The Doctor
Nasa ospital ngayon si Ella. Binabantayan siya ni Dwayne. Hindi pa rin nagigising si Ella. "Doc, kamusta na po siya?" Nag- aalalang tanong ni Dwayne kay Dra. Sandy, doktora ni Ella. "Ayos naman siya. Kailangan lang niyang magpahinga. "Eh yung baby po. Kamusta?" Pahabol na tanong ni Dwayne. "Maayos din. Normal ang heartbeat." Umalis na si Dra. Sandy at nagpasalamat si Dwayne dito.
Dumating si Robert sa ospital para bisitahin si Ella. Hindi siya pinapasok ni Dwayne kaya naman binigay na lang niya ang flowers at chocolates dito para ipabigay kay Ella.
Sa sumunod na araw, umalis na ng ospital si Ella at si Dwayne. Maayos na ang condition ni Ella at nagising na rin ito. Bumalik na sila sa condo ni Dwayne at namahinga.
"Dwayne. Gusto kong makausap si Robert. Tara pumunta sa kanila. Baka naguguluhan pa rin siya sa mga nangyayari." Pakiusap ni Ella kay Dwayne. "Ella. Kailangan kitang protektahan. Baka saktan ka ulit ni Ariane kapag nakita ka niya dun." Sabi ni Dwayne. Nasa dining room sila ngayon, nakain ng lunch. "Eh paano na itong anak ko? May karapatan din siyang makilala ang ama niya." Natauhan si Dwayne sa sinabi ni Ella kaya naman pumayag na ito na pumunta sa bahay ni Robert.
Nasa bahay na ngayon ni Robert si Ella. Nasa tapat siya ng pintuan at hinihintay na magbukas ito. Si Dwayne naman ay naiwan sa kotse. "Robert. May sasabihin ako sayo." Sabi ni Ella nung nakita na niya si Robert. "Ano yun? By the way, maayos ka na ba? Sorry sa nangyari ha." Ngumiti na lang si Ella sa sinabi ni Robert. "Robert. Mag aapat na bu-." Hindi na natuloy ni Ella ang kanyang sasabihin dahil hinablot ni Ariane ang kanyang buhok. "Malandi kang babae ka. Ang lakas mong bumalik dito. Umalis ka na dito." Sabi ni Ariane kay Ella. Nilakasan ni Ella ang kanyang loob para sampalin si Ariane. "Robert. Buntis ako. Mag aapat na buwan na. Sinabi ko ito sa iyo dahil may karapatan kang makilala ang magiging anak mo. Salamat. Aalis na ako." Sabi ni Ella pagkatapos niyang sampalin si Ariane. Nagulat si Robert sa kanyang nalaman. Dali- daling lumabas si Ella sa bahay ni Robert at sumakay sa kotse ni Dwayne.
Hinabol ni Robert ang kotse pero huli na siya. Malayo na ang kotse ni Dwayne at hindi na niya ito kayang habulin. Bumalik na si Robert sa kanyang bahay. Gulong gulo pa rin ang isip niya sa kanyang nalaman.
BINABASA MO ANG
Feelings We Don't Know
RomanceWill you hold on to your past? Even if it can break you or fix you? Present day, nameet ulit ni Ella ang past niya at the most unexpected time and place. Ito na ba ang right time para sa kanilang dalawa? Or is fate turning its magic again para pagla...