Chasing You
Iyak pa rin ng iyak si Ella. Nasa salas siya ngayon kausap ang kanyang nanay. Humihingi ng tulong si Ella sa kanyang nanay kung ano ang gagawin niya kay Robert at Brandon. Sinabi ng nanay niya na dapat sundin niya ang tinitibok ng puso niya pero dapat hindi niya kalimutan ang sinisigaw ng isip niya. Sinabi ng nanay niya na dapat gawin ni Ella ang mga plano nila ni Robert. Nagpasalamat siya sa nanay niya. May pahabol na sinabi ang nanay niya sa kanya. "Go and follow Robert. Aalis na siya to pursue his dreams to become a seaman aside from a fire fighter. Gawin niyo na ang dapat niyong gawin. Ako na ang bahala kay Brandon." Nabigla si Ella at nagpasalamat ulit sa nanay niya.Kinuha na niya ang kanyang bag at umalis na ng kanilang bahay.
Now, Ella is in the airport to stop Robert going to America. Tinanong niya sa mga tao doon kung saan ang flight papuntang America.
After thirty minutes, nakita na niya si Robert. "Ella?!?" Sabi ni Robert nung magkita sila. "Robert. Sorry. Sorry sa mga nasabi ko nung nag-usap tayo. Itutuloy natin yung mga plano natin." Sabi ni Ella at niyakap niya si Robert. Ngumiti si Robert sa kanya.
Dahil sa pag-uusap nila, hindi namalayan ni Robert na nakaalis na pala ang eroplano na sasakyan niya. Pagkatapos nun, umalis na sila ni Ella sa airport at nagpunta sa restaurant ni Ella.
They talk there and share each other's lives. It's like they are starting over again. Hindi na sila nagsayang ng oras. Gagawin na nila ang mga plano nila. Napag isipan nila na manunuod sila ng sine at pupunta sa isang coffee shop pagkatapos. Bago sila makaalis, nakatanggap si Ella ng text mula sa nanay niya. "Ella. Babalik na si Brandon sa Pilipinas to arrange your wedding. Kamusta kayo ni Robert? You only have thirty days to do all your plans." Kinabahan si Ella sa text ng nanay niya. Hindi niya ito pinansin at nag focus na lang kay Robert. Hindi niya muna ito sasabihin kay Robert dahil tiyak na magagalit ulit si Robert. Ang alam kasi ni Robert ay next year pa ang kasal ni Ella kay Brandon.
Nasa sinehan na sila at nanunuod na ng palabas na napili nila. Sa huli, lumabas sila ng may ngiti sa kanilang mga mukha. Hindi dahil sa maganda ang pelikula kundi dahil nagawa na nila ang isa sa mga pinlano nila noon pa.
Sunod naman nilang pinuntahan ang isang coffee shop. Doon sila nag- usap ng matagal. Naisipan din nila na ilista ang mga planong hindi pa nila nagagawa.
Noong natapos na nilang ilista ang mga iyon, inubos na rin nila ang kanilang mga inumin at nagpaalam na sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Feelings We Don't Know
RomanceWill you hold on to your past? Even if it can break you or fix you? Present day, nameet ulit ni Ella ang past niya at the most unexpected time and place. Ito na ba ang right time para sa kanilang dalawa? Or is fate turning its magic again para pagla...