Welcome Baby Girl
Makalipas ang tatlong araw, sinugod si Ella sa ospital. Manganganak na kasi ito. Sumakay sila ni Dwayne sa isang taxi at nagpunta sa St. Sebastian Medical Center.
Sa loob ng delivery room, kasama ni Ella si Dwayne. Kinukuhanan ng video at pictures ni Dwayne ang panganganak ni Ella. Tinawagan a rin niya si Robert para pumunta.
Pagkatapos ng ilang minuto, nabalot ang buong silid ng iyak ng bata. "Congratulations, it's a girl." Binigay ni Dra. Sandy ang anak ni Ella dito. Tuwang tuwa si Ella dahil sa wakas ay nakita na niya ang kanyang anak.
Kita rin ito ni Dwayne kaya naman natuwa rin ito sa nakita. May luhang pumapatak sa mga mata ni Ella at ni Dwayne. Mga tears of joy.
Tinanong ni Dra. Sandy kung ano ang pangalan ng bata. "Marinella Berna C. Pangilinan." Sabi ni Ella kay Dra. Sandy. Ginamit din niya ang surname ni Robert.
Lumabas si Dwayne sa room at nakita sa waiting area si Robert. Nilapitan ni Robert si Dwayne. Tinanong niya kung kamusta daw si Ella. Sabi ni Dwayne na maayos naman daw. Tinanong ni Robert kung ano ang pangalan ng bata. "Marinella Berna C. Pangilinan." Sabi ni Dwayne. Napangiti naman si Robert.
Pagkatapos manganak ni Ella, dinala na siya sa isang room para magpahinga. Ang nagbabantay doon ay si Dwayne at si Robert.
BINABASA MO ANG
Feelings We Don't Know
RomanceWill you hold on to your past? Even if it can break you or fix you? Present day, nameet ulit ni Ella ang past niya at the most unexpected time and place. Ito na ba ang right time para sa kanilang dalawa? Or is fate turning its magic again para pagla...