Kabanata 17

5 2 0
                                    

Their Fight

Naiwan si Robert doon sa kanyang bahay kasama si Ariane na malungkot. Nilapitan siya ni Ariane para kausapin ngunit hindi nagsalita si Robert. "Robert. Tama na. Hayaan mo na sila. Nandito naman ako eh." Hindi pa rin nagsasalita si Robert. "Robert. Please." Tumayo si Robert at inihagis ang kanyang cellphone. "Lintek. Bakit mo ginawa yun kay Ella. Narinig mo naman diba? Buntis siya. Buntis siya!" "Girlfriend mo ako Robert. Dapat ako ang kinakampihan mo. Hindi yung malanding babae na yun." Sabi ni Ariane. "Yun na nga eh. Girlfriend nga kita. Kaya dapat pagbigyan mo ako sa kagustuhan ko. Dapat hinayaan mo si Ella na magsalita." Galit na galit na si Robert. Umiiyak na si Ariane. "Pero girl-." "Stop. Kapag sinabi mo pa yan, iiwan kita." Sabi ni Robert na tila paalis na ng bahay niya. "Sige subukan mong sumama sa babaeng yon at sisiguraduhin ko na hindi kayo magiging masaya. Na hindi ko kayo hahayaang maging masaya habang ako ay puno ng kalungkutan." Tinignan ni Robert si Ariane. Bakas sa mukha nito ang galit at kalungkutan. Ang tagal niyang tinitigan si Ariane. Hindi niya alam kung seryoso ba si Ariane sa sinasabi nito. May takot sa mukha ni Robert, kaya nilapitan niya si Ariane para yakapin. "Sorry na. Hindi na mauulit. Sorry na." Sabi ni Robert kay Ariane habang magkayakap sila. Hindi matiis ni Robert si Ariane pero deep inside his heart, alam niya kung sino ang mahal niya at hindi. Mahal niya si Ariane pero ngayon, mas matimbang si Ella sa puso niya lalo na't may malaking responsibilidad na siya na dapat gawin dito.

Feelings We Don't KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon