si Ella at pinagsisisihan niya ang lahat.
Sa kakaisip niya ng mga ganung bagay, biglang tumunog ang kanyang telepono. May text siya na natanggap mula kay Ella. Sinabi ni Ella sa text na kailangan nilang mag- usap.
Sa restaurant ni Ella sila nag- usap. Dinalhan ulit ni Robert si Ella ng bulaklak. Binasag ni Robert ang katahimikan nung sinabi niya kay Ella na mahal pa niya ito. Hindi sinabi ni Ella na mahal pa niya si Robert, pero nagpasalamat siya dahil sa mga binitawang salita ni Robert sa kanya maraming taon na ang nakakalipas.
Nagpasalamat si Ella dahil kung hindi iyon sinabi ni Robert, hindi siya makakapunta ng bansa para makapag- aral at hindi niya rin makikilala si Brandon. Ang lalaking pumulot ng kanyang sirang puso at ang muling bumuo nito.
Nagbago ang ekspresyon ni Robert kay Ella. "Akala ko ba mahal natin ang isa't isa? Akala ko ba tayo lang dalawa pagdating ng tamang panahon. Akala ko ba ako yung tinitibok ng puso mo? Akala ko ba ako yung mahal mo?" Sinagot naman ni Ella ang mga sinabi sa kanya ni Robert. "Yun na nga eh. Akala ko lang yun. Akala ko yun na yun, pero hindi pala. Sorry, hindi na kita mahal. I'm now engaged. May mahal na akong iba." Sabi ni Ella at biglang pumatak sa kanyang mga mata ang mga luha niya habang pinapakita niya kay Robert ang engagement ring niya. Napaiyak na rin si Robert dahil sa mga nangyayari. "Paano na yung mga plano natin? Paano na yun?" Sabi ni Robert. Wala pang isang minuto ay nagsalita na agad si Ella. "Mahal kita. Pero ayaw ko na magalit ka sa akin dahil hindi ko natupad ang mga salitang binitawan ko sa iyo nung mga panahong mahal kita ." Sabi ni Ella. Napalakas na rin ang iyak niya. Marami ng mga taong nakatingin sa kanilang dalawa. "Nice meeting you Robert." Sabi ni Ella at kinuha na niya ang bag niya at biglang umalis pero nahawakan ni Robert ang kanyang kamay. "I love you." Sabi ni Robert pero hindi nagsalita si Ella. Inalis ni Ella ang kamay niya kay Robert at umalis na.
BINABASA MO ANG
Feelings We Don't Know
RomanceWill you hold on to your past? Even if it can break you or fix you? Present day, nameet ulit ni Ella ang past niya at the most unexpected time and place. Ito na ba ang right time para sa kanilang dalawa? Or is fate turning its magic again para pagla...