Her Girlfriend
Sa nakalipas na dalawang buwan, ang tanging nasa tabi lang ni Ella ay si Dwayne. Ang kanyang high school bestfriend. Nagpapasalamat si Ella dahil nagtagpo ulit ang landas nila.
Umalis na rin si Ella sa kanyang apartment at doon na siya tumitira sa condo ni Dwayne. Masaya sila doon. "Dwayne. Ready na ako. Sasabihin ko na kay Robert." Sabi ni Ella kay Dwayne habang hawak hawak niya ang tiyan niya. Hindi pa ito masyadong malaki pero nagkakahugis na ito.
Sumakay ng sasakyan ni Dwayne si Ella at pumunta na sa bahay ni Robert. Huminga siya ng malalim pagkakita sa malaking bahay ni Robert.
Pinindot niya ang doorbell at may lumabas na lalaki sa pintuan. Parang bumagal ang oras nung papalapit sa kanya si Robert. "Ha ha hi." Sabi ni Ella nang makalapit si Robert sa kanya. "Hi." Tipid na sagot ni Robert. Nagbeso sila at papunta sa garden para magusap. "Robert, sino ba yang kau-." May babaeng lumabas ng pintuan. Natigilan siya sa kanyang sinasabi nung makita niya si Ella. Lumapit siya kay Ella at pinagsasampal niya ito. Sinabunutan niya rin ito. Napahiga si Ella sa lupa. "Ariane. Tama na." Sigaw ni Robert. Biglang pumasok si Dwayne sa bahay. Nakita niya si Ella na umiiyak. Sinuntok ni Dwayne si Robert. "Tigilan mo na ang boyfriend ko." Sabi ni Ariane. Sinuntok ulit ni Dwayne si Robert. Napatigil sila sa kanilang ginagawa ng biglang sumigaw si Ella. "Ahhhhhhhh!" Sabi nito. May nakita si Ella na dugo sa kanyang damit kaya naman napasigaw na siya. Nilapitan ni Dwayne si Ella at binuhat na ito. Umalis na sila sa bahay ni Robert habang walang malay si Ella.
BINABASA MO ANG
Feelings We Don't Know
RomanceWill you hold on to your past? Even if it can break you or fix you? Present day, nameet ulit ni Ella ang past niya at the most unexpected time and place. Ito na ba ang right time para sa kanilang dalawa? Or is fate turning its magic again para pagla...