Booksigning Event
Bago pumuntang Malaysia, nagpunta muna si Ella at si Dwayne sa isang booksigning event. Si Dwayne kasi ang gumawa ng book cover ng ila- launch na libro.
Nagsimula na ang booksigning. Andaming tao sa stadium para pamirmahan ang mga libro nila. Sina Ella at Dwayne naman ay nasa gilid. Pinapanuod nila ang mga tao. Pinirmahan ni Dwayne ang mga libro ng mga taong lumalapit sa kanya.
Bigla nilang nakita si Ariane. Nakita rin sila ni Ariane. "Kung sinusundan mo kami ni Robert, huwag mo na kaming sundan." Sabi ni Ariane. "Hindi ka namin sinusundan. Si Dwayne lang naman ang gumawa ng cover ng librong hawak mo. At saka bakit ka ba nandito?" Inis na tanong ni Ella. "Binili ko lang yung pamangkin ko ng libro. By the way, wala na kami ni Robert. Iniwan na niya ako. Ikaw kasi ang pinili niya eh. Masaya ka na?" Biglang sinampal ni Ariane si Ella. Sasampalin na rin dapat ni Ella si Ariane pero pinigilan ito ni Dwayne. "Ariane, umalis ka na. Ella tama na." At umalis na si Ariane. Sinira na naman ni Ariane ang araw ni Ella.
Naiwang tulala si Ella kasama si Dwayne. Wala na si Ariane at si Robert? Iniwan na ni Robert si Ariane? Ako pa rin ang pinili niya? Argh! Naguguluhan si Ella. Ang daming tumatakbo sa isip niya.
Pagkatapos ng booksigning event, umuwi na si Ella at si Dwayne sa condo nila.
BINABASA MO ANG
Feelings We Don't Know
عاطفيةWill you hold on to your past? Even if it can break you or fix you? Present day, nameet ulit ni Ella ang past niya at the most unexpected time and place. Ito na ba ang right time para sa kanilang dalawa? Or is fate turning its magic again para pagla...