A Holy Place
Nine days. Siyam na araw na lang sila magsasama at kahit ngayon, hindi pa rin iyon alam ni Robert. Hindi pa rin nasasabi ni Ella ang tungkol sa pag- uwi ni Brandon kay Robert. Takot na takot kasi siya lalo na't mahal na niya ito.
"Ouch!" Tumalon si Ella papunta sa kama kung saan nakahiga si Robert. Ginising niya si Robert dahil kailangan nilang magsimba.
"Good morning." Sabi ni Ella kay Robert. Binati rin ni Robert si Ella. "Saan mo gustong magsimba?" Tanong ni Ella. "Gusto ko sa San Roque Church sa Pampanga." Sagot naman ni Robert.
After four hours, nakarating sila sa Pampanga. Pumunta na agad sila sa San Roque Church at nagdasal doon. Habang hindi pa nagsisimula ang misa, nag wish muna sila. Sabi daw kasi ng matatanda, kapag daw first time mong makapunta sa isang simbahan ay magwish ka daw dito. "Sana po makasama ko habangbuhay yung babaeng katabi ko." Hiling ni Robert habang nakapikit. Si Ella naman ay sa isip na lang niya sinabi yung hiling niya. "Tulungan niyo po ako. Tulungan niyo po ako kung ano talaga ang tinitibok at sinisigaw ng puso't isipan ko. Gusto ko na pong malaman kung ano ang isinisigaw nitong pangalan."
Nagsimula na ang misa. Nakinig sila sa mga pabasa at sa sermon ng pari. Kumakanta rin sila ng may sigla sa kanilang puso. Offertory na. Naghulog si Ella sa lalagyanan ng mga pera. "Konti lang oh. Buti ka pa, madami kang maibibigay." "Okay lang yan. Kahit konti, basta galing sa puso, pwede na yun." Sabi ni Robert kay Ella.
Oras na para dasalin ang "Ama Namin". Naglapit si Ella at si Robert at naghawak kamay sila. Sabay nilang kinanta ang "Ama Namin".
Pagkatapos ng misa, lumabas na sila ng simbahan. Pupunta sila ngayon sa Hot Air Balloon Competition. Isa rin yun sa mga plano nila.
"Nandito na tayo." Sabi ni Robert. Hindi na nakapagsalita si Ella dahil nakatingin siya sa mga hot air balloon. Sobrang ganda ng mga hot air balloon. Balak nilang sumakay sa isa sa mga hot air balloon kaya naman kailangan nilang magbayad.
Habang naghihintay sila sa masasakyan nilang hot air balloon, nagpalipad muna sila ng saranggola. Hawak ni Ella ang isang saranggola. Sa sobrang lakas ng hangin, hindi na mahawakan ni Ella ang kanyang hinahawakan. Lumapit sa kanya si Robert at sabay nilang hinawakan ang saranggola. Magkahawak kamay sila. "Kahit na nahihirapan ka na, huwag mo itong bibitawan. Mahal mo eh at gusto mo." Sabi ni Robert habang nakatingin sa saranggola. Hugis puso ang kanilang saranggola. "Thank you." Sabi ni Ella kay Robert. Kinilig si Ella sa sinabi ni Robert.
Nakasakay na sila sa isang hot air balloon. Sobrang taas na nila. Kitang- kita na nila halos ang buong Pampanga. "Ang ganda." Sabi ni Ella habang pinagmamasdan ang napaka gandang view. "Pero ikaw ang pinaka maganda Ella." Sabi ni Robert. Nagkatitigan sila. May nilabas si Robert sa kanyang dalang bag. Isang bote ng gummi worms. "Ella. Para sa iyo ito. Gift ko yan sayo. Thank you sa lahat." Sabi ni Robert habang binibigay niya kay Ella ang bote ng gummi worms. Favorite kasi ni Ella ang mga gummi worms. "A bottle of gummi worms!!!" Sabi ni Ella. Tuwang tuwa siya. Sa sobrang tuwa niya, niyakap niya si Robert at hinalikan ito sa lips. Nabigla silang dalawa sa nangyari. Matagal tagal din silang nag kiss at pagkatapos nun, tumingin na ulit sila sa napakagandang view.
Nang makababa na sila ng hot air balloon, bumalik na sila sa kanilang sasakyan para umuwi.
It was such a great day for Ella and Robert. Pero paano na kapag nalaman ni Robert ang sikreto ni Ella?
BINABASA MO ANG
Feelings We Don't Know
RomanceWill you hold on to your past? Even if it can break you or fix you? Present day, nameet ulit ni Ella ang past niya at the most unexpected time and place. Ito na ba ang right time para sa kanilang dalawa? Or is fate turning its magic again para pagla...