Unforgettable Moments
Nasa apartment ngayon ni Robert si Ella. Doon muna siya titira habang ginagawa nila ang mga plano nilang dalawa. Nagpahinga muna sila at saka nanuod ng basketball sa TV. Isa rin kasi yun sa mga plano nila. Ang manuod ng basketball ng magkasama habang kumakain ng mga kendi.
Biglang may kumatok sa pintuan. Binuksan ito ni Robert at may nakita siyang isang sulat sa sahig. Sinasabi sa sulat na tinanggalan na siya ng trabaho dahil may isa siyang utos na hindi sinunod. Bumagsak na rin ang opisina ng mga bumbero kaya napagdesisyonan ng namamahala doon na magtanggal ng mga bumbero. Sinabi ni Robert kay Ella na wala na siyang trabaho. Naintindihan siya ni Ella kaya naman ang ginawa ni Ella ay papagtrabahuhin na lang niya si Robert sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya. May bago na rin kasing trabaho si Ella sa bagong restaurant malapit sa apartment ni Robert.
Pagkatapos ng lahat ng nangyari, natulog na sila ng mahimbing at maayos.
Kinabukasan, maaga silang gumising dahil may pupuntahan silang isang lugar. Pupunta sila sa isang bahay ampunan. Gusto nila ang lugar na iyon dahil tuwang tuwa sila sa mga bata na nandoon.
Sa bahay ampunan, nakipaglaro sila sa mga bata na nandoon. Kumain din sila kasabay ang mga bata doon. Then noong nakatulog na ang mga bata, pinagmasdan nina Ella at Robert ang mga ito.
Nagsalita si Robert. "Siguro kung naging tayo, baka ngayon may mga anak na tayo." Napatingin si Ella kay Robert dahil sa sinabi nito. "Baliw. Ikakasal na ako." Sabi ni Ella kay Robert. Hindi nila napansin na magka holding hands na pala sila. Nagkatinginan sila. Lumapit ang mukha ni Robert kay Ella na parang hahalikan niya ito. Sobrang magkalapit na ang mga mukha nilang dalawa. Maglalapit na sana ang mga labi nila kaso biglang bumukas ang pinto. May pumasok na isang bata. Kinilig tuloy ang bata kaya naman hindi na natuloy ni Ella at Robert ang kanilang ginagawa. Napatingin silang dalawa doon sa bata at napatawa na lang.
Nang magising ang mga bata, nagpaalam na si Ella at Robert sa mga ito. Nagpasalamat ang mga bata sa kanilang dalawa at nag group hug naman silang lahat.
Umalis si Robert at Ella sa bahay ampunan ng may ngiti sa kanilang mga labi.
BINABASA MO ANG
Feelings We Don't Know
RomanceWill you hold on to your past? Even if it can break you or fix you? Present day, nameet ulit ni Ella ang past niya at the most unexpected time and place. Ito na ba ang right time para sa kanilang dalawa? Or is fate turning its magic again para pagla...