Couple Shirts
Halos magkasabay umuwi sina Ella, Dwayne at Robert. Dumiretso agad sa kwarto si Dwayne para matulog na kasama si Marinella.
Habang si Robert at Ella naman ay naiwan sa sala para manuod ng movie. Pinanuod nila yung Beauty And The Beast. Tahimik lang silang nanunuod hanggang sa lumabas si Dwayne sa kwarto.
Hindi ito nakita ng dalawa dahil madilim na. Narealize ni Dwayne na dapat na niyang unahan si Robert. Baka kasi magkabalikan ulit anh dalawa.
Kinabukasan, nagpunta ulit si Dwayne at Ella sa mall. Naiwan naman si Robert sa condo para bantayan si Marinella. Merong mall show ang isang artista sa mall kaya naman nagpunta sina Ella at Dwayne sa events center.
Nakita nila doon si Shawn Mendes. Kumakanta ng Mercy. Napakagaling nitong kumanta. Nagpalakpakan si Ella at Dwayne ng matapos kumanta si Shawn Mendes.
Hindi pa tapos ang mall show kaya naman nagutom si Ella. Bumili siya ng ice cream sa labas. Treat ni Dwayne. Habang papunta ulit sila sa mga tao, natapunan ang damit ni Ella ng ice cream.
May binigay si Dwayne na damit kay Ella at nagpalit ito. Pagkalabas ni Ella ng CR, hinubad ni Dwayne ang kanyang suot na jacket. Naka couple shirt sila ngayon.
Ang nakalagay kay Ella ay isang heart na may red string. Ang kadugtong nun ay yung kay Dwayne. Nagpunta na ulit sila sa event center.
Nagulat si Ella sa nakita niya. Niyakap niya si Dwayne at nagpasalamat. Tuluyan na nga ba siyang mahuhulog kay Dwayne?
BINABASA MO ANG
Feelings We Don't Know
RomanceWill you hold on to your past? Even if it can break you or fix you? Present day, nameet ulit ni Ella ang past niya at the most unexpected time and place. Ito na ba ang right time para sa kanilang dalawa? Or is fate turning its magic again para pagla...