After Ten Years
Makalipas ang sampung taon, pinagtagpo ulit ang mga landas nila. Nagtatrabaho si Ella sa isang restaurant bilang chef at si Robert naman ay isang bumbero.
Isang araw habang may birthday party sa restaurant na pinagtatrabahuhan ni Ella, biglang may sunog na naganap. Hindi alam ni Ella ang gagawin dahil natrap siya sa loob ng lutuan.
Dumating naman ang mga bumbero kasama na si Robert doon. Sinabi ng isang lalaki na may natrap daw na babae sa loob. Kaya naman, pumunta na si Robert sa loob at hindi akalain ang nakita. Nakita niya si Ella doon. Nakahiga at walang malay. Biglang lumakas ang apoy kaya tumakbo na siya papunta kay Ella. Pagkatapos ay binuhat na niya ito at lumabas na sila.
Dinala ni Robert si Ella sa isang ambulansya para madala sa ospital. Hindi pa rin akalain ni Robert ang nakita niya. Ang babaeng siniraan niya ng puso.
BINABASA MO ANG
Feelings We Don't Know
RomanceWill you hold on to your past? Even if it can break you or fix you? Present day, nameet ulit ni Ella ang past niya at the most unexpected time and place. Ito na ba ang right time para sa kanilang dalawa? Or is fate turning its magic again para pagla...