The Truth Will Not Set You Free
Two days na lang at nasa Pilipinas na ulit si Brandon. Will Ella tell the truth to Robert? Nasa restaurant sila ngayon. Nagtatrabaho sila.
After that night, mas napamahal na sila sa isa't isa. Pero lahat ng bagay may katapusan. "Ella, Robert. Mag take muna kayo ng lunch." Sabi ng manager nila. Humanap ng table si Ella at Robert at kumain muna ng tanghalian.
Habang sila ay nakain, "Robert, may sasabihin nga pala ako sa iyo." Sabi ni Ella. Hindi niya kayang matingnan si Robert dahil sasabihin na niya dito ang totoo. "Ano yun?" Sagot ni Robert. Nagsimula ng umiyak si Ella. Mabuti na lang at walang taong kumakain sa paligid nila. Tanging sila lang dalawa ang nandoon sa lugar na iyon. "Sorry. Natakot ako. Naging duwag ako. Dapat sinabi ko na sa iyo ito dati pa." Umiiyak na sabi ni Ella. "Ano yun? Anong sasabihin mo? Alin yung dapat dati mo pa sinabi?" Nauutal na sabi ni Robert. "Tanda mo nung manunuod tayo ng sine? Nag text sa akin si Mama nun. Sinabi niya sa akin na uuwi na daw si Brandon ng Pilipinas after thirty days. Hindi ko yun pinansin dahil gusto ko na maging masaya tayo nung araw na yun. Pero mali pala ako, dapat sinabi ko na agad sa iyo para malaman mo. Para hindi ka na nasasaktan ng ganito." Malakas na ang iyak ni Ella at pati na rin si Robert. "Mahal kita Ella. Di mo ba alam yun? Yung halik natin sa Enchanted. Yung sinabi ko sa Wheel Of Fate. Yung halik natin doon sa hot air balloon. Pati yung hiniling ko sa simbahan sa Pampanga. Yung gabing nasa kitchen tayo ng restaurant na ito. Lahat yun totoo. Mahal na mahal kita Ella. Ikaw lang talaga yung mahal ko. Mahal kita Ella. Mahal." "Pero mali eh. Wrong timing. Bumalik ka ulit sa buhay ko pero engaged na ako. Mahal kita Robert. Pero mahal ko rin si Brandon. Mahal ko kayong dalawa." Umiiyak pa rin si Ella. "Mahal kita Ella. Pero kung saan ka masaya. Doon ka pumunta. Kung sino man ang pipiliin mo sa amin, tatanggapin ko yun. Ganun kita kamahal." Malungkot na sabi ni Robert. "Salamat. Hindi kita makakalimutan Robert." Sabi ni Ella kay Robert. "Ikaw din. Mahal na mahal kita. Kahit na siya yung pinili mo, patuloy pa rin kitang mamahalin kahit na masakit." Sabi ni Robert. Naglapit ang kanilang mga mukha. Hinalikan nila ang isa't isa. "Thank you." Robert said in between kisses. "Sorry." Sagot naman ni Ella. Patuloy pa rin nilang hinahalikan ang isa't isa. Hanggang sa nangyari ang hindi inaasahang pangyayari.
BINABASA MO ANG
Feelings We Don't Know
RomanceWill you hold on to your past? Even if it can break you or fix you? Present day, nameet ulit ni Ella ang past niya at the most unexpected time and place. Ito na ba ang right time para sa kanilang dalawa? Or is fate turning its magic again para pagla...