The Bell Tower Tragedy
Nagsimula ng maghanal si Ella ng cellphone niya. Hindi niya ito makita sa condo kaya naman nagpunta ulit siya ng simbahan.
Hinanap niya doon ang kanyang cellphone pero hindi niya ito mahanap. Nagtanong siya sa opisina ng simbahan pero wala daw silang nakikita.
Gabi na at papalabas na si Ella ng simbahan pero biglang tumunog yung kampana sa bell tower. Nakakatakot ang tunog nito. Wala ring ilaw sa simbahan.
Pinuntahan ni Ella ang bell tower at umakyat siya dito. Mahangin sa bell tower at tanging tunog lang ng kampana ang makikinig mo doon.
Si Robert naman ay nasa sasakyan. Hindi na niya maantay si Ellaa kaya naman lumabas na siya ng sasakyan at papasok ng simbahan. Pero biglang nagsarado ang pintuan at hindi na niya ito mabuksan.
Sa taas ng bell tower, kinilabutaan si Ella sa nakita niya. Nakita niya si Ariane doon na nananahi ng damit. Sinugod ni Ariane si Ella at pinagsasampal ito.
Lumaban din si Ella kay Ariane at pinaghihila ang buhok nito. Napalapit sila sa napakalaking bintana ng bell tower. Nagsasabunutan pa rin sila.
Hindi pa rin tumitigil ang pagtunog ng kampana. Hanggang sa tinulak ni Ariane si Ella at nahulog ito. Nahagip ni Ella ang damit ni Ariane kaya nahulog din ito.
Sabay silang nahulog sa bell tower. Ang unang nahulog ay si Ella habang ang nasa ibabaw naman niya ay si Ariane.
Nakita ni Robert na may nahulog na dalawang tao sa bell tower. Kinabahan ito kaya naman lumapit siya dito. Nakita niya ang mga walang malay na si Ariane at si Ella.
Nilapitan niya si Ella pero hindi ito gumigising. Biglang nagsalita si Ariane. Sinasabi niya ang pangalan ni Robert. Dinala ni Robert ang dalawang babae sa ospital ng napakabilis.
Sa ospital, unang inoperahan si Ariane. After five minutes, inoperahan na rin si Ella. Si Robert ay naghihintay sa waiting area at nag aalala.
Hindi makapunta si Brandon sa ospital dahil pinaghahanap na siya ng mga pulis. Inooperahan pa rin si Ariane. Matindi ang pagkakabagsak nito at ang malaking problema sa kanya ay ang kanyang paa at tuhod.
Si Ella naman ang sobrang nasaktan. Sobrang duguan ito at kamuntikan ng masira ang kanyang spinal cord. Kapag hindi agad ito naagapan, baka madamay pa ang kanyang utak. Bukod dito, matindi rin ang pagkakabagsak ni Ella. Nagkaroon siya ng dugo sa kanyang ulo.
Ang kailangan ngayon ni Ella ay dugo at operahan. Pero hindi sapat ang operahan siya dito. Nasalinan na siya ng dugo pero hindi pa rin kaya ang operahan siya.
Kailangan na idala siya sa ibang bansa para operahan. Sinabi ng doktor kay Robert na dadalhin si Ella sa Spain para doon siya operahan. Hindi agad nakasagot si Robert kaya naman nagisip muna ito.
Pagkatapos niyang magisip, sumagot siya ng oo sa doktor. Gusto pa rin kasi niyang mabuhay si Ella dahil mahal na mahal niya ito.
Kinabukasan, dinala na si Ella sa Spain para operahan ito. Malungkot si Robert. Ang kasama na niya ngayon sa condo ay si Janice at si Marinella.
BINABASA MO ANG
Feelings We Don't Know
RomanceWill you hold on to your past? Even if it can break you or fix you? Present day, nameet ulit ni Ella ang past niya at the most unexpected time and place. Ito na ba ang right time para sa kanilang dalawa? Or is fate turning its magic again para pagla...