Extended Edition 1

5 0 0
                                    

"Dahil malapit na akong mamatay, sana pagbigyan niyo na ako sa huling ibibilin ko sa inyo." Sabi ni Robert sa pamilya niya. Nandoon din sina Dwayne, Janice, Maxwell at Patrick.

"Pa, huwag mo nga sabihin yan. Gagaling ka pa okay?" Sabi ni Marinella. "Pagod na ako anak, hindi ko na kaya. Ella, alagaan mo ang mga anak natin ha." Sabi ni Robert na nakahiga na sa kama niya. Hinang hina na siya.

Ten days after ng fiftieth anniverssary nila ay sinugod si Robert sa hospital dahil na heart attack ito. Nag away kasi si Yannie at ang anak nina Dwayne at Janice na si Maxwell.

"Mahal na mahal ko kayong lahat." Sabi ni Robert. "Sorry, Pa. I love you." Sabi naman ni Yannie. Kinausap ni Robert si Yannie.

"Yannie, alam kong 25 years old ka na kaya ready ka na rin magpakasal. Bago sana ako mamatay ay gusto kong makita kita na ikinakasal. Ipagkakasundo kita kay Maxwell." Sabi ni Robert at nagulat ang pamilya nito.

"Robert, wala kang nasasabi sa akin tungkol dito." Sabi ni Ella. "Alam na nina Janice at Dwayne at sana ay pumayag ka na rin." Sabi ni Robert kay Ella. Pumayag din naman si Ella.

Labag man sa kalooban ni Yannie ay magpapakasal siya kay Maxwell. Si Maxwell? Parang wala lang sa kanya. Sabagay, mahal naman ni Maxwell si Yannie eh.

"Bukas na bukas din ay ikakasal na kayong dalawa." Sabi ni Janice sa dalawa. "What?" Gulat na gulat na sagot ng dalawa.

Hindi pumayag si Ella na hindi magpagamot si Robert kaya naman sasama sila kina Marinella at Patrick papuntang America. Buntis din kasi si Marinella eh. Sa America na rin gaganapin ang kasal nina Yannie at Maxwell.

"Ayusin niyo na ang mga gamit niyo at pupunta na tayong lahat sa America bukas." Sabi ni Ella sa lahat.

Feelings We Don't KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon